Shin"Nasaan naba si Samuel?!" gigil na tanong ni Captain Yami. Kanina pa kasi wala si Sam, saan kaya nag punta iyon? Yari 'yon kay Captain.
Kasalukuyan kaming nag-se stretch ngayon. Malapit na kasi mag-umpisa 'yung. Nandito na 'yung players ng Somorset High School kaya madami na ring tao. Kahit nga hindi talaga ditong school nandirito din.
Kapag may match sa school, kahit sino pwede pumasok.
So mabalik tayo, lumapit ako dito kay Semi na kasalukuyang nag lalagay ng hair band sa ulo.
"Hoy! Nasaan ba 'yung kambal mo? Nag-aalburoto na sa galit si Captain." mahinang bulong ko sa kan'ya. Nag kibit balikat naman s'ya.
"Aba malay ko d'on! Hayaan mo s'ya, para mapagalitan ni Captain at Coach." sambit n'ya at napailing iling naman ako. Tong kambal na ito talaga.
"NASAAN SI KENTALA!?" napatingin kaming lahat sa gawi ng Somorset ng biglang sumigaw ng malakas ang Coach nila.
"S-sabi kasi n'ya, Coach.. M-may bibilhin lang s'ya saglit." sambit nung number 4 na sa tingin ko ay Captain nila.
"Ang batang iyon talaga!!" inis na sambit nung Coach nila. Medyo may katandaan na Coach nila, hindi katulad nung Coach namin na si Coach Yohei.. Young wild and free haha!
Lumapit ako kay Kodie na nasa sahig habang nag se stretch.
"Kodie, wala pa doon si Julian. Nasaan rin kaya iyon?" tanong ko at nag kibit balikat lang rin s'ya.
"I don't know. Why are you asking me?" blangkong tanong n'ya at napatayo naman ako. Sabi ko nga hindi ko na s'ya tatanungin.
Alam niyo 'yung feeling na kahit magkaibigan kami ni Kodie simula pa nung bata, may nararamdaman parin akong takot at kilabot sa kan'ya. S'ya kasi 'yung tipo ng tao na hindi mo gugustuhing kulitin.
Sana may taong dumating para mapatino at mapabuti s'ya.
Valerie
Kasalukuyan akong nananakbo papuntang store upang bumili ng maiinom. Gusto ko kasi dalhan sina Kuya ng masarap na inumin.
Ilang minutes nalang mag uumpisa na iyong match kaya binilisan ko ng bumili. Pag pasok na pagpasok ko sa store, dumiretso agad ako sa beverages section upang bumili ng para kina Kuya Sam at Kuya Semi.
Pag punta ko sa unang section, may nakita akong isang lalaki na namimili rin ng inumin. Kulot s'ya at medyo maliit ng konti kay Kodie. Naka P.E uniform din s'ya na may initials na S.H.S. Then, may nakaburdang wolf sa likod ng P.E n'ya.
Masikip iyong daan kaya kailangan kong mag excuse sa kan'ya.
"E-excuse po.." sambit ko. Na patingin naman s'ya saakin.
"Sor.. ry." pahinang sambit n'ya ng mapatingin s'ya saakin. Napatitig lang s'ya saakin, ako naman napalunok at napaiwas ng tingin. Saka ako kumuha ng mga inumin.
"A-are you from Wagon Academy?" tanong n'ya saakin kaya napahinto ako at na patingin sa kan'ya. Dahan dahan akong tumango na kaagad na ikinangiti n'ya.
"Y-yes."sagot ko.
"Oh I see. We have a match in your school right now." sambit n'ya kaya napa angat ang dalawang kilay ko at nagulat ako ng in-unzip n'ya ang Jacket n'ya saka pinakita saakin ang panloob na suot n'ya. Nagulat ako ng mabasa ko ang nakalagay sa Jersey n'ya.
"I'm from Somorset High school, my name is Julian Kentala." pakilala n'ya saakin.
Somorset?.. Hindi ba iyon ang kalaban nina Kodie ngayon?
BINABASA MO ANG
That Basketball Player (Sports #2) Season 1 ✔
Teen FictionSports #2 - Basketball Kodie is a cold-hearted guy with anger issues while Valerie is a nice shy girl. Pretty opposite, right? But despite of this, they became a lovers. Kodie being a basketball player and Valerie being his number 1 supporter. Every...