Chapter 26 - Sudden Confession

204 4 0
                                    

Semi

"Pre tara na, baka ma-late tayo pag punta ng gym." sambit ni Haise. Tumango lang ako saka s'ya tinapik s'ya sa balikat.

Nasa parking kami ngayon dahil papunta na kami sa gym. May laro kami ngayong 4:00 pm.

"Sige una na kayo. Hinihintay ko pa future wife ko e." sambit ko at natawa naman si Haise. Anong nakakatawa? Totoo 'yon.

Napangiti rin ako at nung matanaw ko si Captain na namimilog ang mga matang nakatingin saakin ay agad akong napatungo. Bakit ba ganito tratuhin ni Captain ang future bayaw n'ya?

"Tss."nung narinig ko ang nakakairitang boses ni Sam ay nag-angat ako ng tingin at sinamaan s'ya ng tingin.

"Anong tini-tss tss mo d'yan ha, Sam?! Huwag kang mayabang porke shota mo si Fahari!" sambit ko at napatigil naman s'ya sa paglalakad at kunot noong tumingin saakin.

"We're not in relationship." sambit ni Sam. Humalukipkip lang ako saka pumikit.

"Huwag ka ngang sinungaling. Kambal tayo alam ko kung kailan ka nagsisinungaling o hindi. Mag katawagan nga kayo kagabi." pagbubuking ko sa kan'ya. Kala n'ya ha rinig na rinig ko sila kagabi. Paano ba naman kahit hindi naka loud speak ang lakas ng boses ni Fahari Hahahaha.

"Nuys! Magka usap pala kayo kagabi." pang-aasar sa kan'ya ni Karma. Ganyan nga sigi asarin n'yo s'ya ng makabawi bawi man lamang ako.

"Tss!" inis na sambit ng kapatid kong pikon saka s'ya pumasok na sa Van. Hahahaha pikon pala e.

Gaya ng ng nais ko, nag pa iwan ako dito. Maaga pa naman, hihintayin ko muna si Paris my loves.

Want n'yo ba malaman kung paano ako nagkagusto sa kan'ya? Ganito kasi 'yan.

"TODAY IS THE OPENING OF THE GRADE SCHOOL TOURNAMENT.."

...

"Semi, aren't you going home? Tapos na game natin." sambit ni Sam. Pero napaisip muna ako. Ayoko pa muna umuwi, parang kararating lang namin tho katatapos lang ng first game namin.

Ang bilis lang ng game namin, hindi naman sa pagmamayabang pero mabilis lang namin tinapos 'yung game namin kanina. Ni hindi ako pinag pawisan ng matindi.

"Hindi muna, ano pa bang may game ngayon?" tanong ko kay Sam habang nag aayos ako ng gym bag ko.

"Volleyball girls I think? Don't tell me you're going to watch it?" tanong ni Sam. Napa smile naman ako.

"What's wrong? Halika samahan mo nga ako sa saglit lang natin panoorin tapos uuwi na tayo." sambit ko. Hindi na s'ya nakapag salita dahil hinila ko na agad s'ya.

***

Nung makarating na kami doon, tiningnan ko ang score board at..

23 - 10 ang score at third set na.

"Woah. Ang galing naman ng school na 'yon!" manghang sambit ko sabay napahawak sa fence.

"Dre ang galing nung number 4 nila."

"Nga e, 'yung maikli buhok noh? Kanina pa 'yan nag s-score."

Nakarinig ako ng bulungan sa gilid ko.

'Number 4?'

Na patingin agad ako ng tinutukoy nila at agad na bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ko ito. Saktong naka smile s'ya nung tiningnan ko.

That Basketball Player (Sports #2) Season 1 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon