Val
Katatapos lang ng opening, muntik pa nga yata ma late si Kodie sabi kasi saakin ni Shin nag punta pa s'ya sa Kuya n'ya.
Kasama ko si Hera manood, ang dami ngang tao dito e. Karamihan mga estudyante, grabe 'yung hiyawan nila sa mga players ng school namin. Gusto ko nga din I cheer si Kodie at sina Kuya kaso nahihiya ako T^T
"AAAAAHHHHHHH KODIEEEE GALINGAN MO SA MGA GAME MO!!!!" agad akong napatingin sa likuran ko ng may sumigaw ng malakas. Tatlong babaeng nag hi hiyawan habang sinisigaw ang pangalan ng mga players sa school namin.
Base sa uniforms nila, hindi sila taga Wagon.
Napalunok ako ng biglang silang napatingin saakin.
"Hm? Why are you looking at me?" mataray na sambit nito at agad naman ako napaiwas ng tingin.
"S-sorry.." sambit ko sabay tingin nalang uli sa harap.
"Wag mo na sila pansinin." bulong saakin ni Hera at tumango nalang ako.
***
After mag salita ng mga players, nanakbo na kami ni Hera papunta kina Kuya. Kaso hindi kami maka singit kasi ang daming na papa picture sa kanila. Ganito pala sila ka sikat.
Samu't saring tulak ang dinanas namin ni Hera bago kami makapunta kina Kuya.
"Oh! Hi, Val!" unang lumapit saakin si Shin, then kinawayan ko s'ya. "Hera, you're here too?" nakangiting tanong sa kan'ya ni Shin at agad namang na mula si Hera.
"U-uhh." tango ni Hera.
Hinanap naman ng paningin ko si Kodie na ngayon ay nakasimangot.
"Tss! Shut up ugly extras.." rinig kong bulong n'ya at napangiti naman agad ako.
Nawala agad ang ngiti sa labi ko ng mapatingin s'ya sa akin. Napaiwas naman ako ng tingin hanggang sa may maramdaman akong humawak sa braso ko.
Nagulat nalang ako ng mapagtanto kong hila hila na ako ni Kodie palabas ng gymnasium.
"H-heh? K-kodie-"
"Shut up and come with me." sambit lang n'ya at hindi naman ako nag salita na gaya ng sabi n'ya.
Pero hindi naging madali ang pag labas namin dahil sa kapal parin ng tao.
"Kodie, can we take a picture?"
"HI Kodie!"
"Let's take a picture!"
"I love you!!!"
"Can I hug you?"
Dahil sa dami ng tao ay napilitan kami ni Kodie na tumigil. Mula sa likuran n'ya ay kitang kita ko kung paano s'ya bumuntong hininga.
"Could you just give us some space? You're all being disrespectful to my girlfriend, get out of our way."
O_______O
Nanlaki ng husto ang mga mata ko. Girlfriend??? Ako ba??? Kailan pa???
"Girl-"
Tatanungin ko na sana s'ya ng bigla n'yang hinigpitan ang kapit sa braso ko. Parang pinababatid n'yang manahimik ako. Kaya hindi na uli ako nag salita.
Dahil sa gulat ng mga tao sa paligid namin ay hindi agad sila nakapag react kung kaya't nakatayo lamang sila, kinuha iyong opportunity ni Kodie upang makadaan kami.
BINABASA MO ANG
That Basketball Player (Sports #2) Season 1 ✔
Teen FictionSports #2 - Basketball Kodie is a cold-hearted guy with anger issues while Valerie is a nice shy girl. Pretty opposite, right? But despite of this, they became a lovers. Kodie being a basketball player and Valerie being his number 1 supporter. Every...