Val"Ay nakalimutan ko mag dala ng lunch!" ani ko habang binabagtas namin ang daan papuntang classroom. Nga pala, final exam namin ngayong araw. Ilang kembot nalang bakasyon na.
"Okay lang hati nalang tayo sa food ko, madami naman ako dinala e." sabi n'ya. Nag advise kasi ang mga teacher na mag dala na kami ng lunch kasi bawal umuwi at sarado din ang canteen dahil nga exam namin. Baka daw may ma late kaya nag advise nang magdala ng lunch.
"Nag review ka?" tanong saakin ni Hera.
"Hindi masyado. Nag meeting kasi kami sa glowly pagkauwi ko. Anong oras na ako nag review tapos naka tulog na ako." ani ko. Napagod kasi ako kahapon kaya hindi na ako masyadong nakapag review.
"Edi tara bilisan na natin para makapag review ka kahit saglit habang hindi pa start." Hera said.
Shin
"Kodie, how's the exam?" tanong ko pagkatapos ng first subject exam namin. Tumabi ako ng upuan sa kan'ya.
"Easy." he retorted. Nak ng potcha kahit sa acads magaling talaga itong si Kodie.
"Anong balak mo after? Tara video games tayo sa in'yo." suhestiyon ko. Wala naman na kami gagawin after nitong final exam. Bakasyon na kaya pwede na akong mag video games uli.
"I can't. May bisita kami sa bahay mamaya." sagot n'ya. Nagtaka ako.
"Sino?" tanong ko.
"None of your business." napasimangot ako sa sinabi n'ya. Ang damot kala mo naman ipagkakalat ko e.
"Edi kinabukasan? Laro naman tayo tagal na natin hindi nag lalaro. Saka wala na tayong basketball practice champion na tayo next year na uli 'yon." sambit ko.
"I still need to practice. I'm gonna be NBA player." wow oo nga pala. Pangarap n'ya 'yan maging NBA player. Siguro kung sa America s'ya nag aaral baka ma level s'ya as 5 star recruit.
"O sige bahala ka. Basta pag gusto mo mag laro just call me."
"Tss!"
Val
Yaaaaaay! Naka survive din! Tapos na exam at bakasyon naaaaa! Hindi lang ako makapag saya ng sobra kasi for sure, ngayong wala muna akong school pan samantala ay magiging puspusan ang trabaho ko sa glowy.
Oo trabaho ko na iyon hindi na sideline. Ako na daw ang gagawing endorser sa mga new edition products para sa mga teen. Tho hindi naman masyadong mahirap dahil teen palang naman, kasi kung adult products na 'yan iba na 'yun. Iyun na 'yung may mga make up kits at lipsticks. Pag adult na ako siguro pwede na ako duon.
Nagpaalam na saakin si Hera na aalis s'ya, may pupuntahan sila yata ni Shin.
Ako naman syempre ihahatid uli ako ni Kodie. Hatid sundo naman n'ya ako lagi. Hindi kami makakaalis ngayon dahil may gagawin sina Kodie sa bahay nila. Bukas bawal din kasi visit naman n'ya sa psychiatrist n'ya. Siguro next week nalang?
Kasabay ko na ngayon si Kodie papuntang parking. Sumakay na kami sa kotse n'ya at habang nag babyahe ay nag uusap kami.
"Kodie, hulaan mo nga if alam mo love language ko?" tanong ko.
"Love language? Hmmm. Words of affirmation?" nagulat ako.
"Wow alam mo pala?" tanong ko. Hindi ko ine expect iyon ah kala ko kasi wala s'yang pake sa mga ganitong stuff pero yup, words of affirmation love language ko. I don't why pero gusto ko kasi palagi ako pinupuri hehe.
"Hulaan mo rin saakin." tanong n'ya.
"Quality time obvious ba?" confident na usal ko. Napatawa naman s'ya.
BINABASA MO ANG
That Basketball Player (Sports #2) Season 1 ✔
Fiksi RemajaSports #2 - Basketball Kodie is a cold-hearted guy with anger issues while Valerie is a nice shy girl. Pretty opposite, right? But despite of this, they became a lovers. Kodie being a basketball player and Valerie being his number 1 supporter. Every...