Chapter 48 - Confession

167 5 0
                                    

"Anong gawa mo?"Tanong ni Valerie mula sa kabilang linya.

"Naliligo." sagot naman ni Kodie na kasalukuyang nag sa sabon ng katawan.

"Huh?!?! Eh 'diba magkatawagan tayo?! Ano naliligo ka habang nakikipag usap sakin?!" gulat na tanong ni Valerie. Na patingin naman si Kodie sa phone n'yang nakapatong sa sink.

"Bawal?" tanong ni Kodie. Natahimik naman si Val.

"H-Hindi naman. Ang weird lang. Ano 'yan hindi nababasa?" tanong pa ni Val. At binuksan naman muna ni Kodie ang shower para mag banlaw.

"Binalot ko sa plastic." sagot ni Kodie.

"Ohh I see. Anyways, aalis kaba today?" tanong ni Val.

"Yup, I'll visit Krim in his office." sagot ni Kodie. "Why? Do you want to go somewhere?" tanong ni Kodie. At kahit nasa kabilang linya ay napailing si Val.

"Wala naman. Tumawag lang ako para kamustahin ka. Hindi ka kasi naka tawag nung nagising ka."

"Oh about that.." pinatay muna ni Kodie ang shower saka nagsalita. "My head hurts earlier that's why hindi ako naka tawag. I'm Sorry."

"Oh it's okay. Uminom kaba ng gamot?"

"Yah, pinainom ako ni Krim bago s'ya umalis."

Ilang minuto pa sila nag usap at saka na sila nag paalam sa isa't isa. Nag bihis na si Kodie saka nag ayos ng buhok. After non, kinuha na ni Kodie sa susi ng kotse n'ya at bago s'ya lumabas ng kwarto n'ya ay napatigil s'ya.

Where is his office again?

***

"Krim, pasakay na ako sa car. Can you give me your office's exact address? I forgot." sambit ni Kodie mula sa telepono, papunta na s'ya sa garahe ngayon kaya sinuot na n'ya ang shades n'ya.

"Okay, text ko nalang sa'yo. Baka makalimutan mo uli e." sagot ni Krim.

"Okay." then binaba na ni Kodie. Sumakay na s'ya ng kotse at saka nag tungo duon.

Val

"Val! Okay kana ba?" tanong ni Kuya Semi mula sa ibaba. Sinuot ko na ang shoulder bag ko saka nanakbo pababa ng hagdan.

"Eto na!" sigaw ko. Nga pala, pupunta kami ni Kuya sa National bookstore para mamili ng mga gamit sa school. Ilang kembot nalang kasi ay pasukan nanaman.

Sumakay na kami ng kotse, halos isang oras bago kami nakarating sa mall. Traffic e. Niyaya ko na si Kuya pumunta sa national bookstore. Habang nag lalakad kami may nakita pa kaming branch ng glowy na may muka ko. Na-proud if Kuya Semi kaya pinicturan n'ya.

Nung nasa national bookstore na kami nagkaroon na kami ng sariling mundo dahil kan'ya kanya na kami ng Pili ng gamit.

Nag punta ako sa notes sections. I pick up 4 catleyas. Four black, red, green and blue pens. Then pencils, other art materials then a new bag. Nakabili na ako ng shoes nung nakaraan pa kaya hindi ko na 'yon poproblemahin now.

After ko, nag punta ako sa novel books. Then napukaw ng pansin ko iyung wattpad books section. There's so many ppl there, mostly teenagers so I went there para mag tingin tingin.

Kinuha ko ang isang book saka binasa. I love you since 1892. Pagkakabasa ko sa title. Is this good?

"You like novel books?" napatingin ako sa gilid ko. Si Kuya Semi pala.

"Hindi naman, try ko lang. Mukang maganda." sambit ko. Then binasa ko iyung synopsis. Ang ganda! Ang exciting! Bilhin ko nga. Inilagay ko na ito sa cart ko. Sa tingin ko, nabili ko nanaman lahat ng nabili ko.

That Basketball Player (Sports #2) Season 1 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon