Valerie
Today is the day. Ngayon na gaganapin ang district tournament. Ang manalo sa tournament na ito ay makakapunta ng Manila upang makipag compete sa iba't ibang school sa buong pilipinas na nakapasok sa nationals.
By the way, I still can't process 'yung nangyari nung isang araw. Kodie really spoke to me? We even have a secret to each other.
Pero ang akala ko okay na kami, kung baga papansinin na n'ya ako pero nag ka mali ako. Nung kinabukasan hindi na n'ya uli ako pinansin kagaya ng ginagawa n'ya dati. Parang ibang tao nga ang Kodie na nakausap ko nung isang araw. Ah basta!
"Maabutan ba natin 'yung opening?" tanong ni Hera.
"Siguro? Kasi short period lang naman tayo dahil may meetings ang mga teachers." sagot ko. Narinig ko lang kanina nung dumaan ako sa faculty hihi.
Habang nag lalakad kami papuntang locker, nakita namin si Kodie na nasa locker n'ya na parang may kinukuha. Magkakasama kasi ang lockers ng 1st years.
Kaso nasa kabilang side 'yung kan'ya. Nag dire diretso lang kami ni Hera hanggang sa makarating na kami sa lockers namin at kinuha ang libro. May quiz pala kami ngayon sa AP buti nalang nag aral ako.
"Val, si Kodie!" bulong saakin ni Hera. Tumango naman ako pa simple.
"O-oo." sagot ko nalang. Gusto ko s'yang kawayan pero nahihiya ako.
Nung dumaan s'ya sa harap namin, napansin ko na may pasa s'ya sa may pisnge at may cut din 'yung lips n'ya. Okay lang kaya s'ya? Anong nangyari sa kan'ya?
Nung maka lagpas na s'ya nag katinginan kami ni Hera.
"Bakit parang may bumugbog sa kan'ya?" tanong ni Hera. Napasimangot naman ako.
"Tanungin nga natin si Shin mamaya."
"S-Shin?" tanong ni Hera kaya na patingin ako sa kan'ya at nagulat naman ako ng makita kong pulang pula s'ya.
Grabe binanggit ko lang ang pangalan ni Shin na mula na agad s'ya!?
***
Lunch na, ito pagkatapos ng Lunch namin ay uwian na. Kasi nga short period lang kami ngayon.
Umalis muna saglit si Hera pero babalik din naman bago ang opening. Sa Forto Gym gaganapin ang opening which is ang pinaka malaking Gymnasium raw sa lugar na ito. Narinig ko lang.
I don't know pero feeling ko ang suwerte ko ngayon. Mag-isa lang kasing nakain si Shin ngayon sa canteen. I wonder kung nasaan si Kodie, lagi kasi sila magkasama e.
Kahit nahihiya ako ay nilakasan ko ang loob ko upang makausap s'ya. Gusto ko talaga malaman kung anong nangyari kay Kodie.
Kaya naman dahan dahan kong pinatong ang tray sa table n'ya at dahan dahang umupo sa unahan n'ya.
"V-Valerie!?" gulat na tanong ni Shin saakin. Ngumiti lang ako sa kan'ya.
"H-Hi.." sambit ko. "Pwede ba akong maupo dito—"
"S-sure sure! Upo ka lang diyan!" sambit n'ya. Ang bait n'ya talaga.
Nag umpisa na kami kumain.
"So Kodie, hindi mo kasama?" paunang tanong ko.
"Kinakausap s'ya ng kuya n'ya ngayon. Kahapon kasi may nakaaway si Kodie." sambit ni Shin. I knew it!
"Oo nga e. I saw him kanina. May bruises at cut s'ya sa may lips kanina." sambit ko. Tumango tango naman s'ya.
"Mabilis kasi s'ya magalit kaya hindi talaga maiiwasan na madalas s'yang may makaaway." sambit ni Shin. Nag taka naman ako.
"Mabilis magalit? He seems quiet. I know na medyo masungit s'ya pero hindi ko alam na palaaway s'ya." sambit ko. Yun kasi ang napapansin ko sa kan'ya.
"Hmm. Mas pinipili kasi n'ya manahimik most of the time. Hangga't maaari umiiwas s'ya mag salita para hindi s'ya maka offend ng iba. Pag kasi naka offend s'ya baka biglang may mag-aya ng away, hindi n'ya uurungan 'yon. Kilala ko s'ya simula palang nung bata kami."sambit n'ya. Woah, hindi ko alam na ganon pala s'ya.
"Actually, prone s'ya sa gulo because he has Anger Management Issue."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi n'ya. OMG totoo ba?!
"R-really?" gulat na sambit ko.
"Yup, nakuha n'ya iyon nung namatay ang parents n'ya." dagdag pa niya. Napatango tango naman ako. Na kwento nga saakin ni Kodie na namatay ang parents n'ya pero hindi ko alam na may Anger Issue s'ya.
"Namatay ang parents n'ya nung 10 years old lang s'ya due to helicopter crash. Actually, Kodie is one of the passengers of that helicopter. And he's also the only one who survive. Kaya sobra s'yang na trauma at kaya rin na develop ang Anger Issue n'ya."
Literal ako napanganga sa sinabi ni Shin. Ibig sabihin kasama s'ya ng Mama at Papa n'ya sa helicopter.. Then s'ya lang ang naka survive ng mag crash ito?!?!?!?!?!! Oh my god.
"His therapist recommend him to play some sports para may pag ka libangan si Kodie. Then 'yun na nga. Naging basketball player na nga si Kodie. Hanggang ngayon tinetherapy parin s'ya." dagdag pa n'ya. Hindi ko ma digest ang narinig ko ngayon mula kay Shin. I feel so bad kay Kodie. Siguro sobra s'yang nag hirap knowing na s'ya lang ang naka ligtas at 'yung mga magulang n'ya ay hindi.
"I didn't know na grabe ang pinag daanan n'ya." bulong ko.
"Right. Kaya pag minsan sinusungitan ka n'ya, pag pa sensyahan mo nalang." sambit ni Shin.
"Never naman s'ya nag sungit saakin actually.." sambit ko at ngumiti naman s'ya.
"That's good." nakangiting sambit ni Shin.
Third Person's View
"Shin told me na nakipag away ka nanaman. Is that true?" tanong ni Krim habang naka upo sa couch sa loob ng office n'ya. Kaharap n'ya ngayon si Kodie na ka uuwi lang galing school. Pina diretso s'ya dito ni Krim para kausapin.
Hindi sumagot si Kodie at nanatili lang s'yang naka tungo.
"Kodie I'm asking you." dagdag pa ni Krim at napatunghay naman si Kodie.
Krim might be kind but iba ng usapan kapag nakikipag away si Kodie.
"I did my best to control myself but they punch me first so I beat the hell out of them!" inis na sambit ni Kodie.
"You beat all the 10 of them by yourself!?! What are you doing in that place by the way? That lot is known for having bunch of bastards fighting each other." ani ni Krim.
"I bought strawberry milk near." sagot ni Kodie at napabuntong hininga nalang si Krim.
"You really like Strawberry flavors, aren't you?" tanong ni Krim. Napasandal naman si Kodie.
"Ofcourse, Mom will be happy if she saw me eating strawberry flavors." sambit ni Kodie. Parehas silang na tahimik.
"Do you miss her?" biglang tanong ni Krim. Hindi naman agad naka sagot si Kodie.
"Ofcourse. There's no day I didn't miss Mom and Dad." direktang sambit ni Kodie. Sa kapatid n'ya lamang s'ya nag papa kita at sinasabi ang totoong nararamdaman n'ya. Aware si Krim doon kung kaya't madalas niyang kausapin si Kodie.
"You think matutuwa sila kapag nalaman nilang madalas kang makipag away?" mahinahong tanong ni Krim at napatungo naman si Kodie.
"I'm sick, what do you expect?" mahinang sambit ni Kodie.
"That's why you need to take your medicines. Bukas pupunta tayo sa doctor mo para sa weekly check up mo, okay?" sambit ni Krim at tumango naman si Kodie. Masunurin s'ya pag dating sa Kuya n'ya.
At dahil napag usapan na nga ang mga magulang n'ya. Unti unti nanamang nag balik kay Kodie ang masasamang ala ala..
TO BE CONTINUED..
BINABASA MO ANG
That Basketball Player (Sports #2) Season 1 ✔
TeenfikceSports #2 - Basketball Kodie is a cold-hearted guy with anger issues while Valerie is a nice shy girl. Pretty opposite, right? But despite of this, they became a lovers. Kodie being a basketball player and Valerie being his number 1 supporter. Every...