Val
Uwian na ngayon at FINALLY! Malapit na ang game ng Wagon. Mag isa lang ako sa bahay ngayon dahil nauna na sila Kuya Semi at Sam. Kailangan pa daw mag warm up at mag meeting e.
Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Tinetext ko si Hera kung kailan kami aalis. Sabi n'ya maya maya daw ng konti kasi may pinuntahan pa s'ya saglit.
7 pm pa ang game at 5:30 palang ngayon. Ang tagal nanaman ng oras. Gusto ko na makita si Kodie.
Habang nag iintay ako kay Hera na mag text. Tumayo muna ako saglit para kunin ang ginawa ko para kay Kodie. Ibibigay ko sa kan'ya mamaya kapag nagkita kami sa gymnasium.
Kinuha ko ito sa drawer ko saka tiningnan. Ilang gabi ko itong pinag puyatan, sana tanggapin n'ya.
*Phone rings*
Agad kong kinuha ang phone ko para sagutin ito.
"Hello, Hera?!" sagot ko.
"Papunta na ako diyan, di diretso na ako sa in'yo. Bihis kana ba?" tanong nito.
"Yes!" sagot ko.
"Okay bye bye!"
"Byeee!"
Yun lang at nanakbo na ako sa salamin ko para mag suklay ng buhok. Gusto ko mag make up, kaso hindi ako marunong :<
Well, naglagay nalang ako ng kaunting liptint medyo pale kasi ang labi ko. Nag Smile ako sa salamin once na natapos ko ng lagyan ng liptint 'yung labi ko.
EXCITED NA KO!
Paris
"Wala pang laro pawis na pawis kana, ano ba kasing ginawa mo!?" tanong ko kay Semi habang pinupunasan ng bimpo ang likuran n'ya. Para kaming mag nanay dito.
"N-Nag laro lang ako saglit bago pumunta dito. Warm up bago sumabak." sambit nito. Napabuntong hininga naman ako.
"Humarap ka dito!" sambit ko. Umakyat ako ng upuan para pumanasan ang muka n'yang pawis din. Ang tangkad kasi n'ya kaya kailangan tumuntong sa upuan.
"Sweet!" sinamaan ko ng tingin si Haise. Ang sweet? Hindi ba pwedeng mabait lang?
Habang pinupunasan ko ang muka no Semi, napatigil ako ng makita kong nakatingin s'ya saakin.
"Bakit?" tanong ko. Nag smile lang s'ya saka umiling. Napa pout naman ako saka ko tinuloy ang ginagawa ko.
"Pagkatapos ng game namin pakasalan mo na k—"
"Yung bibig mo pawis din yata!" sambit ko saka ko pinasak sa bibig n'ya ang towel na pinang pupunas ko sa kan'ya.
Bumaba na ako sa upuan at saka pinuntahan si Kuya Yami na ngayon ay ngiti ngiti habang kausap si Ate Bea. Suuuuus!
"Kuya, goodluck sa game! i-chi-cheer kita!" nakangiting sambit ko at ngumiti naman s'ya saka pinat ang ulo ko.
"Of course. By the way, bakit ako hindi mo pinupunasan ng likod?" biglang nag init pisngi ko sa tanong ni Kuya. Hindi ko rin gets 'tong si Kuya minsan. Ewan ko kung gusto n'ya si Semi para saakin o hindi.
"H-hindi ka naman pawis!" sambit ko. Tumawa naman s'ya.
"Hahahahaha joke lang!" sambit n'ya at napasimangot naman ako.
Tse!
"Go babe!" na patingin kami sa direksyon ng biglang sumigaw.
Fahari
BINABASA MO ANG
That Basketball Player (Sports #2) Season 1 ✔
Teen FictionSports #2 - Basketball Kodie is a cold-hearted guy with anger issues while Valerie is a nice shy girl. Pretty opposite, right? But despite of this, they became a lovers. Kodie being a basketball player and Valerie being his number 1 supporter. Every...