Chapter 38 - Her Decision

215 6 0
                                    

Valerie

Excited ako pumasok ngayon kasi playoff game na nila Kodie. Tho may pasok kami, excited ako umuwi kasi hapon iyong game. Kaya ngayon hindi ko makikita si Kodie sa school kasi excuse sila. Medyo sad pero makikita ko naman s'ya mamaya for sure. Naaalala ko tuloy 'yung nangyari kagabi.

Kasalukuyan naming binabagtas ang daan papunta sa bahay nina Kodie. Ininvite n'ya ako mag dinner sa kanila, kasama si Shinojin syempre best friend e.

Habang nasa biyahe ay nag uusap kami. Nag uusap kami.

"I saw the endorsement picture, you look beautiful." bigla akong nag blush sa sinabi n'ya.

"H-Hindi naman.." bigla tuloy ako nahiya. Nilabas na kasi kaninang hapon iyung endorsement ko then kumalat agad sa buong school. Ang dami nga nagbigay ng chocolates at flowers saakin e. Si Shin lahat ang tumanggap hehe. Wala kasi si Kodie kaninang hapon gawa pinatawag s'ya kaya ngayon lang rin n'ya nakita.

"No, seriously. I fall Inlove even more." okay so now I can feel that I am so red right now. Kapag kino-compliment n'ya ako wala akong masabi or maireact.

"T-Thanks." ayun na lang ang nasabi ko. Nag kwentuhan pa kami saglit at maya maya lang nakarating na kami sa bahay nila.

Pinapasok n'ya ako dito. Nailibot ko ang paningin ko. Pag bukas ng maindoor nila, malaking family picture kaagad ang bumungad. His Dad, Mom and his brother. Bata pa sila sa pic, ngayon ko lang na realize na dalawa nalang ang alive sa picture na iyon.

"Come here." he said. Nabalik sa kan'ya ang atensyon ko.

"Wasssuuuup ebriwan! Dala ko na 'yung foods!" kasunod lang namin dumating si Shin na may dalang pagkain.

S'ya ang nag ayos ng table na pagkakainan namin, wow parang s'ya namamahala sa bahay na ito ah.

Nag simula na kami kumain.

"Where's my strawberry shake?" tanong ni Kodie. Napatakip naman ng bibig si Shin.

"Hala nakalimutan ko! Bili ba ako ngayon?" tanong ni Shin na akmang tatayo na. Napabuntong hininga naman si Kodie bago sumagot.

"Nah, it's fine." sabi ni Kodie. Inalok ko naman si Kodie ng meron ako.

"Here, chocolate milk.." alok ko. Na patingin naman sa hawak ko si Kodie.

"Nako, ayaw n'ya sa choco-"

"Shut up.." binusalan ni Kodie ng manok ang bibig ni Shin. Natawa naman ako.

Kinuha ni Kodie ang chocolate milk na inalok ko. "Thanks." then ininom n'ya. Nakangiwi s'yang tiningnan ni Shin. After n'ya inumin, hinabol n'ya ang hininga n'ya.

"I-It's good *ugg*" muntik naba s'ya masuka or napapraning lang ako? Magsasalita na sana ako ng biglang may sumlip sa dining room na pinagkakainan namin.

"Oh, you have a visitor?" tanong nito. Tumayo ako saka nag bow.

"H-Hi po." bati ko. Medyo hawig s'ya ni Kodie, s'ya kaya iyung kuya n'ya?

"Krim, she's what I'm talking about." ani ni Kodie. Napagtango tango naman ang kuya n'ya.

"So she's your lady." nagulat ako sa sinabi ng kuya n'ya.

"Yes." lihim ako napangiti. Then nag nice to meet you kami sa isa't isa.

"Well, I'm with Midnight. We're heading upstairs so.. have a nice night!" sambit ng Kuya n'ya.

That Basketball Player (Sports #2) Season 1 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon