Chapter 42: Memories

174 5 0
                                    

Valerie

Few days after, weekends ngayon. Napagpasyahan namin ni Kodie na mamasyal, wala naman masama 'diba?

3pm na at susunduin na n'ya ako sa bahay ngayon. After ko mag bihis bumaba na ako at naabutan ko sina Kuya na nanonood ng basketball.

"Kuya, aalis po muna kami ni Kodie." sambit ko. Na patingin naman sila sakin. Nakakalito parin kung nasaan si Kuya Semi at Kuya Sam.

"Okay sige, basta maaga ka uuwi." sambit ni Kuya Semi.

"Take care." ani naman ni Kuya Sam. Tumango lang ako saka na ako lumabas ng bahay. Pagkalabas ko nandoon na pala si Kodie.

Lumabas na agad ako ng gate at matamis na ngiti ang binungad n'ya saakin.

"Hi, beautiful.. Ready?" tanong n'ya. Tumango naman ako. Then sumakay na kami sa kotse n'ya.

***

"Woooooah!" manghang sambit ko ng makarating na kami sa Amusement Park. Ngayon lang yata ako naka punta sa amusement park na ito.

"Sasakay ba tayo sa lahat ng rides?" masayang tanong ko sa kan'ya.

"Sure, if you want." sagot n'ya, mag lalakad na sana kami papasok ng may marinig kaming ingay mula sa himpapawid.

Napatingin kaagad ako kay Kodie na napako sa kinatatayuan n'ya.

"Mom, look! May helicopter na nagdaan!" sambit ng bata sa gilid namin.

Nag-alala naman ako ng makita kong manginig ang kamay ni Kodie. Kaagad ko itong hinawakan.

"It's okay, Kodie. I'm here, don't worry." I said habang hawak ko ang kamay n'ya. Napatingin naman s'ya saakin at nakita kong may nangingilid na luha sa mga mata n'ya. Nanginginig parin s'ya.

Na kwento n'ya saakin before na may phobia s'ya sa mga helicopters, it's because of what happened to them in the past. Nag kaka roon s'ya ng panic attack kapag nakakarinig s'ya ng helicopter na dumadaan or kapag naririnig n'ya 'yung word na helicopter mismo.

Inaya ko muna s'ya maupo sa bench para pakalmahin s'ya.

"Gusto mo ng tubig?" tanong ko. Agad naman s'yang tumango. Nanakbo kaagad ako para makabili ng bottled water. Good thing may mabibilhan sa malapit. Nang makabili ako bumalik kaagad ako sa tabi n'ya.

Binuksan ko na ito at inabot sa kan'ya.

"Here." kinuha naman n'ya ito ay agad na ininom. Habang umiinom s'ya hinahagod ko ang likod n'ya.

Naubos n'ya iyong kalahati ng tubig.

"Okay kana?" tanong ko. Tumango naman s'ya.

"Thank you.." tumango ako. Saka ako nag punta sa harap n'ya at ngumiti, na patingin naman s'ya saakin.

"Sakay na tayo ng feris wheel dali!" ani ko saka ko hinila ang kamay n'ya. Kailangan kong ipakita na masaya ako para mawala na sa isip niya 'yung kung ano mang iniisip n'ya. Bahagya naman s'yang napasmile.

"Okay.." ani nito.

***

Sumakay na kami ng ferris wheel at woah, ang ganda ng view.

"Woah! Ang ganda. Kitang kita 'yung roller coaster dito oh! Sakay tayo diyan after nito!" masayang smabit ko uli. Tumango naman s'ya.

"Sure!" sagot n'ya. Hinugot ko naman ang phone ko.

"Tara picture tayo!" sambit ko. Lumapit naman s'ya saakin, nag smile kami pareho then click!

Tingnan namin ang result. "Woah, you look beautiful." puri n'ya saakin. Napa smile lang ako. Sa lahat ng nag sasabi saakin ng ganyan sa kan'ya lang 'yung tinatanggap ko.

***

"AAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH" kasalukuyan kaming nasa roller coaster ngayon. Hiyaw ako ng hiyaw dito habang si Kodie tahimik lang.

After minutes ng hiyawan, bumaba na kami.

"Ang saya!" sambit ko. Napalingon ako sa likod ko ng makita ko si Kodie na mabagal mag lakad. Tas para s'yang baduduwak kaya napatakip s'ya sa bibig n'ya.

"Huy, okay ka lang?" tanong ko sa kan'ya. Tumango naman s'ya.

"Don't mind me." he said.

"Sure kaba?" tanong ko. Tumango s'ya.

***

Sunod naming sasakyan ang disco pang pang. Natuwa nga ako nung makita kong meron palang ganito dito. Sa internet ko lang ito nakikita e.

Umaandar pa iyung ride kaya nag antay muna kami ni Kodie. Nakangiti lang ako habang nanonood.

"Mukang masaya!" excited na usal ko.

"What the hell is that ride?" napatingin ako kay Kodie na nagtatakang nakatingin sa ride ngayon. Gusto kong matawa sa expression n'ya.

"Sasakay yata 'yung pogi sa discopangpang."

"Tara sakay din tayo." may narinig akong bulungan sa gilid namin. Tama ba rinig ko?

Napatingin ako kay Kodie. Buti nalang hindi n'ya pinapansin kapag nakakarinig s'ya ng ganito.

Nung natapos na iyung ride sumakay na kami. Magkatabi kami syempre, tas iyung dalawang babae sumakay nga. Actually hindi lang dalawang babae ang natingin sa boyfriend ko ngayon, lahat ng babaeng nasa ride na kay  Kodie ang tingin. Celebrity?!?!

Hindi ko nalang sila pinansin, tingin lang naman okay lang 'yan.

"Tighten your grip." paalala n'ya saakin. Tumango naman ako. Maya maya umaandar na.

"Hahahaha!" sa sobrang enjoy ko natatawa ako. Parehas kami ni Kodie na sobrang higpit ng kapit sa bakal. Nang maya maya may babaeng napunta sa gitna na sa tingin ko ay mapupunta sa direksyon namin.

At hindi nga ako nagkamali. Nasa kaliwa ako ni Kodie at iyung babae napunta sa kanan ni Kodie. Syempre dahil malikot itong ride sumisiksik iyong babae duon kay Kodie.

Bigla nalang din natanggal iyung botones ng babae sa itaas kaya naman naging revealing suot n'ya. Kita iyung cleavage n'ya tapos sumisiksik pa s'ya kay Kodie habang nahiyaw.

Tumingin lang si Kodie saakin habang umiiling. Parang sinasabi n'yang wala akong ginagawang masama.

Napasinghal naman ako.

Bakit kasi ang higpit higpit ko humawak??

***

Pagkababa namin, napagpasyahan namin kumain muna. Habang nag hahanap ng Food Stall ay nag uusap kami.

"I enjoy the ride." napatingin ako kay Kodie. "I mean, not that part tho." dagdag n'ya. Ang tinutukoy n'ya siguro ay iyung babaeng dumikit sa kan'ya. Ayos ito ah playing safe.

"Me too." usal ko nalang. Gusto ko sana mag tampo pero hindi ko kaya.

Kumain nalang kami ng corn dog. Naramdaman ko bigla na sumasakit ang binti ko kaya napaupo ako.

"Ang sakit ng binti ko." sambit ko.

"Buhatin kita?" casual na tanong n'ya.

"Hala hindi na. Kaya ko naman mag lakad."

***

After namin kumain, nag punta kami photo booth. Bali 8 shots ang itatake namin.

Pinilit ko pa nga s'ya dahil ayaw n'ya ng picture. Napapayag ko naman s'ya syempre memories din ito.

After non napag desisyunan na namin umuwi dahil mag ga gabi na.

"Do you want to drive my car?" tanong n'ya. Na patingin naman ako sa kan'ya. Napansin ko tuloy tahi n'ya sa bibig, buti nalang pagaling na.

"Hala hindi ako marunong mag drive ng car." usal ko.

"You can drive big bikes but not cars?" takang tanong n'ya.

"Yeah. Racing championship 'yung late uncle ko, duon natuto si Papa tapos tinuruan n'ya ako." paliwanag ko.

"That's cool." he said.

"Nga pala thanks sa araw na ito ah?! Nag enjoy ako super!" sambit ko.

"You're always welcome. I love you." malambing na usal n'ya. Napangiti naman ako.

"I love you more."

That Basketball Player (Sports #2) Season 1 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon