CHAPTER ONE

4.2K 127 6
                                    


ALTHEA'S POV:

"Si Dr. Jose Rizal ay isa sa mga...." deskasyon ng teacher namin sa filipino pero parang napunta kami sa History.

Habang nagsa-salita ang teacher sa unahan ay panay naman ang sulat ko sa notebook ko para naman may ma-review ako at may mababasa mamaya habang kumakain hehe. Ilang minuto pa ang lumipas ng matapos na din maturo si Miss sa unahan at lumabas ng classroom, at sumunod naman ang iba naming classmate para pumasok sa kanilang second subject. Kaya naman inayos ko na din ang gamit ko at saka dali-daling tumayo at handa ng lumabas pero may humawak sa braso ko at dahil sa kaba ay agad kong binawi ang braso ko at saka takot na tumingin dun sa humawak sa braso ko na si Kyle lang pala.

"Anong next subject mo cutie?" Tanong niya.

"B-bakit?.." 'shit ito na naman puso ko!'

"Wala lang hehehe." Sabi niya pa.

Malakas na kinuyom ko ang kamao ko sa strap ng bag ko. "E-english." Sabi ko at pasimpleng humawak sa may dibdib ko.

"Sakto! English din kami e! Gusto mo sabay na tayo--- teka! Namumutla ka atah." Biglang sabi niya at akmang hahawakan ako pero umatras ako sa kanila.

Taka silang tatlong tumingin sakin. "A-ano ayus lang a-ako, s-sige c-cr lang ako." Paalam ko at saka lakad takbong lumabas ng room.

"Cutie!" Dinig ko pang tawag ni Kyle.

Lakad takbo ang ginawa ko habang naka-hawak sa may parte ng puso ko, ng makarating ako sa banyo ay agad akong pumasok sa isang cubicle at saka umupo sa may takip na inidoro at saka nilabas ang in-healer ko, habang inaayos ko ang sarili ko ay pina-pakalma ko na din ang sarili ko. Ng matapos na ako ay lumabas na ako ng cubicle at saka ako humarap sa mahabang lababo na may mahabang salamin at saka ako naghilamos ng mukha ko at tinignan ang sarili ko sa salamin.

Nang masiguro kong maayos na ako ay doon na ako lumabas ng banyo at dumeretsyo na ako sa next subject ko na English, ng makarating ako sa room ko sa English ay andun na ang ibang mga magiging classmate ko at mabuti na lang wala pang prof dahil kundi ay malalagot ako, pagkapasok ko sa loob ay isang malakas na tawag sa pangalan ko ang nagpalingon sakin doon sa may dulong upuan.

"Althea Cutie!" Tawag ni sino pa nga ba edi itong si Kyle.

Lumingon ako sa kaniya at kasama niya parin yung Zander kanina pero iba na ang kasama nila ngayon, kulay brown na ang buhok nito at may salamin na siya pero kita mo parin ang kagwapohan niya. "Dito ka sa tabi ko cutie!" Sabi ni Kyle. Kaya naman ako na ang bulungan ng mga classmate namin.

"A-ah hindi na.." tanggi ko pero agad siyang lumapit sakin at pumunta siya sa likod ko at saka ako hinawakan sa balikat ko at dahan-dahang tinulak palapit sa upuan na inireserba niya para sakin.

"Upo na hehehe." Sabi niya pa.

Wala akong nagawa kundi ang umupo na lang sa tabi nitong si Kyle at saka nitong si Zander, katabi ni Kyle itong isa nilang kasama.

"Cutie ito pala si Steven, Steven this is Cutie--- i mean Althea hehe." Pakilala ni Kyle.

Inabot naman nitong Steven ang kamay niya kaya wala akong nagawa kundi ang makipag shake hands na rin sa kaniya, malambot ang kanay niya infairness. Binitawan ko na ang kamay niya kaya naman umayos na ako ng upo ko.

Secretly Married To A Gangster (COMPLETE)Where stories live. Discover now