ZANDER'S POV:
"Gago bud, alam mo bang umamin yan kanina si Steven kay Althea." Bulong ni Kyle sakin, nasa labas kami ng pribadong kwarto ni Althea.
"So?" Tanong ko.
"Manliligaw daw siya kay Althea." Bulong niya pa.
"As if i let him." Sagot ko at kinuyom ang mga kamay ko.
Tumango tango si Kyle na para bang sumasang-ayon sakin. At bigla na lang siyang tumingin sakin seryuso na ang mukha.
"Si Samuel? Anong gagawin natin sa kaniya?" Tanong niya.
"Alam kong sila ang may mapakana ng pagsunog na yun.." sabi ko. "At alam kong kasabwat si Lucille dun." Dagdag ko pa.
"Anong plano?" Tanong niya.
"Maghanda kayo, pupunta tayo sa tambayan nila." Sabi ko at tumango naman siya.
Pumasok kami ng kwarto ni Althea at nandun ang parents ni Althea na nagbabantay at sina Steven, Marvin, Tyron and the twins nagke-kwentohan.
"Ti—i mean, M-mom.. D-dad." It's feel weird to call them like that lalo pa at nandito ang mga kasama ko.
"Ano yun?" Tanong ng Mama ni Althea.
"Aalis lang po muna kami, i'll send some man to guard you here." Sabi ko.
"Saan kayo pupunta?" Tanong ng Daddy ni Althea.
"Diyan lang." Sabi ko at tumango bilang pagpaalam at lumabas na.
Sumunod naman sakin sina Kyle at dere-deretsyo kaming pumunta sa parking lot, pagkarating naman doon sumakay ako sa kotse ni Kyle dahil hindi ko dala ang kotse ko at naiwan yun sa school, at habang nagmamaneho si Kyle naka-sunod samin sina Steven. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at tinawagan si Dad.
"Dad." Agad na bungad ko.
["May kailangan ka?"] Tanong ni Dad.
"Can you send two men sa hospital para bantayan si Althea." Sabi ko.
["Sure, yun lang ba?"] Tanong niya pa.
"That's all, bye." Sabi ko at pinatay ang tawag.
At saka ko naman tinawagan si Vhycker isa sa mga member ng X-hunter na siya din nagte-training sa mga gustong sumali.
"Vhy." Sabi ko ng sagutin niya ang tawag.
["Boss, need a back-up?"] Tanong agad nito.
"Pumunta kayo sa tambayan nila Samuel, make sure na naka-tago kayo.. lalabas lang kayo kapag dehado na kami." Sabi ko.
["Copy boss."] Sabi niya kaya pinatay ko na ang tawag.
Sinagad mo ang pasensya ko Samuel lalo kana Lucille, binalaan na kita pero hindi ka madala. Magkita-kita tayo sa impyerno.
"Nandito na tayo." Imporma ni Kyle at pinarada ang kotse sa gilid.
Lumabas kami ng kotse at hinintay namin sina Steven na naka-sunod samin, isa-isa kaming kumuha ng baseball bat o tubo na pwedeng pang-laban sa loob. Nang kumpleto na kami at handa ay doon na kami pumasok sa basement, hawak hawak ko ang baseball bat at tubo naman ang sa iba, pagka-pasok namin sa loob ay nakita naming kumpleto na ang grupo ni Samuel at mukhang alam nilang pupunta kami dahil lahat sila ay naka-handa na din tulad namin.