DIVORCE?
.
.
.
ALTHEA'S POV:
Nagising ako kinaumagahan na wala akong makitang ibang tao bukod kay Zander na nakaupo na sa tabi ng higaan ko at hawak ang isa kong kamay at natutulog, gamit niya ang isa niyang braso bilang pang-unan sa kaniyang ulo.
"Zander." Pukaw ko sa kaniya.
"hmm.." ungol niya lang.
"Gumising ka." Pukaw ko ulit pero inuyog ko na siya sa balikat.
"Oh.." sabi niya sabay mulat ng mata at umayos ng upo. "Sorry naka-tulog ako." Dagdag niya pa.
"Bakit ba kasi dito ka natutulog?" Tanong ko. "Pwede kana mang umuwi sa bahay." Sabi ko.
"Ayuko, gusto ko lagi kitang kasama." Sabi niya pa.
"Hyst, tulungan mo akong umupo." Sabi ko sa kaniya.
Agad naman siyang tumayo at nilagyan ng unan ang likod ko para maayos akong maka-upo at saka niya ako dahan dahan na pina-upo sa kama at bumalik naman siya sa pagkaka-upo niya.
"Si Samuel.." panimula ko. "P-pano siya namatay?" Tanong ko at tinignan siya.
"Magagalit ka ba sakin kapag sinabi kong ako ang nakapatay sa kaniya?" Tanong niya na ikinagulat ko. "Matatakot ka ba sakin?" Tanong niya pa na may malamlam na emosyon sa mga mata.
"P-panong nangyari yun?" Tanong ko.
"Sinugod namin sila, at saka ako dapat ang sa-saksakin niya pero nagawa kong baliktarin ang sitwasyon kaya siya ang nasaksak." Sabi niya pa at hinawakan ako sa dalawa kong pisngi at saka siya umupo sa kama ko. "Maniwala ka aksidente lahat pero hindi ko itatanggi na gusto ko talaga siya patayin." Sabi niya pa.
"B-bakit mo ginawa yun?" Tanong ko. "Pano k-kung napahamak ka?" Tanong ko pa.
"Ginawa ko yun dahil sa sobrang galit ko, sila ang dahilan kung bakit nandito ka ngayon sa hospital at hindi man lang kita naprotektahan kahit na ipinangako ko yun sayo."
"Zander, hindi naman kailangan sa lahat ng oras ay kasama kita." Sabi ko at hinawakan siya sa magkabilang pisngi niya kaya bumitaw siya sa pagkakahawak sa pisngi ko at pinagdikit ko ang noo namin.
"I know, pero kapag nakikita kitang nandito nagi-guilty ako." Bulong niya.
"Hindi mo kasalanan kung bakit nandito ako." Sabi ko sa kaniya.
Tumango tango siya saka pinagdikit ang mga labi namin, pumikit ako at saka ko yinakap ang dalawa kong braso sa leeg niya. At agad naman kaming naghiwalay ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Steven, hindi ko nakita ang gulat sa mukha niya pero sakit at selos meron.
"A-ah, i brought some fruits." Sabi niya at nilagay sa mesa ang dala niya. "I need to go, dinaan ko lang talaga yan.. see yah bud." Sabi niya kay Zander na tinanguan naman siya at bago tumingin sakin. "A-althea, una na ako." Sabi niya at dali-daling lumabas ng kwarto.
Tinignan ko si Zander na tumingin naman sakin. "They all know." Mukhang nakuha niya agad ang tanong ko.
"Pano?"
"Ahm.. nung nasusunog ang campus, i shouted na nasa loob ang asawa ko." Sabi niya kaya sa sobrang taranta nasapak ko siya sa pisngi. "Aray!" Reklamo niya.
"Sorry nabigla ako." Sabi ko. "Ibig sabihin alam na ng buong campus?" Nag-aalalang tanong ko.
"Oum.. tsaka malalaman din naman nila sa birthday ko, kaya inadvance ko na." Sabi niya at ngumiti ng malapad.
"Ewan ko sayong lalaki ka." Sabi ko na lang.
Sakto naman na bumukas ng pinto at pumasok doon si Dad, Mama at ang parents ni Zander. Lumapit sila samin at seryuso ang mga mukha nilang lahat.
"Hindi mo sana mamasamain ang desisyon ko Zander." Panimula ni Dad na nagpa-kunot sa noo ni Zander.
"Bakit po?" Tanong ni Zander.
"Palaging nalalagay sa pahamak ang anak ko simula ng maging mag-asawa kayo, bilang ama Zander nag-aalala din ako sa anak ko." Sabi ni Dad. "Alam kong may pagkakamali din ako dati pero ngayon tuwing nakikita ko ang anak ko na nakaratay na lang lagi sa hospital ay hindi ko kaya,.. kaya naman." Dipa tinuloy ni Dad ang sasabihin niya.
"Kaya naman?" Tanong ni Zander.
"Magdi-divorce kayo ng anak ko." Sabi ni Dad. "At gusto kong pirmahan niyo toh." Sabi niya pa.
Tumingin si Zander sa parents niya sa likod at kita ko ang pag-iling ng Mommy ni Zander.
"Hindi po ako papayag." Agad na sabi ni Zander. "Hindi ako papayag diyan sa plano mo, pasensya na kung nakakawala ng respeto pero hindi ako papayag, hindi pwedeng kayo ang magdesisyon niyan." Sabi pa ni Zander. "Kami ang mag-asawa kami dapat ang de-desisyon kung kelan namin gusto maghiwalay, hindi niyo pwedeng ilayo sakin ang asawa ko." Inis na sabi ni Zander at alam kong pinipilit niya na wag sigawan si Dad.
"Althea.." tawag ni Dad sakin kaya lahat sila na sakin na ang atensiyon.
Tumingin ako kay Zander na may nagmakaka-awang mukha. "T-tama po si Zander, Dad." Sabi ko at sinalubong ng tingin si Dad. "Kami po ang mag-asawa at dapat kami po ang magde-desisyon niyan, tsaka okay naman po kami e." Sabi ko at bumuntong hininga si Dad.
"Balae naman, para namang ayaw mo na kami maging balae niyan." Sabi ng Daddy ni Zander sabay akbay kay Dad.
"Mag-tigil ka Andy ah." Sabi ni Dad at tinawanan lang siya ng Daddy ni Zander.
"So walang divorce na magaganap?" Biglang sulpot ni Kyle kaya napatingin kami sa kaniya.
"Wala!" Agad na sabi ni Zander.
"Sayang." Sabi ni Tyron at tumango si Marvin.
"Hello tita's!" Bati ni Kyle.
Nagkwentohan sila samantalang napaupo naman si Zander sa kama ko at para bang nabunutan siya ng tinik sa dibdib dahil huminga siya ng malalim.
"Whew, kinabahan ako dun." Sabi niya.
"Ayaw mo na mag-divorce tayo?" Tanong ko.
"Malamang, gusto mo kutusan kita." Sabi niya pa kaya tumawa ako.
"loko ka." Sabi ko.
Panay ang kwento ni Kyle kila Mama na ikinatatawa naman nito dahil sa sobrang kulit magkwento.