ALTHEA'S POV:
Two days na ang lumipas bago ako nakalabas ng hospital ay two days na din akong di nakakapasok sa school at sigurado akong marami na naman ako nitong aaralin dahil late na ako sa mga lesson.
"Althea?" Tawag sakin ni Zander mula sa labas ng cr.
"Bakit?" Tanong ko.
"Let's eat." Sabi niya.
"Susunod ako." Sabi ko.
Minadali ko na ang pag blower ng buhok at saka ako lumabas ng cr na naka bathrobe lang, deretsyo akong pumunta sa walk in closet para magbihis. Di muna ako pinapapasok ni Zander bukas na daw para makapag pahinga ako ng maayos at hihingan na lang daw ako ng notes sa mga prof ko.
Kung pano nya gagawin yun ay hindi ko alam basta ang mahalaga mahabol ko ang lesson namin, matapos ko magbihis ng damit ay lumabas na ako ng walk in closet at handa ng bumaba ng mag ring ang phone ko sa study table kaya sinagot ko yun habang naglalakad pababa ng hagdan.
"Hello?" Bati ko.
["Theaaaa!!!"] Isang matinis na sigaw ni Camille ang biglang bumati sakin.
"Yung tenga ko." Reklamo ko.
["Oh i'm sorry, kelan ka papasok?"] Tanong nya.
"Bukas pa." Sagot ko.
Nakarating ako sa dining at naabutan ko si Zander na naglalagay na ng pagkain sa mesa, umupo na ako at hinintay syang matapos.
["Ay bakit bukas pa?"] Sabi niya pa.
"Kasi i need to rest." Sagot ko sa kaniya.
["E kung bisitahin na lang kaya kita mamaya sa inyo?"] Sabi niya na ikina-panic ko.
"Wag!" Naisigaw ko na ikina-tingin sakin ni Zander, umiling iling ako sa kaniya. "I mean kasi ano, wala ako dyan sa bahay." Sabi ko.
["Ha? E nasan ka?"] Tanong nya.
"Nasa probinsya, oo nasa probinsya ako bukas na madaling araw ang balik ko." Palusot ko sa kaniya.
["Ay sige kita na lang tayo bukas."] Sabi niya pa.
"Bye." Sabi ko sabay patay ng tawag.
Nakahinga ako ng maluwag, buti na lang at naniwala sya na nasa probinsya nga talaga ako.
"Sino yun?" Tanong ni Zander ng maka-upo na sya.
"S-si Camille." Sagot ko at kumain ng salad na gawa nya.
"Bukas sasabay kana sakin papuntang school." Sabi niya na ikinagulat ko.
"What? Ayuko." Agad na tanggi ko.
"Bakit?" Biglang umigting ang panga nya. "Gusto mo si Steven ang humatid sundo sayo?" Tanong nya na ikina-kunot ng noo ko.
"Bakit nasali si Steven?" Tanong ko.
"You like him, don't you?" Tanong nya.
Kumunot ang noo ko. "Wala akong gusto sa kaniya." Sabi ko.
"Mabuti." Sabi niya. "Kundi mapapatay ko yun."
May binulong pa sya na di ko nadinig. "Ano?" Tanong ko.
"Wala, mala-late na ako sa school. Inumin mo gamot mo." Sabi niya at kinuha gamit nya at saka humalik sa ulo ko na ikinagulat ko.
Wala na akong panahon para magtanong dahil naka-labas na sya ng bahay at narinig ko na ang kotse niya na paalis na. Napahawak ako sa puso ko ng bumilis ang tibok nun.
Nitong mga nakaraang araw medyo di ko na naiintindihan ang mga galaw ni Zander medyo umiiba nya siya simula nung malabas ako sa hospital.