CHAPTER TWO

3.4K 111 1
                                    


ALTHEA'S POV:

Nasa last subject na ako ngayon at sa ibang subject ko ay mabuti na lang ay hindi ko naging classmate ang kung sino man sa X-hunter, dahil kapag nagka-taon na sakin na naman ang paningin nila, mabuti na lang ngayon at kunti na lang ang tumitingin sakin hindi tulad ng kapag kasama ko ang iba sa X-hunter. Palabas na ako ng room para umuwi na dahil 6:00pm na din ng gabi at kung pano nangyari yun ipapaliwanag ko.

11:00am-12:00pm is my third subject. 12:00pm-12:15pm is my lunch time. 12:15pm-1:00pm is my fourt subject. 1:00pm-2:00pm is my fifth subject. 2:00pm-3:30pm is my vacant time (kasama ko si Camille all the time). 3:30pm-4:30pm is my six subject. 4:30pm-5:30pm is my seven subject. And the 30minutes ay nag-linis kami dito sa loob ng room kahit wala namang dumi.

Habang naglalakad ako ay nakikinig ako ng music sa airpods ko na naka-lagay sa tenga ko, medyo kunti na lang ang students pero may mga dumadating dahil sa mga night shift ngayong araw. Habang naglalakad ako sa pathway nasa unahan lang ang paningin ko hanggang sa makarating ako sa isa may kadiliman dahil papunta na ako sa may nakitang akong dalawang nag-uusap nakikilala ko sila, tinanggal ko ang airpods ko at saka ako naglakad ng mahina, hindi naman sa makikinig ako pero kasi...... bakit sila nag-uusap?

"Zan please..." Sabi nung babae na si Lucille.

"We're over Luci." Walang emosyon na sabi ni Zander.

"But im still in-love with you, alam kong mahal mo pa rin ako..." nag mama-kaawang sabi nitong si Lucille.

"Pano ka nakaka-siguro?" Wala pa rin siyang emosyon.

"Dahil hindi ka papayag na mag usap tayo kung hindi mo na ako mahal." Matapang na sabi nitong Lucille.

"Pinilit mo ako Luci! At hindi ako makikipag-usap sayo kung hindi mo ako pinilit!" Impit na sigaw ni Zander dito.

"But still!" Balik naman na sigaw nitong isa.

"Bakit ka ngayon babalik? Dahil pinag-sawaan mo na yung Samuel na yun? Tapos ano babalik ka, tapos lolokohin ako ulit?" Masamang tingin ang binigay niya kay Lucille.

"Hindi ko siya minahal." Sagot nitong Lucille.

"Ako din naman hindi mo minahal." May bahid na lungkot akong nadinig sa boses na yun.

"Minahal kita Zan, maniwala ka." Sabi ni Lucille at hinawakan si Zander sa braso pero hinawi naman ni Zander.

"Kung minahal mo 'ko hindi mo ako lolokohin, hindi ka maghahanap ng iba, wag mo na akong pilitin dahil hindi na ako babalik sayo at wala na akong plano sayo." Sabi ni Zander at biglang humarap papunta sa gawi ko at nagka-tagpo ang tingin namin.

Naka-tingin lang kami sa isa't-isa habang bigla namang yumakap sa likod niya si Lucille at panay ang salita pero si Zander ay nasa akin lang ang tingin, hindi ko alam pero hindi ako maka-galaw dito, gusto ko ng umalis dahil nakaka-hiya na ang ginagawa ko dito. Pero parang may sinasabi ang paa ko na mag-stay ka lang.

"Remove your hands now luci." Sabi ni Zander habang nasa akin pa rin ang paningin.

"Please Zan! Let me back!" Sabi ni Luci.

Secretly Married To A Gangster (COMPLETE)Where stories live. Discover now