CHAPTER NINE

2.9K 105 4
                                    

ALTHEA'S POV:

Nasa room na ako ngayon at nakikinig sa mga pinagsasabi ng prof namin sa gitna at panay naman ang sulat ko sa mga sinasabi niya para naman may mababasa ako kapag wala akong magawa.

Hanggang sa lumipas ang ilang oras at ngayon na naman ay nasa third sub na ako at classmate ko si Steven at itong Kyle, hindi ko alam kung pano nangyaring naging classmate ko si Kyle sa third sub ko e dati si Steven lang naman. Pero dahil wala akong pake hindi ko na inintindi yun.

"Althea?" Tawag sakin ni Steven.

Lumingon ako sa kaniya. "Bakit?" Tanong ko.

"May gagawin ka bah mamaya?" Tanong niya.

Hindi muna ako sumagot sa kaniya at ng makapag-isip dun palang ako sumagot. "Wala naman." Sagot ko sabay kibit balikat.

Nakita ko pa siyang pasimpleng ngumiti. "Pwede ka bah mamaya? Kain tayo sa labas." Aya niya.

Hindi ko alam pero biglang nag sink-in sa utak ko yung mga nangyari sakin dati at nahihirapan akong huminga, napahawak ako sa dibdib ko kung saang parte ang puso at saka huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili ko pero hindi ko kaya.

'Althea nasa klase ka! Walang mangyayari sayo dito! Please umayos ka!'

Paki usap ko sa sarili ko pero parang hindi ko talaga kaya lumalalim na ang paghinga ko at napapansin na yun ni Steven at Kyle na nasa tabi ko. "Althea, namumutla ka." Sabi ni Steven.

Humihinga lang ako ng malalim hanggang sa maisipan kung tumayo para magpaalam sa prof namin na lalabas muna ako pero hindi na nakaya ng katawan ko at dahan-dahan na akong nawalan ng malay at narinig ko na lang ang sigaw ni Kyle at saka Steven. "Althea!" Sabay na sigaw ng dalawa.






STEVEN'S POV:

"Althea!" Sabay na sigaw namin ni Kyle sa pangalan ni Althea ng mawalan ito ng malay!

Mabuti at agad ko siyang nasalo, pinangko ko si Althea bridal style at saka ako tuloy-tuloy na lumabas ng room at saka tinahak ang daan papuntang clinic at alam kung naka-sunod lang si Kyle samin. Pagkarating sa clinic agad kong nilapag si Althea sa kama na nandun at saka naman siya ina-sikaso ng nurse doon.

"What happened?" Tanong ng nurse.

"Namutla siya bigla tapos parang hirap siya huminga at bigla na lang siya nawalan ng malay." Kabadong sabi ko.

Hindi sumagot ang nurse dahil busy na siya sa pag check kay Althea, biglang bumukas ang pinto ng clinic at akala ko si Kyle ang nandun pero si Zander pala na humahangos at nasa likod niya si Kyle at si France na humahangos din na para bang nakipag habulan sila sa limang lion.

"What happened to her!?" Tarantang tanong ni Zander.

"Bakit?" Takang tanong ko.

Masama siyang tumingin sakin at saka nagsalita. "Anong bakit!?" Inis na tanong niya.

"Bakit parang tarantang-taranta ka?" Tanong ko at bigla naman siyang umayos ng tayo at saka walang emosyon na tumingin sakin.

"Wag muna kayo mag-away! Malala ang kondisyon nitong kasama niyo! She need a doctor!" Sigaw samin ng nurse.

Secretly Married To A Gangster (COMPLETE)Where stories live. Discover now