ALTHEA'S POV:
Nagising ako dahil sa nakakaramdam ako ng uhaw kaya naman bumangon ako ng kama at saka ako dahan-dahan na naglakad papuntang kusina ng bahay, malapit na ako sa kusina ng madinig kong may nag-uusap dun kaya naman dahan-dahan akong sumilip at nakita ko si Kyle na kumakain ng pancake habang naka-upo sa stool at katabi nito ang isang lalaki na kamukha ni Zander mukhang ito ang nakakabatang kapatid ni Zander.
"So where's your wife?" Tanong nung kapatid ni Zander!
So alam niyang may asawa kuya niya?! Omygad! Nandito si kyle! May alam din ba ito?!
"Oo nga asan si cutie? Bat di kayo pumasok?" Tanong ni Kyle habang ngumunguya.
Kinunotan siya ng noo ni Zander. "Don't talk when your fucking mouth is full, that's gross Kyle." Sabi ni Zander.
Lumunok si Kyle sabay inom ng tubig. "Sorry hehe, so asan na asawa mo hmm..?" Nanunudyo pa na tanong ni Kyle. 'So may alam na sila?'
"She's in the room." Sagot ni Zander sabay inom ng wine.
Lumingon sa gawi ko yung kapatid ni Zander kaya nagpakita na ako at kunwaring walang nadinig, dere-deretsyo ang lakad ko papuntang ref at kumuha ng tubig.
"You're awake?" Tanong niya ni Zander sakin at tinaasan ko lang siya ng kilay. 'Obvious ba?'
"Cutieee!!" Masayang tawag sakin ni Kyle kaya nginitian ko siya matapos kung maka-inom. "Papasok ka ng school? E diba half day ka ngayon?" Tanong niya matapos tignan ang suot ko.
Na alala ko di pa pala ako nakapag bihis bago ako matulog kanina. "A-ah hindi... di lang ako naka-bihis." Sagot ko sa kaniya.
"So totoo ngang may asawa na kuya ko." Naka-ngising sabi nitong kapatid ni Zander. "I'm Zacky." Pakilala ng kapatid ni Zander na si Zacky.
Naglahad siya ng kamay sakin kaya naman tinanggap ko yun. "Althea." Sagot ko.
Tumango-tango siya at binitawan na ang kamay ko pero bago niya binitawan ay pinisil niya muna yun ng mahina bago naka-ngising tumingin kay Zander na ngayon ay masama na ang tingin sa kapatid.
"Chill man." naka-ngising sabi ni Zacky.
"Chill mo mukha mo." Pambabara ni Zander.
"Phew.. selos yern.." bulong ni Kyle di ko masyado maintindihan.
Lumapit sakin si Zander at hinakawan ako sa braso at hinila palabas ng kusina. "Aray.. teka." Sabi ko sa kaniya pero di niya ako binitawan.
Nakarating kami sa kwarto namin at doon niya pa lang ako binitawan.. napasandal ako sa pinto ng bigla siyang humarap sakin at sinandal ang isa niyang palad sa pinto, masama ang tingin niya sakin.
"Do you like Zacky?" Tanong niya salubong na salubong ang dalawang kilay.
"Ano bang proble---"
"Do. You. Like. Zacky?" Ulit niya na tanong pero masyadong madiin na.
Tinulak ko siya pero walang silbi yun kasi di man lang siya natinag mas lalo lang niya nilapit ang mukha niya sakin. "L-lumayo ka n-nga." Nauutal na ako!
"Sagotin mo ang tanong ko." Halatang galit na siya dahil yung panga niya gumagalaw na.
"H-hindi! Ano ka ba! Ang bata bata pa ni Zacky tapos--" He suddenly kiss me kaya naputol ang sasabihin ko.
Mulat ang dalawa kong mata dahil sa gulat samantalang siya naka-pikit! Sinamantala naman niya ang pagka-awang ng bibig ko dahil sa gulat dahil pinasok niya ang dila niya sa bibig ko!