ZANDER'S POV:
Pagkapasok ko sa first subject namin ay si Althea agad ang nahagip ng mga mata ko, naka-dukdok siya sa mesa at mukhang natutulog.
"Uy, si Cutie girl." Masayang sabi ni Kyle.
Agad silang lumapit kay Althea na natutulog at kakausapin na sana ni Kyle ng makita niyang tulog ang babae. Lumapit na rin ako at umupo sa pwesto ko kahapon.
"Ay tulog." Sabi ni Kyle.
"Baka pagod." Sabi ni Tyron.
"Edi hindi na siya ngayon si cutie." Sabi ni Kyle.
"E sino na siya?" Nakakalokong tanong ni Tyron.
"Siya na ngayon si Sleeping Cutie!" Masayang sabi ni Kyle.
"Pfffttt..... BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHABAHAHAHAHAHAHAHA!!" Malakas na tumawa si Tyron at Kyle. Tss.
Bigla namang gumalaw ang ulo nitong si Althea at napunta sa gawi ko ang mukha niya, napa-hinto sa pag-tawa ang dalawa dahil mukhang alam na nila na masyado silang maingay, mahina silang bumungis-ngis sa gilid at ako naman ay sinamaan lang sila ng tingin, balak ko sanang kunin ang phone ko sa bag ng mapatingin ako sa mukha ni Althea. Ngayon ko lang siya nakita na tulog at napaka-ganda niya kapag natutulog para siyang anghel, matangos ang ilong, mahaba ang pilik-mata, manipis ang labi at natural sa pula, wala siyang kahit na anong kolorete sa mukha tulad ibang babae.
"Beke me tenew." Parang tangang parinig ni Kyle.
"What!?" Hindi ko napigilan na mag-taas ng boses na dahilan ng pagka-gising ni Althea.
Napatingin ako sa kaniya at dahan-dahan na nag-mulat ang mga mata niya at napaka-ganda ng kulay ng mata niya, ang medyo singkit niyang mata ay biglang bumilog dahil sa gulat, agad siyang umupo ng ayos at saka inayos ang sarili. Hindi ko akalain na ganito ang babaeng toh.
"Goodmorning Sleeping Cutie." Masayang bati ni Kyle.
"Sleeping--what?" Takang tanong ni Althea.
"Sleeping Cutie hehehe bakit ayaw mo ba?.." tanong ni Kyle at walang sumagot sa kaniya. "O sige cutie na lang hehehe." Sabi niya pa.
Hindi ko na lang sila inintindi at saka ko na lang ibinaling ang paningin ko sa labas ng pinto, hindi pa rin ma-alis sa utak ko yung kagabi. Sigurado akong may narinig si Althea wala na dapat akong paki doon pero pano kung may narinig pa siyang iba na sinabi ni Luci, kailangan ko siyang kausapin dahil kailangan kong maka-siguro.
Tumikhim ako ng mahina at saka ako umayos ng upo at saka ilang sandali lang ay dumating na ang prof namin kaya naman nag si-tahimik na ang lahat samantalang si Tyron at Kyle kay panay ang tawa.
ALTHEA'S POV:
Na tapos ang subject namin at ito na naman ako sa second subject ko at ka tabi na naman itong tatlong lalaking toh pero iba naman ang kasama nila itong Steven na ang kasama nila ngayon, at dahil kulang ako sa tulog wala ako sa planong mag-salita lalo na at kulang ako sa tulog. Lumipas ang oras ng mabilis at halos wala akong naintindihan sa mga sinabi ng prof namin, para akong tulog pero mulat ang mga mata ko.
Hindi ko na namalayan na tapos na pala ang klase namin nagising na lang ang diwa ko ng may tumatapik na sa pisngi ko, agad akong umayos ng upo at saka ako tumikhim at saka inayos ang bag ko at dali-daling lumabas ng room.