ALTHEA'S POV:Nagising ang diwa ko at ang sakit-sakit ng leeg ko parang may kumagat doon pero hindi ko minulat ang mga mata ko, gumalaw lang ako sa pagkaka-higa ko at saka ako tumagilid ng higa at naramdaman kong parang may nasagi ako na malaking bagay na para bang may katabi ako pero hindi ko na iyon pinansin siniksik ko na lang ang sarili ko sa kung ano naman itong katabi, parang ang sarap-sarap sumiksik dito dahil medyo mainit yun.
Pero na bitin ko ang hininga ko ng may pumulupot na kamay sa bewang ko at hinapit ako palapit dito sa katabi ko at saka niya siniksik ang sarili sa may leeg ko at saka ramdam ko doon ang hininga nitong katabi ko, dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at laking gulat ko ng iba na ang desinyo ng kwarto ko, hindi na iyon kulay pula kundi itim na pati ang mga kurtina ay iba na at ang veranda ay nasa kaliwa na hindi nasa kanan! Gumalaw itong katabi ko at mas siniksik ang ulo niya sa may leeg ko halos malapit na siya sa may dibdib ko!
Tumingin ako doon at ulo ng isang lalaki ang nakita ko, nanigas ako sa kinahihigaan ko at saka ko dahan-dahan inangat ang kumot namin at laking pasalamat ko na ang suot ko kagabi ay yun padin ang suot ko hanggang ngayon pero itong katabi ko ay walang pang-itaas na damit! Agad akong bumangon kaya naman nagising itong katabi ko, umupo ako sa kama habang mahigpit ang kapit sa kumot na akala mo ay may gagawin na iba itong kasama ko, pero malay natin e hindi ko naman kilala toh!
Nag-mulat ng mata itong katabi ko at saka humikab at saka tumingin sakin na ikina-gulat ko! Hindi pwedeng ang lalaking toh ang kasama ko ngayon dito! Pano nangyari toh!?
"Bakit ka ba nang-gigising? It's saturday walang pasok, matulog ka ulit." Sabi nito at saka humiga ulit ng maayos.
"P-pano ako napunta dito?" Utal ko pa na tanong ko.
Tinignan niya ako. "Dala ka kagabi ng mga guard ni Dad, wala kang malay." Sagot niya at saka tumagilid ng higa paharap sakin.
"I-ibig sabihin ikaw ang anak ni Mr. Yap?" Tanong ko pahigpit ng pahigpit ang kapit sa kumot.
"Ako nga." Naka-pikit na sagot niya.
"I-ibig sabihin.." Hindi ko matuloy ang sasabihin ko.
"Pwede bang mamaya ka na mag tanong, patulugin mo na muna ako." Sabi niya kaya tumahimik na ako.
Hindi ko alam kong anong mararamdaman ko matatakot ba ako o mahihiya, lalo na at alam kong ang pantulog ko lang ang suot ko at wala akong suot na panloob sa itaas at wala akong short naka-panty lang ako dahil matutulog lang naman ako! Na hindi ko akalain na mapupunta ako dito!
"Di ka ba matutulog? 5:12am pa lang." Sabi na naman ni Zander! Oo si Zander! Ang leader ng X-hunter na anak ni Mr. Yap!
Hindi ako sumagot sa kaniya umayos na lang ako ng higa at saka ko ini-isip kong pano ako na punta dito at kung kumusta na sila Mama sa bahay, pero lahat yun ay na wala sa isip ko ng bigla na lang akong nakaramdam ng kamay sa bewang ko at saka ko naramdaman ang hininga ni Zander sa leeg ko, hindi ako naka-hinga para akong kaka-pusin sa hangin dahil sa ginagawa niya!
"Breath lady, ayukong ma-byuda ng maaga." Sabi niya na ikina-gulat ko, pero na wala naman yun at dahan-dahan kong pinaka-walan ang hininga ko.
"P-pwedeng ano... ahm... p-paki tanggal ng kamay mo... ano.. kasi... h-hindi ako sanay." Utal-utal pa na sabi ko pero hindi nakinig si Zander!