ZANDER'S POV:
"Where's Althea?" Tanong ko kay Steven ng makabalik siya at wala si Althea.
"She said, susunod na lang siya." Sagot naman ni Steven.
"At pumayag ka?!" Galit na tanong ko sabay hawak sa kwelyo niya.
"What? Ano bang meron?" Tanong niya sakin pero hindi ko na siya sinagot at agad akong lumabas ng canteen.
Pero pagkalabas ko ng canteen isang malakas na pagsabok ang bumalot sa buong campus at umuyog pa ang lupa, agad namang nagsi-ingayan ang mga students at saka nagsilabasan lahat ng tao sa kaniya-kaniyang room at biglang nag-ingay ang fire alarm.
"Zander dito tayo!" Sigaw ni France.
Nagtutulukan na ang iba palabas ng campus dahil lumalakas na ang apoy pero si Althea ang hinahanap ko, wala akong plano lumabas hanggat hindi ko nakikita o kasama si Althea na lumabas!
Nakita ko si Lucille na bumaba mula sa second floor at saka lakad takbong lumapit sakin at yumakap kaya agad ko siyang tinulak.
"Malakas na ang apoy!" Sigaw niya.
"Nasaan si Althea?" Galit na tanong ko sabay hawak sa dalawa niyang braso.
"W-wala akong alam!" Sigaw niya at nagpupumiglas.
Binitawan ko siya at agad naman siyang lumabas ng campus lahat sila ay nasa labas na pero ako hindi pa, hinahanap ko si Althea kahit na tinatawag na nila ako wala akong pakealam! Hanggang sa may biglang may humawak sa kwelyo ko sa likod at hinatak ako palabas ng campus, magrereklamo na sana ako pero galit na mukha ni Dad ang sumalubong sakin.
"What are you doibg there?!" Galit na tanong niya.
"Dad si Althea! Di ko siya makita!" Inis na sigaw ko sabay gulo ng buhok ko.
"Nandito na ang mga bumbero, papasok sila." Sabi ni Dad.
"Papasok ako! Baka nandun si Althea!" Sabi ko at akmang papasok pero pinigilan ako ng dalawang bumbero.
"Bawal kayong pumasok sir, malakas na po ang apoy." Sabi nitong isang lalaki.
"Papasokin niyo ako! Kailangan kong pumasok!" Sigaw ko sa kanila at nagpupumilit na pumasok.
Biglang may humawak sa magkabilaan kong braso na sina Kyle and Tyron pala. "Bitawan niyo ako!" Sigaw ko.
"At ano papasok ka?" Tanong ni France.
"Kailangan kong pumasok!" Pagpupumiglas ko.
"Malakas na ang apoy, Zander." Sabi naman ni Marvin.
"Wala akong pakealam!" Sigaw ko pa, kunti na lang malalaglag na ang luha sa mga mata ko.
"Kumalma ka Zander." Sabi ni Steven.
"Nandun ang asawa ko sa loob! Pano ako kakalma?!" Galit na sigaw ko sa kaniya at lahat ng nandun ay nagulat sa sinabi ko.
"Pano ako kakalma kung ang asawa ko ay nandun sa loob?" Napa-upo ako sa sahig dahil sa panghihina at agad naman akong dinaluhan ni Dad.
"Maliligtas si Althea." Sabi ni Dad.
"Hanggat wala dito ang asawa ko hindi ako kakalma.." sabi ko. "Papasokin niyo na ako." Pagmamakaawa ko.
Akmang sasagot na si Dad ng biglang may lumabas na apat na bumbero at may dala-dalang stretcher at agad akong tumayo ng makilala ko ang damit na yun. Agad akong lumapit at tinignan si Althea na ngayon ay walang malay.