STEVEN'S POV:
Nasa bar ako ngayon at nagpapa-kalasing wala akong pakealam kung magmamaneho pa ako ang gusto ko lang ay ubusin ang lahat ng alak dito sa bar.
"Fuck you love!" Sigaw ko kaya nagsitinginan sakin ang mga tao pero wala akong pakealam sa kanila.
Gusto kong maglasing hanggang sa hindi na ako makalakad at hanggang sa hindi ko na maramdaman ang sakit na nararamdaman ko ngayon na si Althea ang may dahilan.
"Am i not worth it?" Tanong ko sa bote na para bang sasagot sakin yun. "I'm rich too, i'm handsome! Potangina naman!" Inis na sabi ko sabay inom ng alak mula sa bote hindi na ako nagbabaso wala namang kwenta yun.
"Steven.." isang pamilyar na boses ang tumawag sakin kaya tinignan ko yun. "Tama na yan, iuuwi na kita." Dagdag pa nito sabay hawak sa braso ko kaya hinawi ko siya.
"Pwede ba Tricia!" Sigaw ko sa kaniya. "Tigilan mo na ang kakasunod sakin!" Inis na sigaw ko pa sabay inom ng alak.
Nang maubos ko yun ay dahan-dahan na akong tumayo at muntik pang matumba buti naka-hawak ako sa lamesa at kita ko naman ang kamay ni Tricia na tutulong sana, umiling iling na lang ako at saka ako susuray suray na lumabas ng bar na yun. Pagkarating ko sa parking lot nasa likod ko parin si Tricia at sumusunod kaya naman ng makalapit na ako sa kotse ko ay hinarap ko siya.
"Tricia!" Sigaw ko sa kaniya na ikinagulat niya. "Pwede ba tigilan mo na kakasunod sakin! For fuck sake leave me alone!" Sigaw ko sa kaniya, at kita ko ang sakit sa mga mata niya.
"I-ihahatid lang kita." Nautal pa siya.
"Manhid ka ba ha?!" Galit na sigaw ko sakaniya sabay duro sa may puso niya kaya napa-atras siya ng kunti. "I don't like you! Hindi kita gusto Tricia! Potangina anong hindi mo maintindihan dun?!" Sigaw ko pa sa kaniya at napa-yuko naman siya.
"I k-know.." bulong niya.
"Wala ka ba talagang natitirang hiya diyan sa sarili mo? Almost 2 months ka ng naka-sunod sakin! Tigilan mo na ako! Ganiyan kana ba talaga kadesperada?!" Sigaw ko sa kaniya at isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi ko
"A-almost 2 months akong nasa tabi mo.. pero ano? Puro Althea ang nasa utak mo!" Sigaw niya sakin. "Kala mo ba hindi ako napapagod kaka-habol sayo?" Tanong niya at umiiyak na tumawa. "Napapagod din ako Steven! Dahil sa mga panahon na kailangan mo ng karamay ako ang nandun! Pero si Althea parin ang bukang bibig mo, nasasaktan din ako Steven pero kinakaya ko." Humikbi siya. "Kinaya ko kasi mahal kita, mali bang mahalin kita Steven?" Tanong niya at huminga ng malalim. "Drive safely." Sabi niya at tinalikuran na ako.
Parang nawala ang kalasingan ko dahil dun, pumasok ako sa kotse ko at pinaandar yun at tinahak ko ang papuntang bahay ko. Nang makarating ako sa labas ng bahay ko ay hindi muna ako lumabas ng kotse ko.
"What is happening to me!" Sigaw ko sabay sabunot sa buhok ko. "Tangina may asawa na yung tao Steven, wala ka ng laban." Pagkausap ko sa sarili ko.
TRICIA'S POV:
"H-hello?" Pinilit ko na hindi humikbi..
["Nandito na si Steven sa bahay niya."] Sabi ni Hanz, pinsan ko na siyang katapat ng bahay netoh.
"Thanks." Sabi ko at saka pinatay ang tawag.
Nandito ako sa condo ko at walang ingay na umiiyak, ganto naman lagi ang eksena ko sa buhay tuwing pinagtutulakan ako paalis ni Steven at pinagsasabihan ng masamang salita, pero tanga na nga atah ako dahil kahit ganun mahal na mahal ko parin siya. Pero nakakapagod din palang maghabol sa isang tao na hindi kanaman kayang mahalin pabalik.