CHAPTER 16

2.9K 92 23
                                    

ALTHEA'S POV:

Agad akong bumalik sa kwarto ng makita kong nandun sila Tyron at alam na nila na kasal kami ni Zander, unti-unti ng dumadami ang nakaka-alam ng kasal na toh sana lang talaga ay walang gulo na mangyari dahil ayuko ng mga ganun.

Humiga ako sa kama at saka ako tumingin sa kisame at saka ko sinimulan ang mag-isip ng kung ano-ano na pumasok sa isip ko, hanggang sa pumasok sa isip ko si Zander.

'Di pwedeng mahulog ako sa kaniya.'

'pero..'

'Mapipigilan ko ba yun?'

Kung sakaling mahulog man ako sa kaniya ay wala namang mali dun, asawa ko naman siya kahit sa papel lang pero asawa ko padin naman siya ah.

Ay bahala na, diko pipigilan toh dahil ako lang naman ang mahihirapan kapag ginawa ko yun. Maaring masaktan lang din ako dahil alam kong di naman niya ako magugustuhan dahil yung mga tipo niya ay kagaya ni Lucille.

Pero kailangan ko paring mag-ingat dahil hindi madali ang mahulog sa isang yun, sigurado akong babalik na naman sa dati ang puso ko, pero ayuko namang pigilan toh. Ay basta bahala na.

"Ang lalim ng iniisip mo." Isang boses ang nadinig ko kaya naman tinignan ko kung saan galing yun.

"Ha?" Tanong ko kay Zander na naka-tayo sa may higaan namin.

"Ha?" Panggagaya niya sa boses ko. "Sabi ko ang lalim ng iniisip mo." Sabi niya bago humiga sa tabi ko.

"Ah.. eh.." ewan, diko alam sasabihin ko.

"Ah.. eh.. oh.. uh.." panggagaya na naman niya.

"Ano ba, para kang sira." inis na sabi ko.

"Dito ka nga." Sabi niya sabay tapik sa may balikat niya.

"Ano?" Tanong ko.

"Lapit ka dito." Sabi niya pa.

"Ayuko nga." Sabi ko sabay tagilid patalikod sa kaniya.

"Aish.." Sabi niya sabay yakap mula sa likod ko.

"A-ano ba Zander." Sabi ko dahil sinisiksik na niya ang ulo niya sa likod ko.

"Malamig." Bulong niya.

"Patayin mo yung aircon." Sagot ko.

"Ayuko, mas gusto ko yung ganto." Sabi na naman niya sabay higpit ng yakap sakin.

"Aray ko, yung bewang ko." Reklamo ko sa kaniya.

"Sorry.." bulong niya. "Harap ka nga dito." Sabi niya pa.

"Matulog kana." Sabi ko, hindi pinakinggan ang sinabi niya.

"Harap na kasi.." sabi niya sabay paharap sakin.

"Ay!" Hiyaw ko ng paharapin niya ako bigla.

"Aray ko naman.." reklamo niya sa pag-hiyaw ko.

"Bat ba ang kulit mo?" Tanong ko.

"Gusto ko lang naman na humarap ka." Sabi niya pa.

Yumakap ulit siya sakin at saka siniksik ang sarili niyang ulo sa dibdib ko at saka ginawang unan ang braso ko.

"Thea.." tawag niya sakin.

Hinawakan ko ang buhok niya at saka yun sinuklay suklay ng sarili kong kamay. "Hmm.." sagot ko.

Secretly Married To A Gangster (COMPLETE)Where stories live. Discover now