CHAPTER 18

2.8K 103 7
                                    


ZANDER'S POV:

Now i know bakit parang familiar si Althea sakin nung una ko siyang makita sa school dun sa bench, ang matagal ko ng gusto makasama at mahanap ay ngayon ay hawak ko na at asawa ko pa.

"Labas na." Sabi ko kay Althea.

Nasa loob parin kasi siya ng kotse at ayaw lumabas, pinagbuksan ko na siya ng pinto pero ayaw parin lumabas nahihiya daw siya, it's been 3days simula yung nangyari samin at pasalamat naman ako dahil nakakalakad na siya at ngayon lang kami naka-pasok sa school.

"Tignan mo ng kung may tao." Utos niya kaya naman sinunod ko na lang.

"Wala, now get out." Utos ko din na agad naman niyang sinunod.

Bumaba siya ng kotse at dere-deretsyong naglakad papunta sa first subject namin at iniwan ako kaya naman lakad takbo ang ginawa ko para lang maabutan siya, at dahil maliit naman ang mga hakbang niya agad ko siyang naabutan at sabay kaming pumasok sa room namin at syempre nagtinginan samin ang lahat.

"Good morning Cutie!" Bati ni Kyle kay Althea ng maka-upo ito.

"Morning.." bati niya kay kyle at tumingin kay Tyron na katabi ni Kyle. "Morning." Bati niya kay Tyron.

"Morning Thea." Bati din ni Tyron pero may ilang yun.

Umupo si Althea sa tabi ni Kyle kaya naman umupo na ako sa tabi niya, ilang minuto pa ang lumipas ng pumasok na ang prof namin kaya naman nagsi-tahimik na kami at nakinig na lang. Habang nagsasalita ang prof namin sa unahan nagsusulat naman si Althea sa notebook niya, siguro ay para may ma review naman siya.

Naka-tingin lang ako sa kaniya habang nagsusulat siya, tinitignan ang mga galaw ng kamay niya habang nagsusulat.

"Mr. Yap!" Malakas na sigaw ng prof namin kaya napatingin ako sa kaniya at ang mga classmate ko naman ay naka-tingin sakin kasama na sina Althea.

"Yes sir?" Tanong ko, at lumapit naman siya sakin.

"Anong meron kay Miss. Ramos at grabe ka makaka-titig?" Tanong niya kaya napasulyap ako kay Althea na namumula na ang mukha sa hiya siguro.

"N-nothing sir." Sagot ko.

"Mas importante pa ba ang mukha ni Miss. Ramos kesa sa lesson ko?" Tanong na naman niya.

"Y-yes sir—" nagtawanan ang iba kong classmate samantalang nagbubulangan na ang iba. "I mean, n-no sir." Agad kong bawi.

"Maganda ba si Miss. Ramos para sayo Mr. Yap?" He asked again!

Tumingin ako kay Althea na ngayon ay naka-yuko. "Yes sir." Sagot ko.
Naghiyawan ang iba, may ibang nagbulungan.

"Miss. Ramos." Tawag ni sir kay Althea na agad namang tumingin sa kaniya. 'Mrs. Yap, idiot.'

"S-sir?" Tanong ni Althea.

"Gwapo ba si Mr. Yap?" Tanong ni sir.

Tumingin sakin si Althea at tinaasan ko siya ng kilay. "Hindi po." Sagot niya sabay balik ng tingin sa sinusulat niya!

"HAHAHA panget pala e." Parinig ni Kyle.

"Sakit, panget pala." Parinig naman ni Tyron.

"Hindi siya gwapo sir.." sabi ni Althea sabay tingin kay sir, inulit pa talaga! "Kasi sobrang pogi niya." Dugtong niya.

"Ampt, lumaki tenga ni Zander." Bulong ni Kyle pero diko pinansin.

Secretly Married To A Gangster (COMPLETE)Where stories live. Discover now