ALTHEA'S POV:
Nagising ang diwa ko pero hindi pa rin ako nag-mumulat ng mga mata nararamdaman kong may naka-lagay sa mukha ko at nasisiguro kong oxygen mask yun siguro dahil iyon ang dahilan ng pagka-wala ng malay ko, sinubukan kong igalaw ang mga kamay ko at ng maramdaman kong nai-galaw ko yun ay dahan-dahan ko ng iminulat ang mga mata ko. At isang lalaki agad ang bumungad sakin, naka-ngiti siya sakin habang naka-tayo at naka-tunghay sakin.
"Are you ok now?" Tanong ni Steven.
Tumango ako sa kaniya at saka ko tinanggal ang oxygen mask sa mukha ko na ikina-gulat niya.
"Don't take it off!" Tarantang sabi niya.
"Ok na ako." Mahinang sabi ko sa kaniya.
Umupo ako sa higaan at saka ko lang na pansin na nasa clinic pala kami, habang naka-upo pumasok naman ang nurse at tinignan ako at gulat siya ng makitang naka-upo na ako.
"Ok ka na ba?" Tanong ng babaeng nurse.
"Opo, una na po ako may klase pa po ako." Sabi ko.
"It's past 6:00pm and actually your friend will be here in a moment." Sabi ni Steven.
"I-ibig sabihin..." hindi ko mai-tuloy ang sasabihin ko.
"Tapos na ang klase at saka wag kang mag-alala excuse ka sa lahat ng klase mo." Sabi ng nurse at ng tumingin ako kay Steven ay tumango siya.
"O sige uuwi na ako." Sabi ko at saka ko kinuha ang bag ko at tumayo.
Ngunit pag-tayo ko ay bigla akong na-hilo at muntikan ng ma-dapa buti na lang at nahawakan ako sa braso at bewang ni Steven at ina-lalayan na maka-tayo, sakto naman ang pagbukas ng pinto ng clinic at pumasok doon ang gulat na si Camille at hindi lang siya pati si Kyle ay andun din pati si Zander, gulat ang dalawa samantalang si Zander naman ay walang emosyon. Agad akong tumayo ng maayos at inalis ang kamay ni Steven at saka ako lumapit kay Camille.
"Maayos ka na ba?" Tanong ni Camille ng maka-lapit ako.
"Maayos--"
Hindi ko matuloy ang sasabihin ko dahil biglang nag-tanong si Kyle. "Bakit ka hinawakan ni Stev sa bewang!?" Tarantang tanong niya.
"T-tinulungan lang niya ako, dahil bigla akong nahilo." Sagot ko.
"Bakit kailangan sa bewang?" Biglang tanong ni Zander na ikina-gulat ko at hindi lang ako sabihin na nating kaming lahat. "Tss." Dagdag niya ng walang sumagot sa kaniya.
"Uwi na tayo, dumating na si Ate Lea at kailagan ka na dun." Sabi niya kaya naman tumango ako agad.
Tumingin ako kay Steven bago yumuko at saka tumayo ng maayos ulit. "Thank you." Sabi ko at saka yumuko ulit at saka ko tinignan si Camille at saka niya ako hinila palabas ng clinic.
"Teka! Cutie girl! Hatid na namin kayo!" Pasigaw na tawag samin ni Kyle.
Lumingon si Camille kay Kyle. "Maraming salamat pero tatanggi muna kami ngayon." Sabi ni Camille at sabay kaming yumuko sa kanila bilang paalam at saka kami naglakad ulit.