CHAPTER FOURTEEN

2.9K 100 17
                                    

ALTHEA'S POV:

"Here.." sabi ni Steven sabay lagay ng pagkain sa plato ko.

Ewan kung saang lugar kami napunta pero nasa isa kaming restaurant mukhang pang mayaman naman toh kasi kanina pagpasok namin ay lahat nakapang-magara na suot at sa mukha pa lang nila masasabi mo ng angat sila sa buhay. At ewan ko ba dito kay Steven at nag pa-V.I.P pa dito, kaya naman nasa isa kaming part ng restaurant kung saan kami-kami lang ang tao nila Kyle at wala ng iba.

"Kaya naman niyang kumuha ng pagkain." Sabi ni Kyle kaya tinignan ko siya.

"I know.. i just want to apologize." Sabi ni Steven.

"Apologize? Edi mag-apologize ka, pero sa hindi ganiyang paraan." Sagot ni Zacky.

"Shut up, lets eat." Walang emosyon na sabi ni Zander kaya naman sumunod na lang kami.

Ako na mismo ang kumuha ng pagkain ko yung makakaya ko lang at yung pwede lang sakin, ayukong bumalik na naman sa hospital dahil lang sa di ko nasunod ang yung mga sabi ng doctor sakin.

Habang kumakain tahimik lang ako samantalang panay ang salita ni Kyle at Marvin nag-bibiruan pa ang dalawa at minsan nakikisali si Tyron minsan nakiki-sabat din ang kambal, kanina ko lang nalaman na kambal pala sila na-kwento ni Kyle kanina nung nasa kotse pa kami ni Tyron.

Habang kumakain ako nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib ko medyo nahihirapan akong huminga at nangangati din ang leeg ko at mukha ko, kinamot ko ang nasa leeg ko at tinignan ang kinakain ko.

"Are you okay Althea?" Tanong ni Steven.

"O-oo." Sabi sabay kamot sa may pisngi ko.

"Namumula leeg mo, pati pisngi mo." Sabi ni Tyron.

"M-may.. s-shrimp.. b-ba.. t-toh.." hirap na ako magsalita dahil sa paninikip ng dibdib ko.

"Oo." Sagot ni Marvin, siya kasi nag-order nito.

"Shit!" Dinig kong sigaw ni Zander.

Nandidilim na ang paningin ko dahil nauubusan na ako ng hininga, naramdaman ko namang may bumuhat sakin at doon na lang ang nasaksihan ko dahil nawalan na ako ng malay.

ZANDER'S POV:

"Shit!" I shouted when i realize na allergy pala si Althea sa shrimp.

Bakit hindi ko man lang yun naisip? bakit hindi ko man lang chineck ang kakainin niya?

Agad kong binuhat si Althea dahil namumula na ang katawan niya dahil sa allergy niya at hirap na din siya huminga dahil umaangat na ang dibdib niya para lang makahinga ng malalim.

"Kyle ang kotse dali!" Sabi ko habang naglalakad palabas ng restaurant na yun.

"Bakit kasi yun ang inorder mo?" Inis na tanong ni Tyron kay Marvin.

"Di ko naman alam na may allergy siya." Sagot ni Marvin.

This is my fault, kung sana tinatandaan ko lang ang mga bawal kay Althea edi sana hindi niya ito mararamdaman ngayon.

"Hold on honey, dadalhin kita sa hospital." Bulong ko sa tenga niya.

Dali-dali kaming lumabas ng restaurant na yun at agad na hinintay si kyle na pumunta sa parking para kunin ang kotse ko, ng makarating siya agad akong sumakay sa back-seat at hiniga ko si althea doon, sumakay naman si Steven sa passenger at si Kyle ang driver namin samantalang naka-sunod naman sa likod ang iba.


Secretly Married To A Gangster (COMPLETE)Where stories live. Discover now