05

3 1 0
                                    

Chapter 05

HINDI pa nga ako nakakatulog ng maayos, tunog ng tunog na yung cellphone ko ng paulit-ulit. Alam kong si Dash ang tumatawag dahil boses n'ya mismo na paulit-ulit na nagsasalita ng "I'M CALLING PICK UP THE PHONE MAHAL" nakakarindi at kailangan kong sagutin dahil alam kong importante yon.

Kapag si Manager naman ang tumatawag, kanta ni Harry Styles ang ringtone kaya masarap sa tenga at hindi ko minsan nasasagot. Kapag kila Kyle at Jeremy naman, costum ringtone lang.

"ANO?!" Bungad ko sa kan'ya.

"Walang 'hello goodmorning mahal' jan? Ganyan talaga boses mo? Nagtatamp-"

Mabilis kong pinatay ang tawag dahil nagiging walang kwenta ang usapan. Nagring naman ito agad at sinagot ko na ito ng ganon din.

"Galit agad eh. Asan ka ba? Baka nakalimutan mong birthday ngayon ni Manager." Sabi n'ya na nilalakasan ang boses dahil maingay ang background.

"Umagang-umaga nagpaparty na kayo?!" Sabi ko saka bumangon para magkape.

Ang malakas na volume na music kanina sa background ay nawala, malamang pinatay. "Maaga lang ako sa kanila para tulungan si Kyle magset up sa bahay n'ya para sa house party. Kunwareng sinama ni Jeremy si Potchi sa pagpili ng activities sa batchelor's night at kami naman dito nagpapakahirap sa surprise party dahil ayaw namin s'ya sa bar mag-celebrate. Mapapagalitan s'ya ng girlfriend n'ya."

"Kaya n'yo na yan."

"Huwag ka naman ganyan. Don't you have any appreciation for Potchi?" Paglalambing ni Dash na mukhang timang.

"Ano naman gusto mong gawin ko?" Sabi ko.

"Pumunta ka dito dahil graduate ka ng Architecture." sabi n'ya.

"Oh? Magpaparenovate ng bahay si Potchi sa loob ng 5 oras?!" Sakastikong sabi ko sa kan'ya habang iniintay kumulo ang mainit na tubig sa kalan.

"Kung di lang kita mahal, makukurot kita sa pisnge. Malamang may alam ka sa arrangement arrangements na iyan. Bobo ako d'yan. Graduate ako ng PolSci, walang design sa debate." pagdadahilan n'ya. Saka ko narinig ang malakas na sigaw ng Kyle ng tumataginting na "FUCK".

"Anyare kay Kyle?" Tanong ko.

"Hindi marunong magpalobo ng balloon. Pero  ng tiyan, oo." Natatawang sabi n'ya.

Umirap lang ako. "Wait for me."

"I'll always be waiting for you love." Malambing n'yang sabi na sinabayan ng mahinang tawa.

"Love mo mukha mo, whore." Saka ko binaba ang tawag.

Mabilis akong nagbihis ng jagger at tshirt saka nagbaon ng damit para sa party mamaya. Kinuha ko ang cellphone ko saka sumakay na sa kotse na nabili ko dahil sa pag-gig. Pagsakay ko sa kotse, nagtext si Kyle na dumaan para bumili ng kape saka maayos na almusal. Dahil naawa ako kay Kyle na hindi marunong magpalobo ng lobo at tingin ko namamaga na ang pisnge at malapit na magka beke, sumunod ako.

Pagdating ko doon, tuwang-tuwa ang dalawa na hindi sa akin o sa tulong na maiiaambag ko kundi sa pagkain na dala ko. Halos dakmain ni Dash yung paper bag ng McDonalds at si Kyle naman maingat at mabilis na kinuha ang kape.

"Hala, bakit tatlo lang?!" Tanong n'ya.

"Bakit? Ilan ba dapat?!"

"Apat. Apat dapat."

"Sino naman ang pupunta pa?"

Then, we're all turned our heads to the honk of a car. Isang lalaki ang bumaba sa kotse na nakasoot ng khaki shorts at adidas na damit.  Nakasoot ng shades at halatang bagong gising. Habang naglalakad ito palapit, Dash pull my hand and walk beside me.

Subway of Cyberspace  (a love beyond internet) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon