36

1 0 0
                                    

Chapter 36

AFTER practice, we arrived at Pauline's graduation party. Marami doon ang tao most of it mga high school friends nila. Nandoon din ang mama n'ya at ang kuya n'ya. Masaya ang paligid, medyo maingay lang.

"Bakit Pauline Jane Mendoza pa din ang nasa Diploma mo?" Tanong ko sa kanya.

"I was enrolled as Pauline Jane Mendoza. Isa pa, hindi ko pa kinukuha ang apilyido ni Winston. Saka na kapag kasal na kami sa pari." Paliwanag n'ya.

"Kelan kayo magpapakasal?" Tanong ko.

"Next year, punta ka ah."

Hindi ako sumagot at ngumiti lang. Ow...

I was just staring at the people, kumakain at nakikinig sa usapan.

"Pau, kung sakaling makulong si Wendell ialalabas mo ba s'ya sa kulungan?" Tanong ng babaeng nagngangalang Sarah. Isa s'yang pediatrician.

"Hindi. Bahala s'ya mabulok." Biro ni Pau.

Umalma naman si Wendell. "Ay ang sama. Parang others. At saka hindi ako makukulong."

Nagtawanan pa sila. Patuloy lang sila sa kwentuhan. Winston is silent carrying their daughter, Cookies. Mataba na ang pusa at halatang alaga sa catfood.

"My love..." Bulong ni Winston kay Pau na narinig naman ng mga kaklase n'ya.

"Ay ang taray, my love ang tawagan. Sana ol." Kanchaw ni Yuri na hatalang kagagaling lang sa bangko.

"Inggit ka lang." Dumila pa si Pau saka sumama kay Winston. Nagtawanan naman ang mga mga kaklase ni Pauline.

"Hoy gagi, asan si Daniel?" Pagsisingit ni Therese. Ngayon naiintindihan ko na. Ang puti-puti n'ya. Maganda s'ya walang halong joke.

"Ay kakaalis lang kahapon, sana huwag nang bumalik." Sagot ni Kristin na pumapapak ng tempura.

"Kayo kelan ba kayo magpapakasal?" Nakangising tanong ni Henry sa kanya.

"Bastos ka ba?" Natatawang tanong ni Kristin. "Sana matapilok ka ngayon, mamaya."

Nagatawana sila. Nalaman kong highschool sweethearts pala sila Kristin at yung si Daniel katulad nila Winston. Katulad nila Therese at BM, naghiwalay ang dalawa. They fell out of love daw. I think Pau and Winston are the only Highschool sweethearts na nagkatuluyan talaga.

"Hoy huwag kayo maingay, naiistorbo natin ang katahimikan sa pagitan ng mga doktor." Pagsasaway ni Wendell sa kanila at lahat sila napatingin kay Therese at kay BM na tahimik na kumakain.

"Bakit?" Walang muwang na tanong ni Therese.

"Ano feeling ng silent treatment?" Tanong ni Yuri sa kanila. Si Yuri ang ngayon lang nagsalita, mukhang nagsisimula nang makihalubilo.

"Malay ko, tanong mo kay Clarkson." Sagot nito.

Si Clarkson, ang nangingibabaw na gwapo sa mga magkaklase na kasalukuyang kumkain ng lumpia ay nagkaroon ng violent reaction sa mukha. "Seriously? Kakarating ko lang, parang awa n'yo na huwag n'yo akong gisahin, for the record...Clarkson pa din ba ang tawag n'yo sa akin?"

Napaawang ang mga kaklase n'ya at napatayo sila Wendell, Henry, Yuri at BM para iwelcome si Clarkson. Kakarating n'ya lang talaga. Hindi ko rin napansin ang presensya n'ya. Naka suit and tie pa s'ya may hawak na box. Hindi ko man narinig ang usapan nila pero mukhang hinahanap ni Clarkson si Pauline. Pauline came with Winston.

"Ted!" Bulalas ni Pauline sabay yakap kay Clarkson.

"Finally, someone remember my name." Nakanguso nitong sabi na ikinatawa ng mga kaklase.

Subway of Cyberspace  (a love beyond internet) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon