10

3 0 0
                                    

Chapter 10

NAKARATING kami sa pinakadulo ng mall at guess what?! Isang tindahan ng mga CD, vinyls at cassette tapes ang pinuntahan namin. Tindahan din yon ng mga acoustic guitars. Teka ano?!

"Try mo ito muna. Paramore." Ipinakita n'ya sa akin ang Vinyl Record ng album ng AFTERLAUGHTER. Nandito kami sa testing area kung saan pede ka magtesting o magpatugtog ng mga vinyls na open. Swertihan din makahanap ng mga latest kase puro mga 90s at 80s ang nandito.

"Teka, may nakita akong Greenday doon." Sabi ko sa kanya habang inaabot ang inilalahad ng AFTERLAUGHTER vinyl.

"Asan? Asan?" Excited n'yang sabi. Paborito n'ya kase yon.

"Ayun oh." Pagtuturo ko sa isang glass box. Nasa pinakaunahan kase yon.

"For sale naman yan eh. Sige na pakinggan mo muna ito. Maggigitara lang ako don." Sabi n'ya. Tumango naman ako at nakinig. Mukha pa akong tanga habang sumasayaw-sayaw sa tugtugin. Nagtry pa ako actually ng iba kase nagandahan ako tas nung nagsawa ako, pinuntahan ko si Solitaire. Don nakita ko s'ya kausap yung may ari ng store. Tumutugtog s'ya habang nakikipagtawanan.

Ilang sandali akong nagmasid sa ginagawa n'ya. Tumutugtog s'ya ng kanta ng Nirvana yung Lithium, narinig ko na kase iyon minsan. Tumatawa-tawa pa s'ya. Ang ganda n'ya pagmasdan. At anong ginagawa natin sa mga magagandang tanawin? Kinukuhanan natin ng litratro para remembrance. Kaya naman kumuha lang muna ako ng stolen shots bago ako lumapit sa kanya. Napatingin sa akin yung may ari ng store at tinuro ako.

"Girlfriend mo?" Tanong ni kuya. He's probably in the mid 30s. Nakasoot s'ya ng bandshirt ng Metallica at kulay brown ang buhok.

Nagulat si Solitaire at tiningnan ako. I just tilt my head slightly at bahagyang nahihiyang ngumiti. Napatingin uli s'ya sa may-ari saka nahihiyang umiling.

"Nge. Bat di mo kasama yung babae? Sino nga ulit yon?" Tanong ng may-ari.

"Pauline. Girlfriend ng kapatid ko." Sabi n'ya.

"Nung isang araw nagpunta yon dito. Bumili ng album kasama yung kapatid mo yata." Sabi ng may-ari.

Napatigil na si Solitaire sa pag tugtog. "Yung may salamin? Parang palaging may problema sa Pilipinas? Yung maputi na mas gwapo ako?"

Tumawa nama ang may ari. "Parang mas gwapo yata yon sa'yo pero oo. Ngumingiti naman yon ah. Tumatawa nga yon kay Pauline."

Napatawa si Solitaire. They seems close. Siguro madalas dito si Solitaire base sa mga nangyayari. Pinapagamit nga s'ya ng gitara ng may-ari eh. Bawal kaya yon sa tindahan. Parang bawal basahin ang ilang pahina ng libro kung di mo naman bibilhin. Umalis ang may-ari dahil tinawag ito ng isang costumer. Tumayo naman si Solitaire saka pumunta sa akin.

"Tapos ka na? Agad?" Tanong n'ya.

"Oo."

"Teka lang may paparinig muna ako sa'yo." hinila n'ya ako uli doon sa testing area. May hinanap s'ya mula sa mga box saka nagliwanag ang mga mata n'ya nung nakita n'ya ito. Kinuha n'ya ito, pinunasan dahil may konti itong alikabok at saka ipinakita sa akin.

"Charan!!" Sabi n'ya. Binasa ko naman ang nakasulat sa Vinyl.

"Cigarettes after sex?" Tanong ko.

"Oo. Para s'yang The 1975 pero mas peaceful. Maganda s'ya pakinggan bago matulog o habang gumagawa ng school works." Sabi n'ya. "You like Tye 1975 diba?Pakinggan mo."

S'ya mismo ang nagsalang ng Vinyl at maingat n'yang nilagay ito. He carefully put the headphones on my ears and smiled at me. Nakatitig lang s'yang nakatingin sa akin, nag-aantay na sang-ayunan ko s'ya. Ok nama s'ya kaya tumango-tango ako sa harap ni Solitaire tas parang tangang tiningnan ako nito. Well, magugustuhan ko rin naman ito kalaunan kase I remember, it took me 3 repeats to The 1975 on the song Chocolate to fall in love. So I trust this one.

Subway of Cyberspace  (a love beyond internet) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon