Chapter 04
PINAGSISIHAN ko din agad na pumayag ako sa ginawang deal ni Marcy. Kinabukasan kase, aksidente n'yang nabuksan ang cryptex. Sa classroom n'ya ito nabuksan at napasigaw pa nga daw ito sa klase nila sabi ni Mandy. Tuloy napagalitan ito ng teacher at napalabas ng classroom. Susi ang laman ng cryptex na alam n'yang para sa drawer ng mga magulang n'ya.
Ginigisa na nila ako tungkol sa meet up na mangyayari. Halos hindi nila ako tantanan sa katanghaliang tapat, gusto ko lang naman kumain ng maayos sa canteen pero sila ayaw akong tantanan. Nakakaramdam tuloy ako ng kaba kesa gutom. Pano naman kase, Marikina to Makati. Yun ang pagitan naming dalawa.
"Kelan?" tanong ni Marcy.
Tinitigan ko lang si Marcy habang nakabusangot. Napakamot lang ako ng
"Ampanget ng sulat mo Marcy, di ko maunderstand." Singit ni Mandy na nangongopya ng assignment. Nagtatago s'ya sa tabi ni Clyde dahil baka makita daw s'ya ni Mrs. Madrigal na madals pumunta sa canteen para bimili ng twin pack na kape.
"Dami mong reklamo, buti nga pinapakopya ka na eh. Bakit ba naman kaseng niluwal kang bobo sa math?" Halatang napupunyeta na si Marcy sa kanya dahil kanina pa ito singit ng singit habang ginigisa ako. Di lang ako nagsasalita. Si Clyde ayaw din makisali, ayaw talaga namin madamay.
"Aba gusto ko magsabi ng nakakagimbal na word sa'yo. Kala mo naman di nagpapagawa ng essay. Bakit ka din bobo, mga 2x ang lamang sa akin?" Rektang sagot ni Mandy sa kanya. Di naman napipikon si Mandy, gusto n'ya lang talaga ng may pinipikon at magkukunwari s'yang napipikon. Kaya siguro kinaibigan namin s'ya kase naawa kami sa mga binibiktima n'yang mga estudyante aa trashtalkan.
"Dapat di ka muna pinanganak para di ka namin naging kaibigan. Nakakainit ka ng ulo." Napairap na lang si Marcy saka uminom ng malamig na tubig. Huminga s'ya ng malamin senyales na ayaw n'ya na makipagtalo kay Mandy. Palihim na napangiti si Mandy dahil alam n'yang panalo na s'ya. Hindi na s'ya umimik at nagsulat na lang.
Samantala, nagtinginan kami ni Clyde. Alam namin kami na ang susunod na aawayin.
"So ano? Kelan meet up?" Para bang boss na tanong ni Marcy.
"Teka? Bakit ako? Pwede bang si Clyde muna gisahin n'yo? Nilalandi n'ya si Samantha kanina ah." reklamo ko.
"Tsss, anong nilalandi si Samantha?! Si Samantha ang lumalandi sa akin. Baliktad ka gurl." Depensa n'ya. "Isa pa, mas juicy yung usapan na meron ka. Kase magmemeet kayo ng internet love mo."
"Anong internet love ka jan?! Ulol." Sabi ko.
"Ito na nanaman po tayo sa level three. In denial stage." Nagpaparinig na sabi ni Mandy habang nagsusulat. Napatingin ako sa kanya pero hindi s'ya tumingin sa akin.
"Talo ka sa pusta. Kailangan mong tumupad sa usapan." Sabi ni Marcy.
"Eh joke naman iyon eh. Malay ko bang mabubuksan mo agad iyon."
"Iyon na nga eh. Can't you see?! Destiny!"
"Anong Destiny ka d'yan? Laki-laki mo na, stem student kang kupal ka naniniwala ka sa Destiny. Di ba dapat sa agham ka nakasandal?!"
"Tayo gumagawa ng Destiny gaga. At as a common subject, may statistics and probability noon tayo diba? Oh ayan! The probability."
Tumawa naman si Clyde. "Iba talaga pagmatalino ano?"
"Kelan? Sagutin mo." Muling tanong ni Marcy saka kumagat ng hatdog na kanina pa nakatuhog sa tinidor n'ya.
Nag-isip ako ng malalim. Ano naman ang gagawin ko? Lalo lang ako mahuhulog kapag nakita ko s'ya. Bobo pa naman ako sa love. Mabilis mahulog, mahirap bumangon.
BINABASA MO ANG
Subway of Cyberspace (a love beyond internet) ✓
Ficção Geral"Sa Cyberspace mo lang ba ako gusto? Pagdating ba sa reality, strangers na tayo?" Patricia Leigh Legazpi went back here sa utang na loob n'ya kay Taramia. Wala sa plano n'ya ang makita ulit ang taong made her confused despite of being sure. The man...