35

0 0 0
                                    

Chapter 35

TOGETHER, we spent so much time again. May mga araw na nagugulat ako, nasa labas na s'ya ng bahay kahit na alas otso na ng gabi. Kung paano s'ya nakakapasok sa village? Tita n'ya lang naman ang president ng home-owner association kaya may access. Dito nakatira ang pamilya ni JM at ngayon ko lang ito nalaman.

Minsan nag momovie marathon kami. Halos dito na s'ya tumira sa bahay. Gusto n'ya daw ako laging nakikita. Minsan, dinadala n'ya ang mga papers n'ya at sabay kaming nagtatrabaho. S'ya na ang paborito kong umaga.

Gigising ako sa umaga na s'ya ang una kong makikita o gigising ako sa umaga na wala s'ya sa tabi ko, nasa kusina s'ya nagluluto. Solitaire really holding on on his word.

We often dance. Sinasabayan namin ang paborito naming kanta. Kung minsan naggigitara lang kami. Most of the time, magkatabing natutulog. Umattend kami ng practice. Pero hindi kami sabay na dumating, umuuwi pa kase s'ya.

1 week before the summer fest, Jeremy and Lara got married and exclusive only to family and friends. Isang simpleng church wedding ang nangyari at ang reception, sa isang resort. Pareho kaming umattend dahil kapag hindi daw kami umattend, iiyak daw s'ya. May binabalak na after party ang banda para kay Jeremy, isang pool party pero mukhang hindi na yata ako makakaattend dahil sa next month ito mangyari pagkatapos ng honeymoon.

Taramia was there, Gwen didn't attend the wedding at alam ko na kung bakit. Potchi and Nisha was found on the sponsor na tinatawanan namin dahil pinaparinggan ni Nisha ng kasal kahit na nagbibiro lang ito at nagpapawis si Potchi. Nagbubulungan lang kami ni Solitaire habang kumakain. Finally, Lara and Jeremy went on our table.

"Solitaire!" Bati ni Jeremy saka ito niyakap.

"Congratulations, bro." Bati ni Solitaire.

"Thank you bro and thank you sa pagsalo sa akin. You're a great bassist, I hope you know that." Sabi pa ni Jeremy.

"Jeremy, pakisabi naman doon sa bridesmaid yung number, ko oh." Sabat ni Dash.

"Gago Dash di ka na nahiya. Yung babae pa talaga sasamba saiyo kahit ikaw yung may type." Natawa kami sa sinabi ni Kyle.

"Syempre." Mayabang na sabi pa ni Dash saka malawak na ngumiti.

"Hay nako, sana sa susunod ikaw na ang sunod na ikasal." Lara joked.

Ginapangan naman ng pangmaba ang takot sa commitment na si Dash. Nagtawana kami.

"Huwag kang magbibiro ng ganyan." Natatakot na sabi ni Dash na lalo tuloy naming ikinatawa.

Solitaire got up dahil inapproach ng isnag bisita ni Jeremy. Mukhang may nakilala yata. Kinalabit naman ako ni Taramia.

"You're on some healthy weight sa totoo lang." Nakangiti nitong bati.

"Hindi na ako magtataka. Solitaire is always on your house." Dagdag pa n'ya.

Namula ako. "Y-yeah. He's good cook."

Tumango-tango si Taramia. "Kaya pala puro pagkain ang laman ng IG Story mo. S'ya pala ang nagluluto."

Napatawa ako.

Taramia look both side and started to compose herself. Bigla rin s'yang nagseryoso ng tono ng pananalita. "Your brother is already fix your flight. Prankahin na kita, your flight is 2 hours after the summer fest. Patricia, you made a promise."

Nawala ang kasiyahan na nararamdaman ko. The contract in California is also the gate for the kuya's corporation to rise. Tatalong gabi ko itong pinag-isipan at ayokong maging makasarili. Pangarap ko din na magtrabaho doon. Pasalamat na ako sa kuya ko na may mahabang pasensya sa akin. Ang kailangan ko lang ay tumupad sa usapan at magiging maayos ang lahat.

Subway of Cyberspace  (a love beyond internet) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon