Chapter 28
HE'S EYES slightly becomes big and his stunned for a moment. So I pass at him. Nung dinaanan ko s'ya, saka pa lang s'ya nagkaroon ng consciousness.
"T-thank you..."
In-on ko yung TV para manood ng update. I went to the news channel and saw the low pressure starts to get strong at inaabisuhan ang lahat sa possibleng pinsala na dadalhin ng low pressure.
Saka ako dumiretso sa kusina para maghanda ng pagkain. Sanay akong "pagkaing kalabaw"—ang sabi ni Taramia, ang ang kinakain ko kapag magisa ako. Ngayong may kasama ako, kailangan kong magluto. Ayun ang problema, puro ako salad kase hindi ako marunong magluto ng pangmalakasang ulam. Gisang gulay lang ok na ako. Tuloy, nagkakamot ako sa harap ng ref kung ano pwede ang ulam.
Napansin yata ni Solitaire na I'm having trouble choosing something inside the fridge matapos kong magsalang sa rice cooker kaya sinitsitan ako.
"Ako na." Sabi n'ya.
"Hindi pinagluluto ang bisita." Walang ganang sabi ko sa kanya.
"So Kyle isn't a bisita?"
Napatingin ako sa kanya and I caught him staring at me, patay malisya, walang muwang na titig. Bago pa ako magexplain na tatalunin n'ya rin naman ng isang tanong, umalis ako sa kusina at hinyaan s'ya magluto.
Pumunta ako sa taas saka kumuha ng oversized na pajama para ibigay sa kanya. Sabihin n'ya man o hindi, I saw his pants. Basa ito. I can still differentiate wet and dry on black pants. Inayos ko din ang isang kwarto para sa kanya. Pinalitan ko yung punda dahil amoy pa ni Taramia ang nandoon. I don't mind changing the bedsheets. Nakakapagod maglaba ng sapin, malinis pa naman at mabango.
Tinago ko din sa cabinet ang mga pambabaeng gamit na minsang ginagamit ni Taramia. Ang mga half-empty na basket na naglalaman ng labahan n'ya at inilagay ko sa kung saan na hindi makikita. Nilinis ko ang kwarto, nagvacuum pa ako at kumuha ng isag libro mula sa kwarto dahil baka gusto n'yang magbasa pampaantok. Medyo natagal din ako sa taas at pagbaba ko, nag-aayos na s'ya ng lamesa. Bitbit ko yung pajama saka inabot sa kanya.
"Your pants are wet." Sabi ko.
Iginilid n'ya iyon saka inaya ako umupo para kumain. Since hindi naman malaki ang lamesa ko, I really have a close contact to him. Nagluto s'ya ng tinola. Medyo naglalaway ako at napapalunok dahil ito yata ang pangalawang pagkakataon na makakakain ako sa bahay mismo ng luto ng iba. I start to dig in. Iniiwasan kong pumikit sa sarap ng tinola kasama pa ng malamig na panahon. PERFECT.
"Kamusta si Winston? Maayos na nakauwi?" Pagbabasag ko ng katahimikan na namumutawi sa lamesa.
Napaangat s'ya ng tingin at kalaunan at bumalik din sa pagkain. "Ok naman."
"Nasaan daw si Dash nung tawagan mo?" Sunod kong tanong, pinapanalangin na sana mas mahaba at may karugtong na open space para sa pag-uusap ang sagot n'ya.
"Nandoon sa kanila." Sagot n'ya.
Mission Failed. Puro tapos ang dagot n'ya. Mukhang ayaw n'ya yata ng "conversation". Ok fine. Edi wag.
Alam ko naman na sinubukan n'yang kontakin si Dash para magpahatid dahil may motor ito. Knowing Dash, hindi iyon makikilagsapalaran sa ulan. Hindi baleng mastranded yan sa bar ng isang taon, basta hindi iyan babyahe pauwi ng umuulan.
"How's Dash?" Out of nowhere bigla n'yang tanong.
Napaangat ako ng tingin at napatigil sa pag nguya. Ganon din s'ya. Nagsukatan kami ng tingin—s'ya na inaantay akong sumagot at ako hindi alam ang tanong. How's Dash? Lumaki ba akong kasama si Dash? Anak ko ba si Dash? Bakit n'ya tinatanong si Dash sa akin?
BINABASA MO ANG
Subway of Cyberspace (a love beyond internet) ✓
Fiction générale"Sa Cyberspace mo lang ba ako gusto? Pagdating ba sa reality, strangers na tayo?" Patricia Leigh Legazpi went back here sa utang na loob n'ya kay Taramia. Wala sa plano n'ya ang makita ulit ang taong made her confused despite of being sure. The man...