Chapter 26
KINAGABIHAN, nag-iinit ako ng tubig para tunawin ang cocoa balls. Hindi na kase healthy ang magkape ngayong oras lalo pa't bukas ay may gagawin ako.
Nakarinig ako ng pagpihit ng sedura ng pinto. Sunod ay ang tunog ng pagsara nito at tunog ng pinaglalaruang susi naman sa kamay. Sinundan pa iyon ng mga tunog ng naglalakad na sapatos. Kumuha ako ng isa pang tasa at nilagyan ito ng cocoa ball saka sinalinan ng mainit.
"Kokwa ba 'yan?"
Napatingin ako sa kanya na mukhang hindi pa nagpapalit ng damit.
"Amoy ko 'yon. Amoy tsokolate ako." Pabalang kong sagot.
"Neknek mo." Tumawa s'ya saka nilagay ang maong na jacket sa may upuan at saka kinuha ang isang tasa kahit na hindi ko naman inaalok sa kanya.
Nauna akong naglakad papunta sa labas para maupo at mag star gazing habang umiinom ng mainit na tsokolate. Pampawala lang ng pagod at pampagaan ng pakiramdam. Lumabas ako ng gate at saka umupo sa side walk na para bang wala akong kapitbahay sa village. Sumunod naman si Taramia saka umupo sa tabi ko. Sumimsim s'ya saka pinagdikit ang mga tuhod n'ya bago ibaba ang tasa.
"Kung pumunta ka dito para i-"told you so" ako or may pinapasabing additional na sermon ang kuya ko, umuwi ka na." Paninimula ko ng usapan.
"Gagi, syempre hindi. Tama na yung isang sermon lang sa isang araw." Sagot n'ya saka Sumimsim ulit ng mainit na tsokolate. "Naka shorts ka lang tas wala ka pang tsinelas, ano ka maghahabol ng taho?"
Tiningnan ko s'ya saka tinawanan. Kinuha ko ang tasa, hinipan saka sumimsim bago nagsalita. "Anong ginagawa mo dito?"
"Gusto ko lang ng kausap. Pinapalayas mo na yata ako." Sagot n'ya.
"Bakit ba kase ganon. May bahay ka na, lagi ka nandito sa akin."
"Galit ka ba? Hindi naman kita napipirwisyo."
Hindi ako sumagot.
"Hindi kagaya mo, hindi ako sanay na nag-iisa. Hindi ko sinanay ang sarili ko gaya ng ginawa mo sa sarili mo."
Tiningnan ko s'ya ng masama na ikinatawa n'ya.
"Arte mo." Pang-aasar ko.
Tumawa s'ya muli.
"Kamusta yung trip sa Nashville?" Pagbabago ko ng usapan.
Nagsimula na s'yang mag rant. "Badtrip. Ganon pala talaga yung dinadanas mo doon? Gago yung trabaho ni Tyler, tuwang-tuwa pa ang hayop sa dami ng papeles sa lamesa n'ya. Si Joshua gusto na din umuwi ng Pilipinas dahil sa pagod sa corp. Nahihirapan s'ya i-blueprint yung gawa mo lalo't wala ka doon hindi ka matanong agad. Pag inemail ka naman, ang tagal sumagot. Buti pa si Joseph, paluto-luto lang may pera na. Pambihira!"
"Iyaaaaan, kaya nga tinanggap ko yung offer mo sa banda."
"Gago ka. Hindi mo ako binigyan ng caution. Ingat na ingat ako sa trabaho ko doon." Dagdag n'ya na ikinatawa ko. "Hirap mag-adjust ng malaki."
"So, mag stay ka doon? Balita ko nag-offer si kuya ng position for you."
"Ah, ayaw. Kukunin ko yung dairy farm ng pamilya ko."
"Tapos?"
"Nakausap ko na si Paulo, kami na supplier ng Magayon Resto sa apat na branch. Bukod sa supplying sa market syempre."
"Ayos na kayo ng parents mo?"
Muli s'yang sumimsim ng iniinom n'ya. "Oo naman. Ako lang naman yung hindi nila naiintindihan. At the end of the day, babalik ako sa kanila. Magulang ko sila. Naiintindihan ko sila. Sila nagbigay ng buhay sa akin."
BINABASA MO ANG
Subway of Cyberspace (a love beyond internet) ✓
General Fiction"Sa Cyberspace mo lang ba ako gusto? Pagdating ba sa reality, strangers na tayo?" Patricia Leigh Legazpi went back here sa utang na loob n'ya kay Taramia. Wala sa plano n'ya ang makita ulit ang taong made her confused despite of being sure. The man...