Chapter 06
ISANG mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ko. Nasa kaliwa ko si Mandy na yinuyugyog si Marcy dahil natalo ito sa laro n'ya. Si Marcy naman ay nagmamakaawa na itigil na ang pagyugyog sa kanya dahil sa kanina pa ito. Si Clyde naman sa kanan ko ay kumakain ng chips habang nagscroll sa social media at naghahanap ng memes.Ito na nga ba ang sinasabi na kapag movie marathon, itago ang mga cellphone. Ako lang ang nanonood ng movie dahil kahit si Marcy nagseselpon din, nakatambay sa twitter nakikichismiss sa issue ng isang vlogger. Kakatapos lang ng test namin. Next week, panibagong quarter at last quarter na para sa amin tapos graduation na ganon. Sila nag-aya na magmovie marathon sa bahay, sila naman ang hindi nanonood. Ano ba naman 'yan.
Dahil sa inis, pinatay ko na lang yung TV at tiningnan sila. Unang nakatunog si Marcy. Siniko nito si Mandy na napatingin sa kanya saka naman ako tiningnan ni Marcy dahilan para mapatingin si Mandy. Si Mandy naman ay sinitsitan si Clyde. Nung maagaw n'ya ang atensyon ni Clyde ay inginuso n'ya ako. Ngayon silang tatlo ay nakatingin na sa akin.
"Ano? Titingin-tingin kayo d'yan?!" Walang ganang tanong ko.
"Eh sorry na kung di kami nanonood. Ang panget naman kase ng napili mong movie." Reklamo ni Mandy saka nagkamot ng batok.
"Daming reklamo isa ka rin naman na di nanonood ah." Singit ni Marcy bago pa ako makapag salita sa sinabi ni Mandy.
"Anong isa rin ako?" Tanong ko.
"Hindi ka rin naman na nonood ah."
"Excuse me nanonood ako."
"May nanonood bang nakatingin sa lapag?! Asan yung tv, nasa sahig?! Ayyyy wag mo akong papagalitan, ilalaglag kita. Sasabihin ko yun." Mataray n'yang sabi.
"Ang alin?" Tanong ni Clyde.
Alam mo, nagtataka ako kung bakit ko ba s'ya kaibigan eh. Silang lahat! Kung bakit ko sila kaibigan.
"Di pa rin nakakamove on si Patricia sa "muntikan nang pagkikita" nila ni baraha. Arte ng gaga." Marcy smirked after that.
Natawa lang si Mandy at Clyde. "Parang di namin alam eh."
Nagtawanan naman silang tatlo.
"Tamo, masakit loob mo na di mo nakita yung tao tas ibubuntong mo sa amin. Hoi! Ano na dzai?! Ilang buwan na yon?" Si Clyde na ang nang-aasar sa akin.
Napa-upo lang ao habang pinagmamasdan silang tawanan ako. Wala na nacorner na nila ako eh, ano pa ba ang magagawa ko?!
"Anong oras na ba?" Tanong ni Mandy.
Inamoy ni Clyde si Marcy. "Ala una na."
"Hoy parang aso naman, wala akong amoy." Dipensa ni Marcy.
"Sa pisikal wala, sa kaluluwa meron." Lalo pa tuloy nagtawanan sila.
"Tara, Makati tayo. May pass ako ngayon. Kain din tayo don sa bagong open na unli-chiken wings doon." Pag-aanyaya ni Mandy.
Agad silang nagsitayuan at saka napatingin sa akin na di bumabangon.
"Anong arte yan? Gaga, mandatory ang pagsama mo." Sabi ni Marcy.
"Ganyan soot n'yo?!" Tanong ko.
Si Clyde, naka shorts at 3/4 sleeves shirt na walang matinong desisyon sa buhay pero dahil maputi s'ya, bagay sa kanya. Si Marcy naman naka jumpsuit na abot hanggang talampakan ang haba. Si Mandy lang ang naka jeans at top na halatang lalayas.
"Oo." Sabay-sabay nilang sagot.
"Eh naman kase-" bago pa ako makapagreklamo hinila nila ako dahilan para makabangon ako agad. Si Mandy, nagbungkal ng damitan ko saka pinabihis ako ng jagger pants at saka crop big-shirt. Inayos nila ang buhok ko into pucca style. Hindi kami nagpaalam, tinakas nila ako sa bahay.
BINABASA MO ANG
Subway of Cyberspace (a love beyond internet) ✓
Ficción General"Sa Cyberspace mo lang ba ako gusto? Pagdating ba sa reality, strangers na tayo?" Patricia Leigh Legazpi went back here sa utang na loob n'ya kay Taramia. Wala sa plano n'ya ang makita ulit ang taong made her confused despite of being sure. The man...