Chapter 34
KINABUKASAN hindi s'ya nakaattend ng practice dahil sa pag-aasikaso sa personal matters n'ya like sa doctorate degree n'ya at sa school na tinatrabahuhan n'ya.What we did is, Dash played the bass and Gwen played rhythm while singing. Yun na din ang last practice this week dahil magkakaroon ng party para sa nalalapit na kasal ni Jeremy. Inasikaso ko din ang trabaho ko bilang arkitekto at gumagawa na ng ilang designs habang nasa mood ako magdrawing para pagbalik ko, may ipapakita ako kay kuya. Ilang araw na din ang lumipas pagtapos ng gabing iyon.
Oo nga pala...babalik ako.
Naging malinaw na sa amin ni Solitaire at I gave him the chance to prove himself. Madaming nangyari eh.
People realize things. When they did, they change. When they change, they grew up.
Sa busy ng araw ko, nakalimutan kong bilang na ang araw ko sa Pinas at babalik na ako sa ibang bansa. Walang kasiguraduhan kung kelan naman ako babalik sa Pinas.
Umiling na lang ako at iwinaksi ang idea sa isipan. Tinuon ko ang isip ko sa gawain. Ang importante, napatawad ko na si Solitaire sa kung ano man ang nagawa n'ya at napatawad ko na ang sarili ko sa kung gaano ako katanga noon. bagong simula na ang tinatahak namin.
Totoo ang sinabi ni Clyde.Hindi totoo ang internet love. Maraming mukha ang tao sa social media. Madaling magkunwari. Masyadong nakakasuka ang mga kasinungalingan sa social media. Nagkalat ang manipulative sadboi o anu pa. Walang napapatunayan hanggang hindi kayo nagmemeet. Anumang pag-ibig sa cyberspace ay walang kaiguraduhan. Kaya susubukan namin sa totoong mundo.
Wala nang bakod ng wifi at social media.
Nagliligpit na ako ng mga gamit ko nung biglang mag ring ang cellphone ko. It was an unregistered number kaya nag-alinlangan ako ng ilang segundo bago ko sinagot.
"Hello." Bati ko.
"Hi, this is Solitaire." Halatang kakagising n'ya pa lang dahil sa boses n'ya.
"How did you get my number?" Tanong ko.
"Pasensya na, hiningi ko kay Dash."
"What do you want?" Saad ko saka sumalampak sa kama.
"Are you free today? Lunch sana."
Napahinto ako. Ilang araw matapos ang nangyari nung gabing iyon, walang palya ang pagbabago n'ya. Binabawi n'ya bdaw ang six years at hindi sinasayang ang pangalawang pagkakataon. Nagkausap sila ni Clyde at nagkaayos kahit wala namang gulo sa pagitan nila. Maya't-maya din ang chat n'ya. Alam kong busy s'ya sa pagaasikaso n'ya at kakaenroll n'ya lang uli. May tinapos din s'ya sa tungkol sa opisina n'ya sa school kung saan s'ya nagtuturo. Busy s'ya pero binibigyan n'ya ako ng oras kahit hindi naman ako nanghihingi.
"Pwede ba tumanggi? I have some laundry to do. Natambak masyado eh." Sabi ko sa nanghihinayang na boses. Gusto ko lumabas kasama s'ya kahit na alam kong hindi sikat ang banda, papaulanan ako ng flash ng camera at wala akong pakealam doon.
"Is that so?" Malungkot n'yang sabi.
Para naman akong nakonsensya kaya pilit kong inaangat ang masamang hangin sa pagitan ng linya. "Magpahinga ka na lang muna, pagod ka galing sa enrollment diba?"
"That's a great idea. Di bale, sa susunod na lang tayo kumain sa labas." Bakas na sa tono n'ya na kahit papaano ay masaya s'ya.
"Ok, babye na muna." Ako na ang unang nag hang up. I save his number with the nickname Sol.
Napangiti ako at saka bumangon para maglaba. Kanina pa ako nagbabad ng mga damit nakailangan ng mano-manong kusot dahil sa tela nito. Pagbaba ko, umiikot pa ang washing machine at mukhang malapit ng matapos. Nagkusot lang ako at saka kalaunan nagbanlaw.
BINABASA MO ANG
Subway of Cyberspace (a love beyond internet) ✓
Ficción General"Sa Cyberspace mo lang ba ako gusto? Pagdating ba sa reality, strangers na tayo?" Patricia Leigh Legazpi went back here sa utang na loob n'ya kay Taramia. Wala sa plano n'ya ang makita ulit ang taong made her confused despite of being sure. The man...