33

2 0 0
                                    

Chapter 33

HINDI ako nagtagal sa apartment ni Clyde, umalis din naman ako agad bago magdilim. Nagdrive lang ako papunta sa kung saan malibang ko lang ang sarili ko. Ilang beses akong naipit sa traffic pero hindi ko rin feel kase okupado ng mga sinabi ni Clyde ang isipan ko.

Sinabi na sa akin ni Clyde at Pauline yung nangyari nung wala ako. Pero gusto ko galing naman sa kanya. Pero hindi n'ya kase sinasabi. Siguro natatakot s'ya na pagbuntungan ko na naman ng galit, sisihin ko na naman at sigawan o sumbatan. Natatakot s'yang hindi ko pakinggan.

Saka ko rin naisip, buong 5 years ago ng buhay ko, pinakikinggan n'ya ako. Sa aming dalawa ako ang palakwento. Nagawa n'ya akong pakinggan kahit pagod s'ya. Kahit na hindi ko sigurado ang lahat dahil hindi naman kami "totoo". Nasa pekeng mundo kami, naghahanap ng tunay na comfort.

Ngayon ako naman ang kailangan na makinig.

Naisipan kong mag stop muna sa isang grocery mart dahil bigla akong nauhaw sa dami ng kinain kong chocolate ice cream. May mga nakakakilala at nginingitian ako na nginitian ko pabalik. Tubig lang ang kailangan ko dahil nauuhaw ako pero mukhang nakaramdam ako ng ibang klaseng uhaw ng makita ko kung sino ang namimili ng cat foods habang nagcellphone. Nauhaw ako bigla sa information.

Walang alinlangang akong lumapit sa kanya at tiningnan n'ya akong mabuti, sinusuri at parang prinoproseso ang mukha ko. Alam kong hindi n'ya ako kilala. Syempre naman hindi.

"Uhm...hello." sabi ko.

"Ow, you're the drummer of the band Solitaire is currently in to." Nakangiti n'yang sabi.

Nilahad n'ya ang kamay n'ya sa akin na tinanggap ko naman para magshake hands. "I'm Pia."

I know. "I'm Pau."

Napatawa s'ya. "Anything I can do for you?"

Nginitian ko s'ya. "Actually, there are some things I wanna ask."

"WOAH! That's so many years ago. I have a fiancé now." Sagot n'ya nung kinukwento ko sa kanya na solitaire and I are internet friends at naikwento sa akin ni Solitaire s'ya at tinatanong ko kung sila pa ba.

"Do you mind if I ask, what kind of Solitaire do you know?" Tanong ko.

Lumakad s'ya pa unahan ng isang hakbang at ganon din ako. Nasa hulihan kami ng medyo mahabang pila sa counter. "We'll, he likes girls. Nung kami pa sweet naman s'ya that later change like the last month of of our relationship. He become suddenly so honest."

Tiningnan ko s'ya ng patanong dahil hindi ko naintindihan ang sinabi n'ya na sinagot n'ya naman din.

"Alam mo kase, wayback first year yata, dati kapag sinabi mong gusto mo s'ya, like even if you meant it half-heartedly and show it to him, he'll say yes if you ask him for a date even he's still confuse to his feelings about you. He can't say no to someone who likes him. Kase nga, he likes girls attention pero alam n'ya sa sarili n'ya na hindi n'ya naman gusto yung tao. Pero alam mo naman tayong mga girls, when a guys responded to the signal we are sending, iisipin natin na gusto din nila tayo even though we don't know if he mean it. He's more looks like a player kahit na nakikita n'ya yung ginagawa n'ya as an act of kindness."

Napatango naman ako. Wow, he's really was a jerk.

"That's why we broke up in the first place," she smiled at me, "Even though we're on a relationship, there's someone already occupying a room on his heart meant to someone he likes...like really like."

"Pero nagkabalikan kayo diba?" giit ko.

"Wala akong binalikan. Pinapasok n'ya lang ako sa buhay n'ya kahit na...parang bang... hindi naman ako welcome. Ako ang bumalik. Wala naman s'yang feelings sa akin. Which I understand." walang alinlangan n'yang sagot na parang ok lang sa kanyang sabihin na tanga s'ya.

Subway of Cyberspace  (a love beyond internet) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon