27

0 0 0
                                    

Chapter 27

HABANG inaantay namin si Solitaire na dumating, kinuha na ni Dash at Kylie ang gamit nila. I also have a conversation with Potchi about Gwen coming in (again) on the band. Potchi told me she's on her way too. I met her once and she's nice. She's a whole alter ego of Taramia probably because they used to hang out often.

Hindi nagtagal iyon at dumating si Gwen. I hug her and the boys got fist bomb with her. Now, she's wearing black shirt and a jeans. She's wearing her usual smile, the smile like she knows all of your sins. Umupo s'ya sa tabi sa may sofa saka tinapik si Kyle sa ulo.

"Sabi ko sasabay ako sa'yo, gago ka." Naiinis at nanggigil na sabi ni Gwen.

Napakamot naman ang kawawang si Klye at saka ibinaba ang binabasa nito. "Tamad tamad mo talaga mag drive. Kelan ka pa dumating?"

"Nung isang araw lang."

"Pasalubong?" Malambing na sabi ni Dash.

"Nasa kotse, mamaya na."

Ang dalawang timang nagkislapan ang mata at saka si Dash parang batang first time makakatanggap ng regalo.

"Si Jeremy, nasaan?" Tanong n'ya.

"Ikakasal na si Jeremy. Hindi ka ba kinukwentuhan ni Manager?" Walang muwang na sabi ni Dash.

"Luh, seryoso?" Hindi makapaniwala si Gwen at natatawa pa ng konti.

"Oo, kaya may palit muna sa bass for summer fest." Sabi ni Kyle na hinahanap ang bookmark na nahulog yata.

"Sino?"

"Si Solitaire." Sagot ko.

Napatingin sa akin si Gwen. "Weh?"

Tumango ako. "Kilala ni Potchi. Ayon, nirecommend."

Nakangising nilubayan ako ng tingin ni Gwen. Alam n'ya din ang kwento. Sa iisang eskwelahan lang naman sila nagtapos eh. Ano pa ba aasahan?

Nagkuwentuhan pa kami hanggang sa dumating si Solitaire. Nagkatinginan kami na agad din nabawi ng paningin ko. Hindi muna kami nagsimula. Tinamad na magasikaso dahil alanganin na, kaya ang ginawa, nagluto na lang muna kami tapos after lunch kami mag-finalize ng ipe-perform. Dahil si Kyle ang magaling magluto, s'ya ang nasa kusina. Balak sana namin tulungan kaso maglalaro lang daw kami at baka mabato n'ya ng kutsilyo si Dash kaya dapat daw bwelo s'ya sa kusina at sa sala kaming lahat. Edi habang nag-iintay nagkuwentuhan muli muna kami. Nagkaroon ng pormal na pagkikilala sila Solitaire at si Gwen. Nagbrowse lang ako ng cellphone para iwasan ang mga titig ni Solitaire.

"Anong instrument tinutugtog mo?" Tanong ni Sol kay Gwen.

"Ah, ako yung bokalista." Nakangiti n'yang sabi.

"Ha?" Naguguluhang tanong ni Solitaire.

"8 months akong missing in action at naka semi-hiatus ang band kase naginternship ako sa kagustuhan na din ng magulang ko. Tumatanggap ng small gig pero si Kyle ang bokalista." Paliwanag n'ya.

Tumango-tango si Solitaire. "Sa summer fest, ikaw ulit?"

Umoo si Gwen.

"Hindi ka ba familiar sa band namin?" Tanong ni Dash.

"Hindi pero heard about your band."

"Ano pangalan ng banda namin?"

Hindi nagsalita si Solitaire.

"Maximum," Napatingin sa akin si Solitaire, "Pangalan ng band nila, Maximum."

"Nila? Edi ba part ka ng band?" Tanong ni Sol.

Subway of Cyberspace  (a love beyond internet) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon