Chapter 38
Solitaire Ponce
"BAKIT ka naman pumasok?"
Napatingin ako sa likuran ko. Pia was standing beside the door with her hands place on her hips and looking at me sharply.
Napahilot lang ako ng sentido ko bago s'ya ringnan. "Kailangan ako ng mga estudyante ko."
Naglakad s'ya papalapit sa akin. The sound of her heels was wrapping my classroom. Kakaalis lang ng mga estudyante kaya malakas ang loob n'yang punamewang sa harap ko.
"Graduation mo bukas. Alam mo naman siguro yung pamahiin ng mga graduating students." Pagpapaalala n'ya sa akin.
"Edi kung mamatay, mamatay." Akmang tatayo na sana ako nung bigla n'yang ibaba sa lamesa ko ng pagkalakas-lakas ang spare key sa apartment ko.
"Sinusoli ko na." Sabi n'ya.
Tahimik ko itong kinuha saka nilagay sa bulsa ko. Akala ko aalis na s'ya, hindi pa pala. Tinaasan n'ya ako ng kilay ngayon.
"Ano?" Tanong ko.
"When was the last time you take care of yourself?" Mataray n'yang tanong.
"Naligo ako." Sagot ko.
"You didn't shave your mustache. Magkakabalbas ka na. May balak ka bang mag-ermitanyo? Ang itim ng ilalim ng mata mo, matulog ka nga ng maaga mamaya. Huwag mo sabihing haharap ka sa graduation mo na mukha kang pasyente kahit doctor ka na ng philosophy." She rolled her eyes and look somewhere else. Tiningnan n'ya ako saka pinaglaruan ang susi sa mga kamay n'ya.
"Tara, ako na maghahatid sa'yo." Sabi pa n'ya.
"I can drive. I have my car."
"I'm sorry but Winston took your car. Naisahan ka ng kapatid mo. May kopya ng susi ng kotse mo." Nakangisi na s'ya ngayon at saka ako tiningnan maigi, "Wala kang magagawa."
"Magcommute. Choice din iyon."
Umirap s'ya. "Paano kung masaksak ka? Like manakawan ka tas manlaban ka tas masaksak ka at mapatay ka? O mahagip ng rumaragasang sasakyan? Matalisod at mabagok ang ulo? Mahulog sa riles ng tren?"
"Ang OA mo. Kung mananakawan man ako, wala na silang makukuha. I lost everything two years ago."
Nararamdaman kong nanggigigil na s'ya. "Hindi feelings ang binibili ng bigas. Halika na nga bago pa kita kaladkarin."
Sa huli, sumuko din ako. Sumakay ako sa kotse ni Pia. Buong byahe, nasa tingin lang ako sa labas.
Two years ago after that incident, she deleted her accounts. Hindi man lang s'ya tumawag. Nawalan ako ng connection sa kanya. Seven months after, I saw a photo of her and his kuya holding with the partnership she's talking about. Her tummy is flat.
She really got an abortion.
Everything change. Si Winston na mismo ang sumundo sa akin sa apartment ko at pinalipat ako sa bahay nila mama. Winston contacted my friends trying to console and cheer me up. Kahit papaano gumaan pero mabigat pa rin. Pia is now occupying my apartment. She went back and told me she had a talk wit Pat two years ago two knowing me. Babalik na rin si Pia sa France. She's a model at nagbakasyon lang sa Pinas. Right now, itinuon ko ang pansin ko sa pag-aalaga ko sa mga magulang ko. They're old kahit pa sabihin na nakakabyahe pa sila gamit ang kotse. Pero ang hirap mag move forward.
Tomorrow is my graduation day. I'll have that Ph.D on my name. Everyone is preparing for that, except me. Nawalan na ako ng gana makatanggap ng award. I don't want it anymore.
BINABASA MO ANG
Subway of Cyberspace (a love beyond internet) ✓
Ficción General"Sa Cyberspace mo lang ba ako gusto? Pagdating ba sa reality, strangers na tayo?" Patricia Leigh Legazpi went back here sa utang na loob n'ya kay Taramia. Wala sa plano n'ya ang makita ulit ang taong made her confused despite of being sure. The man...