Chapter 1

125 6 0
                                    

Glaiza: Kuya!!!!!!!!!!!!!!!

Nailayo agad ni James ang cellphone sa tenga nya dahil sa lakas ng boses ng kapatid nyang si Glaiza. Kung makasigaw ito parang magkatabi lang sila when in fact, nasa Amerika sya at nasa Pilipinas naman si Glaiza.

James: O, anong problema?
Glaiza: I need a new one.

Napatampal si James sa noo nya.

James: Not again, Glaiza. Ano na namang nangyari?
Glaiza: Itong pinadala mong bodyguard, muntik na naman akong manyakin. Nagshoshower lang naman ako sa kwarto ko when all of a sudden, pumasok sya sa banyo. I don't know kung pa'no nya nabuksan but I'm really sure na nilock ko yung banyo.

James: Tapos?
Glaiza: Buti na lang at natakpan ko agad ang mala-dyosa kong katawan dahil kung hindi, hindi ko lang sya ipapadeport, bubulagin ko pa sya. And thanks to Kylie, napatumba nya ang manyakis na yun. Kung pwede lang sana si Kylie na lang ang maging bodyguard ko eh pero may inaasikaso rin syang business.
James: So ang gusto mo padalhan kita ulit ng bodyguard, ganun ba?
Glaiza: Exactly. And please kuya, mamili ka naman sana ng matinong bodyguard dyan oh. Imported pa naman sana ang mga pinapadala mo sa 'king bodyguard, tumataob naman pag nakita na ko. Oo, alam ko na maganda at sexy ako. Para nga akong dyosa diba? But kuya, wala na bang lalaking nabubuhay ngayon na kayang tikisin ang ganda ko?

Napabuntong-hininga na lang si James.

James: Fine, fine. Maghahanap ako dito.
Glaiza: Thanks kuya.
James: Okay.

Binaba na ni Glaiza ang tawag. Maya maya, pumasok ang girlfriend ni James na si Yna. sa office nya.

Yna: Good morning, love.
James: Morning.

Umupo si Yna.

Yna: O, ba't parang nakabusangot yang mukha mo? Di bagay sa gwapo mong mukha.

Napangiti si James sa sinabi ng girlfriend nya.

Yna: There. Mas bagay sayo ang nakangiti eh.
James: Si Glaiza kasi eh.
Yna: What about your sister?
James: She needs a new bodyguard.
Yna: Again? Grabe talaga yang charm ng kapatid mo huh?
James: Ang taas na nga ng kumpiyansa sa sarili eh. Feeling nya, lahat ng lalaki tumataob sa ganda nya.
Yna: You can't blame her kung yan ang maisip nya. Ikaw ba naman muntik ng marape for the 10th time?
James: Di ko na nga alam kung saan pa ko maghahanap ng bodyguard na ipapalit eh. May maisa-suggest ka ba?
Yna: Wala rin eh.

Maya maya, pumasok si Marx sa office ni James.

Yna: Marx, what are you doing here? Ba't parang badtrip ka?
Marx: You knew it, don't you?
Yna: What are you talking about?
Marx: About this arranged marriage! Damn it!

Napaupo si Marx sa couch.

Yna: O, tapos?
Marx: Tapos? Ni wala nga akong girlfriend eh tapos ipapakasal nyo ko sa kung sino sino lang? At sa Ryza pa na yun? I'd rather die than to marry that woman.
Yna: At least ikakasal ka sa isang heiress diba? Okay na yun.
Marx: I don't care if she's an heiress, I don't like her. I'm sure pag kinasal kami, aaraw-arawin ako nun and just by thinking about it, nasusuka na ko.
Yna: Diba yun naman ang gusto mo?
Marx: Yuck! You know naman na ayoko pang makipagcommit diba? Hindi pa ko ready na makulong sa isang relasyon. Girls are clingy especially kapag ako na ang nakikita nila.
Yna: Dyan. Dyan ka magaling. Sa pakikipagflirt sa mga babae.
Marx: What can I do? Sila ang lumalapit sa kin. Pinagbibigyan ko lang sila. But it doesn't mean na kinakama ko na sila, okay? Just........................ kissing. Nothing else.
Yna: I know, Marx. Gusto mong mag-enjoy muna sa pagiging isang single diba?
Marx: Right.
Yna: Ayaw mo ring tumulong sa pagpapalago ng company natin.
Marx: Kaya mo na yan, ate. Kaya nga ikaw ang in-assign nina Mom and Dad na mamahala sa company diba?
Yna: So anong plano mo sa buhay mo?
Marx: Live my life to the fullest. Sabi nga nila, " Life is short, " kaya kailangan mo lang enjoy-in ang buhay mo. Right, ate?

Napangiti si Yna.

Yna: Now, I get it.
Marx: That's my ate. Naiintindihan mo talaga 'ko.
Yna: Now, gets ko na kung bakit gusto nila Mom and Dad na ipakasal ka kay Ryza. And I think I agree with them.
Marx: What?! No!

Agad lumapit si Marx kay Yna.

Marx: Ate..................
Yna: Kahit na ayaw ko sa Ryza na yun para sayo, I don't have a choice. Wala ka rin namang plano sa buhay mo eh. Hayaan mo na lang sina Mom and Dad ang magplano sa buhay mo. They know what's best for you.
Marx: No. Ikaw na rin ang nagsabi diba? Ayaw mo kay Ryza.
Yna: Baka sakaling tumino ka pag naging mag-asawa kayo.
Marx: Hindi ako titino dun. Mababaliw ako sa babaeng yun.
Yna: Wala na kong magagawa dyan, Marx. Final na ang decision nina Mom and Dad.
Marx: I know may magagawa ka pa. Malakas ka kina Mom and Dad eh. I know na mababago mo ang desisyon nila. Please, ate....................

Kulang na lang lumuhod ito sa harap nya.

Marx: Gagawin ko lahat ng gusto mo, just convince Mom and Dad na wag ng ituloy ang arranged marriage na 'to. I don't wanna marry her.

Napatingin si Yna kay James.

James: Ayaw mo bang tulungan ang kapatid mo?
Marx: See? Kahit ang boyfriend mo naaawa sa kin.

Inirapan lang ni Yna si Marx.

Marx: Please, ate.................
Yna: Gagawin mo ang lahat ng gusto ko?

Biglang lumiwanag ang mukha ni Marx.

Marx: Yes. Anything.

Napatingin ulit si Yna kay James at nginitian nya ito.

Yna: I might have a solution to your problem, James.
James: What do you mean?

Napatingin ulit si Yna sa kapatid nya.

( Samantala )

Pumasok si Kylie sa kwarto ni Glaiza.

Glaiza: Come here.

Agad lumapit si Kylie kay Glaiza at niyakap sya agad nito.

Glaiza: Thank you ulit kanina. Buti na lang talaga at nandito ka dahil kung hindi baka kung ano ng nagawa sa 'kin ng lalaking yun.
Kylie: You're always welcome, ate. Okay ka na ba?
Glaiza: Yeah.
Kylie: Ikaw kasi eh. Masyado ka kasing maganda kaya maraming nahuhumaling sayo.
Glaiza: Maganda ka rin naman ah. Mas maganda ka pa nga kaysa sa kin eh.
Kylie: But you're different. Hindi ka lang maganda outside, maganda rin ang inside mo.
Kate: Kahit na minsan natatabunan lang ng pagiging strict mo.

Sabay silang napatingin kay Kate.

Kylie: Halika dito, Kate.

Lumapit si Kate at niyakap nya si Glaiza.

Kate: Pasalamat ang lalaking yun at hindi ko sya naabutan dahil kung hindi, kaming dalawa na ni ate Kylie ang bubugbog dun para sayo.

Napangiti si Glaiza sa sinabi ni Kate.

Glaiza: Thank you. Ang swerte ko talaga sa inyo tsaka si Kuya James. Wala na kong mahihiling pa.

Umupo sa tabi ni Kate si Glaiza.

Kate: How about lovelife? Ayaw mo bang magkaboyfriend?
Glaiza: Saka na siguro yan pag may dumating na or if ever na may dumating man.
Kylie: I'm sure may darating para sayo , ate. Wait ka lang.
Glaiza: Eh kayo? Siguraduhin nyo lang na hindi pa kayo nagboboyfriend huh?
Kylie: Busy ako sa coffee shop ko, ate.
Kate: And busy ako sa studies ko.
Glaiza: Good.
Kate: Teka, diba si Ken? May gusto sayo si Kuya Ken diba, ate Glaiza?
Kylie: Oo nga. Gwapo rin yun eh. Diba nanliligaw yun sayo, ate? May chance ba sya?
Glaiza: Kaibigan ko lang si Ken. Nothing more and nothing less. Sige na, magbibihis na ko. Pupunta na ko sa office, Magprepare na rin kayo. Pupunta ka pa sa coffee shop mo, Kylie. Kate, baka malate ka sa school.
Kylie: Okay, ate.
Kate: Okay, ate.

Kiniss nila sa cheeks si Glaiza bago sila tuluyang lumabas sa kwarto ni Glaiza. Napangiti na lang si Glaiza at bigla syang napaisip.

Glaiza: ( Kailan ka kaya dadating? May nakalaan nga kaya para sa kin? ) Haay.............. saka mo na yan isipin , Glaiza pag andyan na. Sa ngayon, focus ka muna sa mga kapatid mo at sa trabaho mo.

Nagmadali ng nagbihis si Glaiza para makapunta na sya sa office.

( Samantala )

Marx: What?! Gusto nyo kong maging bodyguard ni............. What's her name again? Liza?
Yna: It's Glaiza not Liza.
Marx: Okay, Glaiza. And sister sya ni James. Bakit? Wala bang bodyguard dun sa PIlipinas? Bakit ako? Itong mukhang to? Gagawin nyo lang bodyguard?
Yna: So ayaw mo? Okay madali naman akong kausap eh. Goodluck na lang sa wedding mo with Ryza.
Marx: Ate................
Yna: Take it or leave it.
Marx: Bakit kasi ako? Tsaka bakit kasi kailangan nya ng bodyguard? Nanganganib ba ang buhay nya?
James: Hindi naman sa ganun, Marx. She needs a bodyguard kasi sya ang namamahala sa business namin sa Philippines and ilang beses na rin kasi syang muntik ng mapahamak. Yung mga pinapadala ko naman na bodyguard sa kanya before, nademanda nya lahat at nadeport.
Marx: Woah............... bakit dinemanda nya? Nagnakaw ba?
Yna: Hindi pagnanakaw. Attempted rape, all of them.
Marx: Di nga?! Gaano ba kaganda 'yang Glaiza na yan at lahat na lang ng maging bodyguard nya, pinagtatangkaan sya?

Binigyan ng folder ni James si Marx.

James: Nandyan ang lahat ng information tungkol sa kapatid ko.

Binuklat agad ni Marx ang folder at unang natuon ang pansin nya sa picture nito. Napatingin sya sa mga labi nito.

Marx: ( Kissable lips. )

Napangiti si Marx. Biglang hinampas ng ruler ni Yna si Marx sa noo nito.

Marx: Ouch! What?
Yna: Magfocus ka sa background nya hindi sa mukha. Kahit kailan talaga....................
Marx: Why? Gusto ko lang ang physical features nya, nothing else. Akala ko pa naman sobrang ganda kaya palaging napagtatangkaan. She's just an ordinary girl for me. Nothing special.
James: Hindi ka ba attracted sa kanya? Baka pagdating mo dun sa Pilipinas, madeport ka agad kasi sinunggaban mo agad ang kapatid ko.
Marx: Hindi kayo kay Glaiza dapat na mag-alala, sa akin dapat. Baka pagdating ko dun, sya ang mangrape sa kin. Di sya makatiis dahil........................ ang hot at ang gwapo ng bodyguard nya.

Natawa si Yna sa sinabi ng kapatid nya.

Yna: You don't know her, Marx. Hindi sya yung tipo ng babae na mahuhulog sa isang Marx Saavedra. Masyadong mataas ang standards nya sa lalaking gugustuhin nya that's why hanggang ngayon wala pa rin syang boyfriend.
Marx: Bakit? Ano bang gusto nya sa isang lalaki?
Yna: Gwapo.
Marx: 200% check.
Yna: Mayaman.
Marx: Check.
Yna: Hindi ka mayaman sa paningin nya dahil magiging bodyguard ka nya kaya lalabas na mahirap ka.
Marx: Okay, ano pa?
Yna: Responsable, isang bagay na wala ka.
Marx: Okay. E di hindi ako ang type nya. I'm safe.
James: So................. okay ka na ba dito , Marx? Pumapayag ka na ba na maging bodyguard ni Glaiza?
Marx: Do I have a choice? Kung ito lang ang paraan para hindi matuloy ang arranged marriage na 'to, then I wil do it.
Yna: Good. Be ready dahil after a week, pupunta ka na ng Pilipinas to be Glaiza's new bodyguard. Goodluck.




( To Be Continued )

Right Here Waiting ( MarLaiza )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon