Chapter 11

40 2 0
                                    

Bumangon si Marx and chineck kung sino ang kumakatok.

Kylie: Hello kuya...........

Marx: Uhm........... what are you doing here? Diba dapat nasa baba ka?

Kylie: Ang tagal mo kasing bumaba kuya eh. Si ate? Okay na ba sya?

Tiningnan ni Marx si Glaiza at mahimbing na itong natutulog.

Marx: Wait lang huh?

Nilapitan nya si Glaiza at inayos nya ang pagkakahiga nito. Kinumutan nya ito.

Glaiza: Marx............

Nagsalita ito habang tulog. Napangiti na lang si Marx. Hinaplos nya ang buhok ni Glaiza at hinalikan nya ito sa noo.

Marx: Good night, baby ko.

Lumabas na sya ng kwarto ni Glaiza.

Kylie: You really love my sister, don't you?Marx: Yeah. Masama ang tama ko sa ate mo eh. Just thinking of her.............. napapabilis nya ang tibok ng puso ko.

Napangisi na lang si Marx.

Marx: You think ang corny ko na?Kylie: No. You're just........ in love. Wala ka bang balak sabihin yan kay ate?Marx: Wag na muna siguro ngayon. Saka na. Mag-iipon muna ako ng lakas ng loob para aminin sa kanya ang lahat-lahat. But for now, wag mo munang sabihin sa ate mo huh?Kylie: Sure, kuya.

( Kinabukasan )

Unti-unting minulat ni Glaiza ang mga mata nya at napahawak sya sa ulo nya. Napaupo sya.

Glaiza: Argh!!!!!!! My head.................

Marx: Hangover yan.

Agad napatingin si Glaiza kay Marx.

Glaiza: Marx? What are you doing here?

Agad naman na-conscious si Glaiza sa itsura nya at pasimpleng inayos ang buhok nya. Unti-unting lumapit sa kanya si Marx at inabutan sya nito ng kape.

Marx: Here. Drink this.

Tinanggap naman ni Glaiza ang alok ni Marx na coffee. Umupo si Marx sa kama ni Glaiza. Sumipsip si Glaiza sa coffee.

Glaiza: Thank you pala dito.Marx: You're welcome.Glaiza: Ikaw ba ang naghatid sa kin dito sa kwarto? Kasi ang naaalala ko kagabi, naglalaro pa tayo ng spin bottle nun eh.Marx: Wala kang maalala?Glaiza: Wala na eh. Bakit? Ano bang nangyari after nun?Marx: Like what you said. Hinatid kita dito sa kwarto mo kasi lasing ka na.Glaiza: Wala naman siguro akong ginawang something gross diba? Like pagsusuka?

Uminom ulit si Glaiza ng coffee.

Marx: What you did............... wasn't gross. You just kissed me.

Biglang naibuga ni Glaiza ang iniinom nyang kape at sapul ito sa mukha ni Marx.

Glaiza: Marx!

Agad nilagay ni Glaiza ang coffee sa table na nasa gilid at kumuha agad sya ng tissue. Lumapit sya kay Marx at pinunasan nya ang mukha nito.

Glaiza: Sorry, sorry. Hindi ko sinasadya. Ikaw naman kasi eh. Binigla mo naman ako sa sinabi mo. Now, what I did was really gross. Nabugahan kita ng iniinom kong kape.Marx: Hindi naman ako nandidiri na nabugahan mo ko ng coffee eh. It's fine. Mabango naman ang laway mo.

Biglang natawa si Glaiza sa sinabi ni Marx.

Glaiza: Kadiri ka, alam mo yun?Marx: Do you know that it's like music to my ear kapag naririnig kong tumatawa ka?

Napatingin si Glaiza kay Marx at nakatitig rin ito sa kanya. Agad napaiwas ng tingin si Glaiza at tinuloy nya ang pagpunas sa mukha ni Marx.

Glaiza: A-ano bang pinagsasasabi mo dyan?

Right Here Waiting ( MarLaiza )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon