Chapter 24

52 3 0
                                    

Agad pinasok ni Marx si Glaiza sa backseat ng sasakyan nya. Marahan nya itong hiniga sa likod at nilagay nya ang ulo nito sa hita nya. Inayos nya muna ang buhok nito na tumatabing sa mukha nito para mapagmasdan nya ang maamo nitong mukha. Hinaplos nya ang pisngi nito. May kumawalang luha sa mata nya na tumulo sa mukha ni Glaiza. Agad itong pinahid ni Marx.

Marx: Sorry. Hindi ko sinasadya. Sobrang saya ko lang dahil nakita na ulit kita. Nahawakan ulit kita.

Unti-unti nya itong niyakap. Umiiyak sya habang yakap nya si Glaiza.

Marx: Finally.

Pinagmasdan nyang maigi ang mukha ni Glaiza.

Marx: Ang ganda mo pa rin kahit halatang pagod ka sa trabaho. Pasensya ka na kung pinatulog kita, huh? Galit ka kasi eh.

Hiniga nya ulit ito at pinaunan nya ito sa hita nya.

Ruru: Happy?

Napatingin sya kay Ruru na syang nakaupo sa driver's seat.

Marx: So much. For 3 years, sa cellphone ko lang natititigan ang mukha nya but now.............

Ruru: Halata ngang sobrang saya mo. Well, I'm happy for you.Marx: Thank you.Ruru: Buti di nabasag 'tong salamin ng kotse mo. May konting gasgas nga lang.

Hinubad na ni Marx ang maskarang suot nya.

Marx: It's okay. Ipapaayos ko na lang.Ruru: Isn't she brave? Grabe sya manghampas ng heels eh. Para namang may mamamatay tao sa loob ng sasakyan.Marx: Nagulat din ako. Kailan pa naging ganun ka warfreak si Glaiza?Ruru: Ever since................. you left her?

Bigla namang nalungkot si Marx na agad napansin ni Ruru.

Ruru: Hey, bro. That's not what I meant.Marx: I know and what you said was true. I leave her. Sana hindi ko na lang sya iniwan. Siguro nakasama ko sya ng mas mahaba-habang panahon, di tulad ngayon-------------Ruru: Stop it, Marx. Let's not talk about that.

Hinalungkat ni Marx ang bag ni Glaiza at kinuha ang alcohol. Nilagyan nya ng alcohol ang kamay ni Glaiza.

Ruru: Anong ginagawa mo?Marx: Para matanggal ang bacteria dito. Hinalikan pa naman to ng asungot na yun kanina. 

Hinawakan pa nya ang mukha ng baby ko. Anong karapatan nyang gawin yun huh? As far as I know, hindi sya boyfriend ni Glaiza. And............ napatawa pa nya si Glaiza kanina.

Ruru: Hey........... you're jealous, aren't you?

Marx: At bakit naman hindi? Walang ibang dapat humalik sa kamay nya kundi ako lang. I should be the one na nagpapahid ng luha nya kapag umiiyak sya. At gusto ko ako lang ang makakapagpatawa sa kanya.Ruru: Ang damot mo masyado, alam mo yun? Di naman kayo ni Glaiza eh.Marx: She will be mine..............soon.Ruru: Ikaw ang bahala. By the way, anong plano mo?Marx: Plano?Ruru: Since pinatulog mo sya, saan mo sya dadalhin? Kikidnapin mo ba sya?Marx: And why would I do that? Pinatulog ko lang sya dahil alam kong tatakbuhan nya ko.Ruru: Ahh................. so.................. ano na?

Dahan dahan na binuhat ni Marx si Glaiza at lumabas sila ng sasakyan.

Marx: Hatid ko muna sya sa kwarto nya.Ruru: Sa'n ka dadaan?Marx: Sa terrace ng kwarto nya.

Binuksan ni Marx ang gate ng bahay nina Glaiza gamit ang susi na nakuha nya sa bag ni Glaiza.

Ruru: Balik ka agad, huh? Hihintayin na lang kita dito.Marx: Okay.

Agad pumasok sa loob si Marx at walang kahirap-hirap na inakyat ang terrace ng kwarto ni Glaiza habang karga nya ito. Nang makaapak sya sa terrace, agad syang dumiretso sa kama at marahan nyang inilapag si Glaiza sa kama nito. Inayos nya ang pagkakahiga nito. Nang masigurado nyang okay na si Glaiza, hinalikan nya ito sa noo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 19, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Right Here Waiting ( MarLaiza )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon