Chapter 5

58 6 0
                                    

Natigilan si Glaiza sa sinabi ni Kylie.

Kylie: Naiinis ka dahil mas inuna pa ni kuya Marx na makipag-usap sa ibang girls kaysa pansinin ka.
Glaiza: Sino bang hindi maiinis dun diba? Binabayaran sya para bantayan ako at hindi para makipagflirt sa kung sino sinong babae dyan.
Kylie: You know what, ate? You sounds like a jealous girlfriend.
Glaiza: Hindi ako nagseselos, okay? At bakit naman ako magseselos, aber? He's just my bodyguard.
Kylie: Talaga? Kahit makita mo syang sweet sa ibang babae?
Glaiza: Wala akong pakialam. Pwede ba? Iwan nyo na nga lang ako dito. Matulog na kayo.
Kate: Nga pala, ate. Videoke tayo this Saturday dito sa house. Para naman mabawasan 'yang stress mo sa trabaho.
Glaiza: Hmm.............. sige. Go ako dyan.
Kate: Okay. Sige, matutulog na ko.
Kylie: Ako rin. Matulog ka na rin, ate. Bukas mo na lang ulit isipin si kuya Marx.
Glaiza: Sira!

Umalis na sina Kylie at Kate. Nag-stay muna si Glaiza sa gilid ng pool ng mga ilang minuto nang maisipan nyang matulog na rin. Dahan-dahan syang tumayo pero nagkamali sya ng pagtapak kaya nadulas sya.

Glaiza: Ah!

Napapikit na lang sya. Napansin nyang hindi sya nababasa kaya unti-unti nyang minulat ang mga mata nya. Nagulat sya nang makita nyang sobrang lapit ng mukha ni Marx sa kanya at nakapalibot ang kamay nito sa bewang nya. Nakatingin lang sila sa isa't isa. Unti-unti ng binitawan ni Marx si Glaiza.

Glaiza: Sa-salamat.
Marx: Mag-ingat ka na po sa susunod, Ma'am.
Glaiza: Wag mo na kong tawagin na, Ma'am. Nasa bahay na naman tayo eh.
Marx: Okay.
Glaiza: Matutulog na ko.
Marx: Okay. Sleep well.

Tumalikod na si Glaiza at naglakad na sya papasok ng bahay pero agad din syang tumigil. Nilingon nya si Marx.

Glaiza: Hindi ka pa ba matutulog? Maaga ka pang gigising bukas. Baka malate ka na naman ng gising.
Marx: You don't have to worry about that. Nag-set na ko ng alarm para magising ako ng maaga.
Glaiza: Oh, okay.

Nakatitig lang si Glaiza kay Marx.

Marx: Hindi ka pa ba matutulog?
Glaiza: Actually, matutulog na talaga ako.

Biglang naalala ni Glaiza yung mga babaeng kinausap ni Marx kanina.

Glaiza: ( Yun ba yung mga type ni Marx sa isang babae? Ang baba naman ng standards ni Marx sa isang babae. Obvious na obvious naman na lamang ako ng ilang paligo kesa sa mga babaeng yun eh. Hindi naman ganun makipag-usap sa 'kin si Marx. Napakaformal nya pag ako ang kausap nya samantalang sa mga babaeng yun.................... )
Marx: May problema ba?
Glaiza: Wala. Wala naman.

Naalala nya nung first time silang nag-meet at sinabi nitong hindi sya type nito.

Glaiza: ( Hindi nya daw ako type. Ano sya? Bakla? )

Biglang natigil sa pag-iisip si Glaiza.

Glaiza: ( Hindi kaya..................... lalaki naman talaga ang gusto nya? OMG! Kaya siguro hindi sya attracted sa 'kin. Pinadalhan ako ni kuya ng baklang bodyguard para sure na hindi ako mamanyakin? )

Tumalikod si Glaiza.

Glaiza: ( Teka, hindi pa naman sigurado eh. I have to know. )

Unti-unting lumapit si Glaiza kay Marx.

Marx: May kailangan ka ba?

Tiningnan nang mataman ni Glaiza si Marx.

Glaiza: ( Let's see kung bakla ka nga or straight ka. )

Nilagay ni Glaiza ang isang kamay nya sa balikat ni Marx at walang sabi-sabing hinalikan nya ito sa pisngi nito. Hindi pa sya nakuntento at binulungan nya pa ito.

Glaiza: It's my way of saying thank you for saving me.

Sinabi nya pa ito in a seductive way. Agad napaatras si Marx.

Marx: It's------------it's nothing. I'm just doing my job.
Glaiza: You're stammering.
Marx: Nagulat lang ako sa ginawa mo.

Biglang natawa si Glaiza.

Glaiza: Sinasabi ko na nga ba.
Marx: What are you talking about?
Glaiza: Kaya pala hindi ka attracted sa kin.

Naguguluhan si Marx sa sinasabi ni Glaiza.

Glaiza: Sana at first pa lang, sinabi mo na sa kin.
Marx: That what?
Glaiza: That ...................... you're gay.
Marx: What?!
Glaiza: O, bakit? Hindi ba totoo? Kaya nga hindi mo ko type diba? Kasi lalaki naman talaga ang gusto mo.

Natawa si Marx sa sinabi ni Glaiza.

Marx: Ba't di mo na lang kasi tanggapin na hindi lahat ng lalaki, mahuhulog sa ganda mo? Oo, maganda ka........... sexy................ pero kasi hindi naman talaga kita type.
Glaiza: Kasi nga bakla ka!

Agad lumapit si Marx kay Glaiza at hinawakan nya ito.

Marx: I'm not gay, okay? Ulitin mo pa yan--------------
Glaiza: What? Hahalikan mo ko? Ganyan naman talaga kayo eh. Kapag sinasabihan kayo na bakla ng isang babae, tatakutin nyo na hahalikan nyo para mapatunayan sa kanila na straight kayo. For all I know, gusto mo lang talaga akong halikan diba? Sinasabi ko na nga ba, pinagnanasaan mo talaga ako.

Napangiti si Marx.

Marx: Kanina lang sinasabi mo na bakla ako, ngayon naman sinasabi mong pinagnanasaan kita. Ano ba talaga? Ba't di mo na lang kasi sabihin na gusto mo lang talaga na halikan kita? Just say it. Masunurin naman ako eh. Pagbibigyan kita.

Agad nasampal ni Glaiza si Marx.

Glaiza: Ang kapal ng mukha mo! Para sabihin ko sayo, hindi ko pinangarap na halikan ang isang tulad mo at kahit kailan hindi didikit ang labi ko sa labi mo. Naiintindihan mo?

Dinuro-duro pa nito ang labi ni Marx. Agad naman hinawakan ni Marx ang kamay ni Glaiza na kanina pa dinuduro ang labi nya.

Marx: Gusto mo talagang icheck kung malambot ang labi ko.

Sasampalin sana ulit ni Glaiza si Marx pero napigilan ni Marx ang kamay nya.

Marx: Hindi ako pinanganak para lang sampalin mo. Ayaw mong halikan kita diba? Kung ayaw nyong mangyari yun, wag nyo po akong i-provoke na halikan ko po kayo.

Nagulat na lang si Marx nang bigla syang sampalin ni Glaiza. Nginisihan sya ni Glaiza.

Glaiza: Now I dare you to kiss me....................... if you can.

Nakatitig lang sa kanya si Marx.

Glaiza: Ano? Hindi mo kaya? Hindi na ako magugulat. I should have known na bakla ka talaga.

Tinalikuran na ni Glaiza si Marx.

Glaiza: ( Sayang. Gwapo pa naman sya, bakla naman. )

Biglang hinawakan ni Marx ang kamay ni Glaiza.

Glaiza: ( Ano na naman ang kailangan ng lalaking 'to sa kin? )

Nilingon nya si Marx.

Glaiza: Anong------------------

Bigla syang kinabig ni Marx at walang sabi-sabing hinalikan sya nito. Naramdaman ni Glaiza na pinasok ni Marx ang kamay nito sa suot nyang damit at marahan nitong pinisil ang kaliwang dibdib nya. Agad nag-react ang katawan nya sa ginagawa ni Marx kaya agad nya itong naitulak at sinampal nya ulit ito.

Glaiza: How dare you! Ang manyak mo!
Marx: I told you already but you provoked me.

Habol pa rin ni Glaiza ang hininga nya.

Glaiza: You'll pay for this. Idedemanda kita!

Nagwalk out na si Glaiza. Napabuntong-hininga na lang si Marx.

( Samantala )

11:00 pm na pero hindi pa rin makatulog si Glaiza. Kanina pa sya pagulong-gulong sa kama nya. Napatakip sya ng unan sa mukha nya.

Glaiza: Ah!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Patulugin mo na ko please.

Tinapon nya sa kung saan ang unan na hawak nya.

Glaiza: Ang manyak-manyak nya. Di pa sya nakuntento sa paghalik sa kin, hinawakan nya pa ang dibdib ko. Ang kapal nya talaga.

Bumangon sya at naglakad-lakad sa loob ng kwarto nya.

Glaiza: Isusumbong ko talaga sya kay kuya. Ipapadeport ko talaga sya. Sexual harassment kaya yung ginawa nya.

Natigil si Glaiza sa paglalakad.

Glaiza: Pag ginawa ko naman yun, maghahanap ulit ako ng bagong bodyguard.

Pinulot ni Glaiza ang unan na tinapon nya.

Glaiza: Ano bang gagawin ko? Bwisit kasi ang lalaking yun eh. Lakas makapagnakaw sa kin ng first time's.

Binagsak nya ang katawan nya sa kama at tinakip ulit ang unan sa mukha nya.

Glaiza: Patulugin mo na ko. Gusto ko ng matulog. May trabaho pa ko bukas.

Tinanggal nya ang unan sa mukha nya.

Glaiza: Mapapatay talaga kitang lalaki ka.

( Samantala )

Kanina pa hindi makatulog si Marx at nakahiga lang sya habang nakatitig sa kisame.

Marx: I'm so dead.

Napabuntong-hininga si Marx.

Marx: I'm sure madedeport na ko nito and pagbalik ko sa Amerika, goodbye for being single na ko nito. Ikakasal ako kay Ryza nang wala sa oras nito.

Napaupo si Marx.

Marx: Kasalanan nya naman kasi eh. She provoked me. She's a tease.

Tumayo si Marx.

Marx: Maybe I go beyond the limit. Ginusto ko rin naman na halikan sya.

Tumungo si Marx sa cabinet nya at binuksan nya ito.

Marx: Siguro kailangan ko ng mag-impake ng mga gamit para maaga akong makaalis bukas.

Biglang nalungkot si Marx at malungkot syang napangiti.

Marx: I would surely miss her.

( Kinabukasan )

Kahit madaling araw ng nakatulog si Glaiza, maaga pa rin syang nagising. Medyo masakit pa nga ang ulo nya dahil kulang sya sa tulog. Unti-unti syang bumangon at lumabas ng kwarto nya. Nagulat na lang sya nang makita nya si Marx na kalalabas lang ng kwarto nito. Nagkatinginan sila pero agad din napaiwas ng tingin si Glaiza at napatakip sya sa sarili nya.

Glaiza: ( Baka ano na namang maisipang gawin sa 'kin ng lalaking 'to. )

Nilagpasan lang sya ni Marx pero napansin nyang may dala dala itong maleta at malaking bag. Bago pa makababa ng hagdan si Marx, hinarangan na nya si Marx.

Glaiza: What's the meaning of this?

Agad syang hinila palapit ni Marx.

Glaiza: What are you doing?
Marx: Nilalayo lang kita sa disgrasya. Pa'no pag nahulog ka sa hagdan? Kasalanan ko na naman? Hindi pa nga ako nakakaalis, mapapahamak ka na naman.

Unti-unti na syang binitawan ni Marx.

Glaiza: Aalis? Bakit ka aalis?
Marx: Diba ganito naman ang nangyayari sa mga bodyguard na minamanyak ka? Pinapadeport mo diba? Since alam ko na naman na mangyayari 'to, inunahan na kita. Kagabi pa ko nag-impake and nakakuha na ko ng plane ticket pabalik sa Amerika. You don't have to worry anything.

Lalagpasan na sana ulit ni Marx si Glaiza pero hinarangan ulit sya ni Glaiza.

Glaiza: Hindi naman kita pinapaalis eh.
Marx: But I know that's what you want.

Hindi nakasagot si Glaiza. Masyado syang nabibigla sa mga nangyayari. Oo, totoong nagalit sya sa ginawa nitong kapangahasan kagabi but at the same time, hindi nya ito gustong umalis.

Marx: And before I leave, I just want to say sorry dun sa ginawa ko kagabi. I know na mali yung nagawa ko. Sana makahanap ka agad ng bodyguard na ipapalit sa kin. Yung matinong bodyguard talaga.

Hinaplos ni Marx ang pisngi nya.

Marx: Yung bodyguard na poprotektahan ka. Mag-iingat ka lagi, huh?

Hinalikan sya ni Marx sa noo.

Marx: Goodbye.

Nilagpasan na sya ni Marx.

Glaiza: Wag kang umalis. I don't want you to leave.

Napatigil si Marx at nilingon nya si Glaiza. Nilapitan sya ni Glaiza.

Glaiza: Kakalimutan ko yung ginawa mo, just stay.
Marx: Why? I'm sure may mahahanap ka pang mas better sa 'kin na bodyguard.
Glaiza: No. I know wala na. Ikaw lang yung gusto kong magprotekta sa kin so please.................... dito ka lang.

Napatitig sila sa isa't isa.

Glaiza: Marx..............
Marx: Fine. I'll stay.

Agad napangiti si Glaiza at niyakap nya si Marx.

Glaiza: Thank you.

Unti-unting naramdaman ni Marx ang malakas na pagtibok ng puso nya.

Marx: ( What's this feeling ? )




( To Be Continued )

Right Here Waiting ( MarLaiza )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon