( Samantala )
Dahan-dahan na sinarado nina Kylie and Kate ang pinto ng kwarto ni Glaiza.
Kate: Hindi ba natin kakausapin si ate?
Kylie: Tomorrow na lang siguro pag okay na sya.
Kate: Hmm................ okay.
Napansin ni Kate na nakangiti si Kylie.
Kate: Huy............. ba't nakangiti ka ng ganyan? Parang masaya ka pa sa nangyari kay ate, ah.
Kylie: Grabe ka naman. Hindi naman sa ganun. Gusto ko lang tingnan silang dalawa.
Kate: Silang dalawa? You mean, si ate at si kuya Marx?
Kylie: Yeah.
Kate: Bakit?
Kylie: Para kasing may something sa kanilang dalawa eh. Yung para silang loveteam sa showbiz. Yung chemistry nila, ang taas, di ko mareach. Yung feeling na kapag tinitingnan mo silang dalawa, kinikilig ka. Parang ganun.
Kate: You mean, gusto mo sila para sa isa't isa? Ganun? Gusto mo silang magkatuluyan?
Lalong lumuwang ang ngiti ni Kylie.
Kate: I guess that smile means yes. Pero................ I think hindi pasado si kuya Marx sa standards ni ate eh. Hindi naman sa minamaliit ko si kuya Marx pero alam nating dalawa kung ano ang gusto ni ate Glaiza sa isang lalaki. Gwapo.
Kylie: Gwapo naman si kuya Marx ah.
Kate: Mayaman. We both know na dyan pa lang, bagsak na si kuya Marx. Sana lang hindi mafall si kuya Marx kay ate dahil masasaktan lang sya. Hindi sya ang lalaking pinapangarap ni ate.
Kylie: Pero what if si ate ang mafall kay kuya Marx?
Kate: I told you already-----------
Kylie: Kate, listen to me. Pag ikaw, tumibok ang puso mo sa isang tao o nagmahal ka, lahat ng qualities na pinangarap mo sa isang lalaki, mawawala yun dahil ang mahalaga na lang para sayo ay ang taong yun, type mo man sya o hindi.
Kate: Ang lalim naman ng hugot mo, ate. May pinagdaraanan ka ba ngayon sa lovelife mo?
Kylie: Lovelife ka dyan. Wala nga akong boyfriend eh. Tara na nga. Matulog na tayo.
Kate: Pa'no si Kuya Marx? Nasa kwarto pa sya ni ate.
Kylie: Hayaan mo na sya dun. Babantayan nya si ate. Bodyguard sya ni ate eh.
Kate: Sure ka ba dyan?
Kylie: If ever na may mangyari man, labas na tayo dun.
Kate: What do you mean may mangyari? You mean , sex?
Kylie: Huy, yung bibig mo.
Kate: What? Yun naman ang pinupunto mo diba?
Kylie: Hmm................... ganun nga. But sa situation ngayon ni ate, malabong mangyari yun. Medyo down pa sya ngayon eh dahil sa nangyari kanina. Malamang sa ngayon, tulog na sya kaya ikaw, itulog mo na rin 'yang utak mo, okay? Kung saan-saan na napupunta ang isip mo eh.
Kate: Ako pa talaga ang sinisi mo? You started it.
Kylie: Sige na, sige na. Matulog na tayo.
Pumasok na sila sa kanya-kanya nilang kwarto.
( Kinabukasan )
Naunang nagising si Marx kaysa kay Glaiza. Napatingin sya kay Glaiza. Hinaplos nya ang pisngi nito.
Marx: Akalain mo yun? Marunong ka rin palang umiyak noh?
Napadako ang paningin nya sa mga labi nito. Naalala nya ang first time na nakita nya ang mukha nito nung nasa Amerika pa sya. Ang mga labi talaga nito ang una nyang napansin. Napahawak sya sa mga labi nito. Unti-unting nilapit ni Marx ang mukha nya kay Glaiza nang bigla syang mapatigil.
Marx: ( What am I doing ? )
Agad napaatras si Marx at bumangon na sya.
Marx: ( This is not you, Marx. Never kang nagfirst move sa isang babae. )
Palabas na sana sya ng kwarto ni Glaiza pero nilingon nya ulit ito. Maya maya, lumabas na sya ng kwarto ni Glaiza. Unti unting minulat ni Glaiza ang mga mata nya. Napatingin sya sa pinto ng kwarto nya. Bumangon sya at napahawak sa pisngi nya. Napangiti na lang sya at pumasok na sya sa banyo para makaligo na.
( After That )
Kumakain ng breakfast sina Glaiza, Kylie at Kate.
Glaiza: Asan si Marx?
Napangiti si Kylie.
Kate: Nasa car na sya, ate. Hinihintay ka nya.
Kylie: Bakit ate? Miss mo na sya agad? Magkasama lang kayo kagabi ah.
Sinipa ni Glaiza si Kylie mula sa ilalim ng mesa.
Kylie: Ouch!
Glaiza: Kumain ka dyan.
Kate: Okay na ba sayong pumasok, ate? Pwede ka naman sigurong mag-absent na muna eh. Magrest ka muna.
Glaiza: Okay na ko. Nakapagpahinga na naman ako kagabi eh.
Kylie: Kasi nga may kayakap sya habang natutulog kagabi.
Sinipa ulit ni Glaiza si Kylie.
Kylie: Aray! Pangalawa na yun, huh?
Glaiza: Masusundan pa yan kapag hindi ka pa tumahimik dyan.
Kylie: Guilty ka kasi eh.
Glaiza: I am not so shut up, Kylie.
Kylie: Fine, fine.
Naalala ulit ni Glaiza yung pakiramdam nang hinawakan ni Marx ang pisngi nya habang natutulog sya. Napangiti sya nang wala sa oras.
Kylie: Ay, ano to? Ba't namumula ang pisngi ng ate namin, huh? At nakangiti ka pa talaga.
Glaiza: Hindi ba uso sayo ang blush on?
Kylie: I'm sure hindi lang yan blush on. Sino kaya ang nagpapangiti sa ate namin, huh?
Glaiza: Wala so please................. kumain na kayo nang makapunta na kayo sa mga lakad nyo, okay? Pupunta na ko sa office.
Tumayo na si Glaiza at pumunta sya sa lababo. Hinugasan muna nya ito bago sya lumabas ng bahay. Bigla syang nabadtrip sa nakita nya sa labas ng bahay. Nakasandal sa kotse si Marx habang may kausap ito na tatlong babae. Agad syang lumapit dito.
Glaiza: May problema ba?
Napalingon sila kay Glaiza.
Marx: Good morning, Ma'am.
Glaiza: Sino sila?
Marx: Actually, napadaan lang sila tapos they saw me kaya kinausap nila ako while I'm waiting for you. Nakakatuwa pala silang kausap noh?
Girl 1: So, ba't ka napunta dito sa Pilipinas?
Girl 2: May girlfriend ka na ba?
Gorl 3: Ano bang type mo sa isang babae?
Glaiza: Marx, let's go. Ihatid mo na ko sa office.
Marx: Pwedeng maya maya na lang? Maaga pa naman eh.
Patuloy lang sa pakikipag-usap si Marx sa tatlong babae at hindi na pinansin si Glaiza.
Glaiza: ( So mas inuuna mo pang makipaglandian sa tatlong babaeng ito kaysa sa ihatid ako ganun ba? )
Naglakad na paalis si Glaiza.
Marx: Where are you going?
Glaiza: Magcocommute na lang ako. Ituloy mo lang yang pakikipag-usap sa kanila. Sumunod ka na lang sa office kapag tapos ka na dyan.
Tinuloy na ni Glaiza ang paglalakad nya. Habang naglalakad sya, may narinig syang bumubusina at alam nyang sasakyan nya iyon.
Marx: Ma'am, sumakay ka na dito.
Hindi sya pinansin ni Glaiza. Bumusina ulit ito. Hindi ulit ito pinansin ni Glaiza.
Glaiza: ( Bahala ka sa buhay mo! )
Maya maya, may biglang humawak sa kamay ni Glaiza. Agad nya itong nilingon.
Glaiza: What?
Marx: Ba't di mo ko pinapansin?
Glaiza: May kailangan ka ba?
Marx: Get in the car. Ihahatid na kita.
Glaiza: Akala ko ba maaga pa? Tsaka busy ka pa sa pakikipag-usap dun sa tatlo diba? Don't worry, magcocommute na lang ako.
Binawi na niya ang kamay nya kay Marx at naglakad na sya ulit. Pinigilan ulit sya ni Marx.
Marx: Sandali nga lang.
Glaiza: What?!
Marx: Ano bang problema mo?
Glaiza: Wala akong problema, Marx kaya kung pwede lang hayaan mo na kong umalis.
Marx: And then what? Aalis ka na naman ng walang kasama? Tapos ano? Mangyayari ulit 'yung nangyari kahapon? Yun ba ang gusto mo?
Pumiksi si Glaiza sa pagkakahawak sa kanya ni Marx.
Glaiza: You know what I want? Demanding na kung demanding pero gusto ko ako ang priority mo, Marx. Bodyguard kita diba? Gusto ko na sa kin lang ang atensyon mo. Dapat inuuna mo ko kesa sa ibang bagay cause you're here dahil kailangan kita.
Hindi nakasagot si Marx dahil sa sinabi ni Glaiza.
Glaiza: Oo, niligtas mo ko kahapon and utang na loob ko yun sayo dahil dumating ka. Pero pa'no kung next time hindi na? Pa'no pag nangyari na naman ulit yun sa kin? Ano? Aasa na lang ako na baka bigla kang dumating at ililigtas mo ko? Pa'no kung hindi ka dumating? Aasa na lang ba ako sa wala?
Marx: It won't happen cause I'm here.
Glaiza: Yun na nga eh. Pero pa'no mo yun gagawin kung nasa iba ang atensyon mo? Naiintindihan mo ba ko, Marx? I want you to prioritize me. Di bale na sa iba kung pangalawa, pangatlo or panghuli ako sa kanila pero ikaw................... gusto ko ako ang inuuna mo.
Napabuntong-hininga si Glaiza.
Glaiza: Now, kung hindi mo yun kayang gawin................. maghahanap na lang ako ng iba na kayang gawin yun para sa kin. But for now, ihatid mo muna ako sa office.
Pumasok na si Glaiza sa kotse.
( Office )
Kanina pa hindi nag-iimikan sina Glaiza at Marx. Nakaupo lang si Marx sa couch at may chinecheck naman na papers si Glaiza. Sinusulyapan minsan ni Glaiza si Marx para tingnan kung ano ang ginagawa nito pero nakaupo lang ito doon. Maya maya, pumasok ulit ang secretary ni Glaiza.
Sophia: Ma'am, andito ulit si Sir Ken.
Glaiza: Let him in.
Maya maya, pumasok na si Ken at agad nyang niyakap si Glaiza.
Ken: Buti na lang at walang nangyaring masama sayo. Sabi ko naman kasi sayo diba? Dapat hinatid na lang kita eh.
Glazia: I'm fine, Ken. You don't have to worry about me.
Napansin ni Glaiza na palabas na ng office si Marx.
Glaiza: Marx.
Tumigil si Marx. Kumalas muna si Glaiza sa pagkakayakap sa kanya ni Ken. Nilapitan nya si Marx at hinarap naman sya nito.
Marx: May kailangan pa ba kayo?
Glaiza: Where are you going?
Marx: Lalabas na muna ako. Baka kasi may pag-usapan po kayo ng lalaking yan na hindi ko pwedeng marinig.
Aalis na sana si Marx pero biglang hinawakan ni Glaiza ang kamay ni Marx.
Glaiza: You're not leaving.
Marx: I'm not leaving. Sa labas lang muna ako. Like what you said yesterday--------------
Glaiza: Remember what I said last night? I feel safe when you're around. Gusto kitang makita na nasa paligid lang.
Nagkatitigan silang dalawa.
Glaiza: Please...................
Napabuntong hininga na lang si Marx.
Marx: Fine. I'll stay if that's what you want.
Glaiza: Thanks.
( Kinagabihan )
Nakaupo si Glaiza sa gilid ng pool nang may biglang tumabi sa kanya.
Glaiza: Kylie, Kate, anong ginagawa nyo dito? Diba dapat natutulog na kayo?
Kylie: Parang ang lalim kasi ng iniisip mo eh.
Kate: Iniisip mo pa rin ba yung nangyari sayo kahapon, ate?
Glaiza: Hindi naman. May iba akong iniisip eh.
Kate: Ano?
Kylie: Or sino?
Napabuntong-hininga si Glaiza.
Glaiza: Is it too much na hingin ko kay Marx na ako ang i-prioritize nya?
Agad napangiti si Kylie.
Glaiza: What do you think, Kate?
Kate: Hindi naman siguro since bodyguard mo naman sya, ikaw dapat ang inuuna nya.
Glaiza: Eh ikaw, Kylie?
Kylie: Depende.
Glaiza: Anong depende?
Kylie: Ikuwento mo na lang kung anong nangyari kanina. Bakit mo ba naisip na kailangan ikaw ang i-prioritize nya?
Glaiza: Ganito kasi yun.
Kinuwento ni Glaiza ang nangyari kanina starting nung makita nyang may kausap na girls si Marx.
Kylie: Ah................ yun naman pala ang nangyari.
Glaiza: And?
Kylie: Hindi kaya, kaya mo nasabi ang bagay na yun dahil nainis ka na may kausap na girls si kuya Marx? Hindi kaya nagseselos ka lang?
( To Be Continued )
BINABASA MO ANG
Right Here Waiting ( MarLaiza )
FanfictionTotal package na si Glaiza. Smart, mayaman and especially maganda. Sa sobrang ganda nga nya, lahat na lang ng pinapadala sa kanya ng kanyang kuya na bodyguard, pinagtatangkaan syang gahasain kaya lahat sila, nademanda ni Glaiza. Medyo nawawalan na n...