"Wow! mukhang mayaman ang isang babaeng ito ah!" Nakangiting sabi ni Ms. Joy.
"25 Billion!" Muli kong sigaw kaya napatingin ulit sila sa akin. Kita kong nagulat rin si Rosie. Marahil nag tataka sya kung bakit ko pagsasayangan ang isang kwintas lang.
"Woah! go Master! wag kang papatalo, mas mayaman ka sa kanya!" Sigaw ni Jerome mula sa tenga ko.
That's my fiance necklace. Kelangan kong makuha iyon. At hindi ako papayag na makuha ng babaeng 'yan ang necklace ni Marjohn 'no.
Mukhang wala na syang maihihirit pa kaya ako ang nakakuha non. Nakatingin lang sya sa akin ng may pagtataka parin. Ngumisi ako sa kanya.
Tsk Rosie. I want to kill you right now.
"Nekclace Solved."
Nag antay pa ako ng 30 minutes bago matapos ang biding. Tumayo na ako saka kinuha ang necklace at ibinigay ang pera. Nakalagay ito sa sako dahil napakarami hindi magkasya.
Mga mautak at kailangang cash talaga.
Okay lang naman sa akin dahil kukunin rin namin iyon. Maibabalik ulit ang pera ko.
Pinakatitigan ko yung kwintas na iyon. Ito pala ang binanggit nya sa akin dati na may ibibigay sya sa debut ko but he didn't make it.
"Ready na ang lahat." Anunsyo ni Mikkaella mula sa tenga ko.
"Good. Mauuna akong lumabas rito dalhin nyo lahat ng pera sa abandong mansyon sa basement natin." Saad ko at naglakad na.
Paglabas ko sumakay ako sa kotse ko at inantay na makalabas rin ang mga kaibigan ko. Nagulat ako ng may tumunog na malakas na siren ata iyon at ang paglabas ng mga kasama ko.
Sumakay sila sa kani-kanilang sasakyan. "Succesful Master!" Masayang sabi ni Jasmine kaya napangiti rin ako kahit papaano.
Napatingin ako sa salamin ng may nakita akong sumusunod na mga sasakyan at pinapaulanan kami ng mga bala. "Hihiwalay ako sa inyo, sigurado akong ako ang huhulihin nila." Saad ko at iniliko ang sasakyan ko sa kaliwa.
Ibinangga ko ang kotse ko sa puno at dali daling lumabas at tumakbo habang bitbit ang baril ko. Baka maaksidente pa ako habang nag dadrive.
Sa madilim na iskineta ako nagtungo at sinundan pa rin talaga ako ng mga men and black. Tumakbo ako habang sunod sunod silang pinaputukan.
"You'll pay for this Azi!" Sigaw ng lalaki. Nag tago ako sa gilid ng drum.
"Mag kano ba ang babayaran ko?" Nakangising tanong ko saka tinanggal ang lock ng bomba at inihagis sa kanila.
Naglakad na ako patalikod at ang tanging narinig ko lang ay ang malakas na pagsabog. Napatingin ako sa high heels ko ng masira ito, huminto ako sa paglalakad at kinuha ang heels ko tinanggal ko ito saka naglakad na naka paa.
Napahinto lang ako sa paglalakad ng biglang may maramdaman akong kirot sa tagiliran ko. Shit may tama ako. Marahil sa pagtakbo ko ito at natamaan ako.
Ganto na na ako kamanhid para hindi maramdaman ang bala ng baril? lahat ata ng sakit ay naramdaman ko na.
"Master are you okay?" Tanong ni Jerome mula sa tenga ko.
"Where are you?" Si Mikkaella.
"May tama ako. Pero uuwi na ako ilagay nyo sa bangko nila boss ang kalahati ng pera na iyan. Pag hatian nyo ang iba." Utos ko.
"Are you okay Azi?" Tanong ni Mikaza.
"Yes babe. Im okay."
Nag abang ako ng taxi na masasakyan. Nang makapasok ako sa taxi inihilig ko ang ulo ko at inisip kong bakit hindi nagpapakita sa akin ang boss namin ngayong leader na ako.
BINABASA MO ANG
My Safe Place [COMPLETED]
ActionSi Akinaziah Mae Oinoma ay naisipan na sa Pilipinas na mamuhay, for her sa Pilipinas nya nakikita ang magandang buhay at mapayapa, kaya naisipan nya na sa kanyang Tita Cassa muna sya manirahan upang ipagpatuloy ang pag aaral, ngayong pag pasok nya s...