KINABUKASAN
Nandito ako ngayon sa bahay nila Tita Cassa kasama si Jandrik. Iiwan ko muna sya rito dahil papasok ako ng school.
Napag isipan kuna hindi lalo ako makakalimut kung ang mga masasakit na alaala ko ay hindi ko kayang palitan ng masasayang alaala.
"Napaka gwapo naman ng batang ito." Nakangiting wika ni Tita.
"Mauna na ho ako." Paalam ko at hinalikan sa noo si Jandrik.
Tumingin sa akin si Jhermi. "Hindi ka manlang ba kakain?" Supladong tanong nya.
"Kumain na ako bago umalis." Sabi ko.
Pagdating ko sa school ang mga babaeng mga walang magawa sa buhay ang nakita ko. Nag bu-bulungan sila habang pinagmamasdan ako na mag lakad.
"Yan ba yung kambal ni Naziah? yung inaakit si Memard?"
"Balita ko doon raw sa bahay ni Memard nakatira ang babaeng yan."
"Hindi na nahiya, kababaeng tao."
Dumaretso na ako sa room at hindi na pinansin ang mga sinasabi nila. Mga wala naman silang ambag sa buhay ko. Pagdating ko ay napahinto ako.
Nandito si Kayla kasama si Naziah, at masaya pa silang nag kwekwentuhan kasama si Christ. Napatayo si Memard ng makita ako at dali dali syang lumapit, kita ko ang pag kataranta sa mata nya ngunit pinanatili ko ang walang emosyon kong tingin.
"Pumasok kana?" Tanong nya.
"Hindi mo ba nakita?" Sarkastikong sagot ko
"Asan si Jandrik?"
"Nasa pwet ko nag kakape." Inis syang tumingin sa akin kaya ngumisi ako.
Dahan dahan akong lumakad patungo sa pwesto ng upuan ko kung saan nandon ngayon nakikipag kwentuhan si Naziah. Huminto ako sa tapat ni Kayla
"Upuan ko yan." Pag turo ko sa kinauupuan nya.
Yumuko naman sya na para bang napahiya. Tss. Good acting, huh?
"N-naziah, balik na ako sa classroom ko." Paalam nya at tumayo rin si Naziah.
"Sige hatid kita."
"Bakit ka pumasok?" Tanong ni Christ.
"Syempre para mag aral." Ngumuso naman sya sa pag kapahiya.
Bumalik sa pwesto si Christ at tanging dalawa nalang kami ni Nikko na mag katabi.
"Kailan pa iyon nakapasok rito sa room?" Tanong ko habang nag rereview ng mabilisan sa notes ko.
"2 weeks na. Si Naziah ang nag papasok ang rason ay dati naman daw na section 5 si Kayla. Hindi ko alam pero naiinis talaga ako sa Kayla na iyon dati pa." Inis na sabi nya.
Ngumisi ako. Parehas lang tayo Nikko.
Nahagip ng paningin ko si Memard. Ngumuso sya at tila nag tatampo dahil hindi ko sya pinansin ngunit iniiwas ko lang ang paningin ko.
Tss. Akala nya ba hindi ko nakita na nakatingin sya kay Kayla? kaya nung nakita nya ako ay dali dali syang lumapit.
"Oh? Ms. Ziahna is finally back." Usal ni Sir Carl ng makita ako. Ngumiti sya sa akin. "Ano sasali ka na ba sa singing competition?" Tanong nya.
Tumango ako. Agad silang nag hiyawan at nag wala pati si Sir Carl ay napa palakpak sa isinagot ko.
Discuss.
Discuss.
Lunchtime.
Nag sitakbuhan na ang iba at tanging kami nalang natira ni Memard, Ryuiichi. Habang nag lalakad ramdam ko ang takot ng dalawa magsalita.
BINABASA MO ANG
My Safe Place [COMPLETED]
حركة (أكشن)Si Akinaziah Mae Oinoma ay naisipan na sa Pilipinas na mamuhay, for her sa Pilipinas nya nakikita ang magandang buhay at mapayapa, kaya naisipan nya na sa kanyang Tita Cassa muna sya manirahan upang ipagpatuloy ang pag aaral, ngayong pag pasok nya s...