Pagod akong umupo sa sala sa bahay ng makauwi ako. 6:30 na ng gabi at nag lakad lang ako pauwi. Imagine first day pa lang ngunit daig pa ang third grading dahil sa pagod na nararamdaman ko.
Pero kasalanan ko din naman. Nag desisyon akong lakarin pauwi kahit alam kong medyo malayo pauwi kaya dapat saluhin ko lahat 'tong pagod na 'to. Tama!
Ipipikit ko na sana ang mata ko para makaidlip manlang sana ng makita ko si Tita sa kusina kaya tumayo nalang ako at lumakad patungo sa kanya ng marahan, niyakap ko sya habang nag luluto sya dahilan para mapaiktad sya sa gulat, ngumiti ako.
"Oh, nakauwi ka na pala? Asan na si Jhermi?" Tanong nya.
Kumalas ako sa pag kakayakap. "Wala pa po ba rito? alam ko po nauuna silang pinapauwi dahil nga section 1 sila." Takang tanong ko.
Iyon ang pag kakaalam ko kase kanina nung pinalabas kami, kami nalang ang nasa loob ng school. Sinubukan kong tanungin ang isa sa mga kaklase at iyon nga ang sinabi nila, na huli daw silang umuuwi dahil section 1.
Huminga naman ng malalim si Tita. "Baka nandon nanaman iyon sa parking lot at nakikipag away." Sabi nya kaya tumingin ako sa kanya.
"Tita alam nyo po? Tas hinayaan nyo lang?"
"Matagal ko na iyon syang pinag sabihan maski ang Kuya Martin mo, galit na galit na ngunit ayaw talagang makinig. Ginawa na namin ang lahat, grounded, walang pocket money, walang baon, no cellphone...pero wala pa din. Ang tigas ng ulo nya. Hindi namin kayang patinuin. Ayaw din sumunod sa amin."
Inabutan ako ng gatas ng kasambahay namin. "Thank you po." Ibinalik ko ang tingin kay Tita.
"Paluin nyo po kaya?" Suggestion ko.
Tumawa sya at ginulo ang buhok ko.
"Mag bihis kana don baka matuyuan ka ng pawis. Bumalik ka nalang dito after mong mag bihis. Ubusin mo ang gatas mo." Utos ni Tita kaya inilapag ko muna yung gatas ko sa lamesa bago umakyat sa taas.
Nag half bath muna ako saka nag suot ng pantulog na pajama. Malamig sa bahay nila Tita kapag gabi dahil bukas lahat ng aircon dito sa bahay.
Pag baba ko nandon na si Jhermi at Kuya Martin at mukhang pinagagalitan sya. Nakaupo si Jhermi sa sala habang nasa harap nya si Kuya. Kararating lang ata nila dahil naka uniform pa din ang pinsan ko.
"Ano nanaman bang problema Martin?" Tanong ni Tita Cassa.
"Itong si Jhermi naabutan kung nakikipag away sa labas ng village. Dito pa mismo sa village na tinitirhan natin! Gustong gusto talaga nyang ipakita ang pagiging patapon ang buhay." Inis na saad ni Kuya Martin.
Umirap lang si Jhermi bilang sagot, dumapo sa akin yung paningin nya, mabilis syang tumayo at kwinelyuhan ako. Bahagya pa akong nagulat at hindi agad nakapag salita.
"Ano tong nabalitaan kong nakipag away ka kay Mae?" Sigaw nya at hindi manlang pinansin sila Tita.
"Sinong Mae?" Kunyari kong tanong.
Mas lalo pa syang nainis sa sinabi ko, akma nya akong susuntukin nang sumigaw si Tita. "Jhermi! Don't you dare hurt, Naziah. You'll regret it. Hindi ka ba marunong makipag kasundo?!" Sigaw nito.
Tumingin si Jhermi sa kanya at para bang hindi makapaniwala. "Nagtatago kayo ng sikreto sa isang tao at gusto nyong makipag kasundo ako dyan?!" Turo nya sa akin.
Parehas kaming hindi nakapag salita sa sinabi ni Jhermi. Hindi dahil nagalit sya, kun'di dahil tinamaan kami sa sinabi nya. Tumingin muna sa akin si Jhermi ng masama bago umakyat sa taas.
Naistatwa ako at alam kong ganun din ang dalawa kong kasama dito sa ibaba. Tinignan ko si Kuya Martin na nakayuko at tila malalim ang iniisip.
"T-tara kumain muna tayo, lilipas rin ang galit non." Pagbasag ni Tita sa katahimikan. Nag pahuli akong nag lakad at inilabas ang cellphone ko.
BINABASA MO ANG
My Safe Place [COMPLETED]
AksiSi Akinaziah Mae Oinoma ay naisipan na sa Pilipinas na mamuhay, for her sa Pilipinas nya nakikita ang magandang buhay at mapayapa, kaya naisipan nya na sa kanyang Tita Cassa muna sya manirahan upang ipagpatuloy ang pag aaral, ngayong pag pasok nya s...