Chapter 36

38 1 0
                                    

Sorry sa matagal na UD, sana basahin nyo din yung story ko yung How My Life Play With Me. Maganda iyon. Parang true story HAHAHHA.





-------

NAZIAH POINT OF VIEW

"Maayos ba ang sagot ko?" I asked Kayla.

Ngumiti naman sya at niyakap ako. "I'm sure you'll win." Bulong nya.

Bumitaw sya ng yakap ng lumapit sa akin si Kuya Akirill. "I'm so proud of you." Saad nya.

Ganito pala ang pakiramdam ng maging proud sayo ang mga taong mahal mo. First time kong maramdaman ito.

"Kuya, kaibigan ko nga pala. Si Kayla." Pagpapakilala ko. Ngumiti si Kayla at inilahad ang kamay nya.

Tinanggap naman iyon ni Kuya ngunit hindi sya ngumiti na ipinag taka ko.

"Nice to meet you." Masayang bati ni Kayla.

"Yeah." Tanging Sagot ni Kuya sa kanya.

"Next cooking contest, ang mga bawat representative ng section, pumila na." Rinig kong anunsyo. Tumingin ako kay Kayla. "Dyan ka lang ha? Mag bihis lang ako." Paalam ko. Tumango sya.

Paponta na ako sa cr ng makasalubong ko si Tita Cassa at Kuya. Sinalubong ako ng mainit na yakap ni Tita. Ganun rin si Kuya Martin.

"Napaka galing mo, Naziah." Bulong nya.

Tumingin ako sa paligid. "Nakita nyo po ba si Ate?" Tanong ko.

Umiling si Kuya. Tumango na lang ako ay dumaretso sa cr. Paglabas ko ay nandon si Vincent nakasandal sa pader at tila inaantay ako.

Nang makita nya ako lumapit sya at mahigpit na niyakap ako. "I'm sure you'll win." Sambit nya.

"Hehehe thank you." Kinikilig na sabi ko.

Ngumiti naman sya at inakbayan ako. "Let's go to the cafeteria, nandon ang parents mo." Sabi nya.

Pagpasok namin sa cafeteria ay nasa pinaka mahabang lamesa sina Mom nakaupo. Kasama nya ang dalawang kapatid ko at si Memard na hawak hawak si Jandrik.

Lumapit ako. "Asan si Ate?" Tanong ko. Tumingin sa akin si Kayle kaya kinarga ko si Jandrik.

"Kanina ko pa sya hinahanap but I can't find her. Hinahanap na sya ngayon ni Nikko at Ryuiichi." Sagot ni Memard.

Bakit parang kinakabahan ako?

Sabi nila mag kapareho ang nararamdaman ng kambal. Kapag May sakit ang isa nanghihina naman ang isa.

Napahawak ako sa dibdib ko ng bahagyang kumirot ito. Anong nangyayare?

Anong nangyayare sayo, Ate?





ZIAHNA POINT OF VIEW

Pag tapos ng pageant ni Naziah ay tumunog ang phone ko. It was Mikaza. Lumabas ako para kausapin sya dahil masyadong maingay sa court.

"Z-ziahna...Help me." Nanghihinang pakiusap nya.

Napakunot ang noo ko. Ngayon nya lang ako tinawag sa pangalan ko at alam kong may masamang nangyayare ngayon, bigla tuloy akong kinabahan.

Magsasalita na sana ako ng bigla kong maramdaman na may humampas sa ulo ko kaya nabitawan ko ang phone na hawak ko. Napahawak ako sa ulo ko na nahampas dahil bigla akong nahilo.

"I'm sorry, Ziahna. I need to do this." Sambit ng misteryosong lalaki.

Nakikilala ko ang boses nya.

Classmate sya nila Kayle.

Bago ko pa tuluyang makita ang mukha nya ay tuluyan na akong natumba at nag dilim ang lahat.




MEMARD POINT OF VIEW

"Fuck it!" Malakas na sigaw ko.

Nandito kami ngayon sa loob ng room. Tapos na ang cooking competition ni Justine ngunit wala pa ding Ziahna na dumadating.

3 hours na syang nawawala, kung may popontahan man sya alam kong mag tetext sya.

Pumasok si Naziah na malanta. "Tinatawag na yung mga kasali sa singing competition." Anunsyo nya

Huminga ako ng malalim. "Let's go." Aya ko at bumaba na.

Nakita ko ang pamilyang Oinoma na inaabangan narin si Ziahna. Karga karga ni Tita Cassandra si Jandrik habang natutulog ito.

Si Kayla ang unang kakanta. Bahagya pa syang tumingin sa akin nung nakarating sya sa stage.

"Section 3 representative. She will sing Deja Vu by Olivia Rodrigo. Palakpakan everyone!!" Masayang ani nung mc.

Aaminin kong magaling din syang kumanta. Pero naiinis ako sa hindi mawaring dahilan. Sa pahayag ng kanta nya ay para bang sinasabi nya na ipinalit ko lang si Ziahna sa kanya.

Which is not true. Hindi ko sya ipinalit. Hindi ko kasalanan ng pag gising ko tumitibok na ang puso ko para kay Ziahna.


------

Tapos na magperform ang lahat at tanging si Ziahna nalang ang hindi pa.

"The last but not the least, Akiziahna Oinoma. She will sing Paalam, Patawad by Moira Dela Torre." Nagpalakpakan ang lahat.

Naghiyawan ang lahat ng umakyat si Ziahna sa stage. Kumunot ang noo ko ng mapansing hirap na hirap sya sa pag akyat. Ang kanyang buhok ay magulo din. Ang crop top nya ay may bahid na dugo.

Rinig ko ang bulungan ng iba.

"Bakit ganyan ang suot nya?"

"Hindi manlang nag ayos. Ang dugyot ah."

"Para naman syang salvage."

"Kung hindi lang sya pamilya ng Oinoma iisipin ko na pulubi sya."

"Bakit? Mayaman ba ang Oinoma?"

"Former Vice President ang Papa ni Ziahna sa Japan. Madami din ang kompanya nila at sikat sila doon."

Bahagyang nanlaki ang mata ko sa narinig. Vice President? Bakit parang wala namang sinabi si Ziahna sa akin na ganito?

Sa bagay. Masikreto nga pala sila.

Tumingin ulit ako kay Ziahna. Iniisa isa nyang pinagmamasdan ang section namin at hanggang pamilya nya.

What happen, Ziahna?

~Paano nalimutan ang lahat na kahit konti, walang pasabi.

Simula nya. Kinalabutan agad ako. Lahat ng nandito ay biglang tumahimik ng magsimula syang kumanta. Ang lamig ng boses nya.

Napakahinang musika, ang tanging naririnig lang ay ang boses ni Ziahna.

~Paano nalimutang banggitin na nagbago pala ang pagtingin. Ooh. Ooh. Wala na rin naman kahit na balikan. Wala na ang tamis nung ika'y nahagkan.

~At sa huling paalam naintindihan na sa ating dalawa, may ibang nakalaan.

Nagulat ako nung magtama ang mata namin. Ngumiti sya sa akin. Yung ngiti nya na para bang masaya sya. Masaya ba sya na nahanap nya ako?

~Patawad, Paalam. 2× Patawad kung Ikaw ay aking sasaktan, hindi ko nabigay ang iyong kailangan. At sa huling pangakong maibibigay ay sa ating dalawa ay walang nagsisihan.

Lahat kami nagpalakpakan ng matapos syang kumanta. Ang section 3 ay sigaw din ng sigaw pero syempre hindi magpapatalo ang section namin.

"Woah! Galing ni Ziahna! Idol!" Si Justine at hinampas si Christ.

"Tangina! Best friend namin yan!" Malakas na sigaw din ni Zedrick at tumawa si Jeff.

Pagtapos kumanta ni Ziahna ay bumaba agad sya at pomonta sa direksyon namin. Humarap sya kay Naziah at mahigpit itong niyakap na nagpatigil sa Kapatid nya.

"I love you." Nang sabihin iyon ni Ziahna ay nanlambot ang puso ko. Pumasok sa isip ko ang Ate ko.

Napaka swerte ni Naziah dahil nagkaroon sya ng Kambal na tanging sya lang ang inaalala.

Bibihira lang ngayon sa panahon na makahanap ng Kapatid na uunahin ka.

My Safe Place [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon