-Akinaziah's P.O.V-
Nagising ako sa pag gising sa akin ni Tita Cassa "Naziah umaga na, baka malate ka sa first day of school." Gising nya sa akin.
Nang idilat ko ang mata ko ang malambing na mukha agad ni Tuta Cassa ang nakita ko, agad akong ngumiti sa kanya saka niyakap yung bewang nya. Nakasanayan ko ng yakapin sya sa tuwing gigising ako. Siguro dahil na din kapatid sya ni Mommy.
Malambing din ako kay Tita dahil napaka sweet nya sa akin and dahil na din siguro 'yun sa wala syang anak na babae na napalaki kaya sa akin nya lahat ibinubuhos ang pag mamahal at atensyon nya.
"Opo tita." Tinapik nya yung balikat ko at tumayo na. "Hihintayin kita sa baba, nakahanda na ron ang almusal nyo." Sabi nya bago tuluyang bumaba.
Tumayo na ako saka nag ina't ng buong katawan. By the way I'm Akinaziah Mae M. Oinoma, 17 years old, Half Japanese and Half Korean. Actually wala dapat akong middle name, hindi ko alam kung paano nagawan ng parents ko abg mailagay iyan sa pangalan ko.
Marunong din akong mag tagalog dahil nung bata ako ay nag pupunta kami dito sa Pilipinas. Bumalik lang ulit kami sa Japan dahil doon naman talaga kami nakatira at nandon ang bahay namin.
Ngayon, 2 months na akong nakatira sa pilipinas, sa tita ko ngayon ako nanunuluyan. Mabait naman sila maliban nalang sa 'bunso kung pinsan' hindi ko alam kung bakit galit sya sa akin at hindi ko na rin naman na inalam pa ang dahilan.
Sa tuwing mag kakatinginan kase kami lagi syang iirap, minsan sisigawan nya pa ako lalo na kapag kaming dalawa lang ang nasa bahay, ganyan na talaga ang ugali nya noon pa pero nakakainis kase minsan. Pati ba naman mga pamilya nya sinusungitan nya.
Wala syang manners.
Pag baba ko nasa hapagkainan na si Kuya Martin kasama si Jhermi at Tita.
"Good morning every one!" Masayang bati ko sa kanila.
Tumingin lang sa akin si Kuya Martin saka nag basa ulit ng dyaryo. Mahilig mag basa si Kuya Martin ng dyaryo kapag umaga, nag mumukha tuloy syang matanda kahit wala pa naman syang girlfriend o asawa.
Minsan nga naiisip ko na kaya sya walang girlfriend ay dahil 'yon sa kasungitan nya. Parehas talaga sila ng kapatid nya.
Nang sulyapan ko naman si Jhermi umirap naman ito sa akin at binilisan ang pagkain. As usual.
"Section 5 ka, last section." Umubo si Kuya bago nagpatuloy. "Mga barumbado ang mga lalaki roon kaya iwasan mong masangkot sa gulo nila. Your mom wouldn't like that, so behave."
Okay lang naman sa akin. Nakaraang araw ko pa din nalaman na last section ako at worst section din daw iyon, nandoon daw kase ang mga batang patapon na ang buhay. Walang mga pangarap ganun. Nag kibit-balikat ako.
Makikipag close na lang ako siguro sa mga babae roon.
"Eh barumbado rin naman yan, Kuya." Mahinang sabi ni Jhermi.
"Jhermi." Suway sa kanya ni Mommy.
Nawala ang ngiti ko sa narinig pero sinubukan ko pa din na maging positive.
BINABASA MO ANG
My Safe Place [COMPLETED]
AcciónSi Akinaziah Mae Oinoma ay naisipan na sa Pilipinas na mamuhay, for her sa Pilipinas nya nakikita ang magandang buhay at mapayapa, kaya naisipan nya na sa kanyang Tita Cassa muna sya manirahan upang ipagpatuloy ang pag aaral, ngayong pag pasok nya s...