Chapter 35

39 1 0
                                    

NAZIAH POINT OF VIEW

Pupunta na kami ni Kuya sa backstage dahil modelling ang unang sasalang. Napahinto ako ng may babaeng nabangga si Kuya, ang mga gamit ng babae ay nahulog sa sahig.

"The fuck?!" Inis na sabi nung babae at padabog na kinuha ang mga gamit nya.

Pagtapos nyang gawin iyon at naglakad sya na para bang walang nangyare. Ni hindi manlang nya sinulyapan kami. At ni hindi manlang humingi ng tawad.

Sinundan ni Kuya Akirill yung babae dahil naiwan nito ang wallet nya. Tsk, nakalimutan ko na gusto nya nga pala ang mga masusungit na baba.

Pagdating ko sa court ay nakita ko si Akilex na sinusundan ng mga kababaihan. Nakakunot ang noo nya na tila naiinis na.

"Akilex, marry me!"

"Yanigin mo ang buhay ko!"

"Tapakan mo ako!"

Napailing iling ako. Napaka gwapo naman kase talaga ni Akilex. Kahit bata pa eh sobrang puti, manang mana Kay Ate.

Tumingin ako kay Kuya Akirill."Asan sina Mom? Hyunbaek?" Tanong ko.

"Bumalik si Mom sa mansyon may nakalimutan lang. Si Dad, hyunbaek, chairman jaegoo ay nasa dean's office. Chairman will be one of the judge." Tumango nalang ako.

Inaayos na rin ang mga upuan para sa mga estudyanteng manonood. Nagpaalam si Kuya na mag ccr lang kaya naupo muna ako sa harap ng stage.

Pinagmasdan ko si Ate na nakaupo sa isang upuan kasama si Jandrik at Memard.

Para silang...isang pamilya.

Naramdaman kong may umupo sa tabi ko na si Vincent pala kaya ngumiti ako. Bumuntong hininga sya at niyakap ako ng mahigpit.

"I love you, Naziah." He whispered in my ears. Hindi ko alam kung bakit nya ngayon sinasabi ito ngunit nakakagaan ng pakiramdam.

"You don't need to feel jealous, you have me." Dagdag nya na nag palambot ng puso ko.

Niyakap ko sya ng mahigpit at ipinikit ang mata ko. God, thank you for bringing Vince to me.







ZIAHNA POINT OF VIEW

Ibinigay ko si Jandrik kay Kayle. "Cr lang ako." Paalam ko.

Kita ko si Jhermi na nag lalakad at tila may hinahanap. Nang makita nya ako ay lumapit sya sa akin.

Ngumisi ako. "Are you sure na sasali ka sa cooking contest? Puro kain lang naman ang alam mo." Pangangasar ko kaya binatukan nya ako.

Inis akong tumingin sa kanya. "Hindi purket mafia leader ka, eh matatakot na ako sa iyo. Binabatok batokan lang kita, eh." Sabi nya.

Sumeryoso ako. "Hinahayaan lang kitang gawin iyon dahil tinutukan kita ng baril. Pero kung ako talaga baka wala ka ng kamay matagal na." Sabi ko kaya napalunok sya.

Hahaha. Hindi mabiro.

"Good luck na lang sa iyo, sana manalo ka." Magaling pa naman iyon si Justine dahil magaling daw mag luto ang mama nun.

Umirap sya. "Napilitan lang naman ako dahil mga tamad ang kaklase ko." Inis na sabi nya.

Napailing nalang ako saka nag patuloy sa pag lalakad. Napahinto na naman ako ng makita si Kuya Akirill.

Magkaharap sila ni Mae at tila may pinag tatalunan.

"Look at my uniform, magulo na!" Sigaw ni Mae sa Kuya ko. Ngumuso si Kuya at tinignan ang uniform nya.

Tss. Bakit ba tuwang tuwa pa sya na makatapon ng soft drink sa uniform ni Mae?

"I'm sorry, okay? Hindi ko sinasadya." Mahinahong ani.

"Hihiram na lang ako ng extra uniform sa kapatid ko." Dagdag nya.

Umirap naman si Mae. "No thanks, baka mabaho ang uniform ng kapatid mo." Sagot nya kaya bahagyang natawa si Kuya.

Anak, ng. Tinatawanan ang pang aasar sa amin.

"Mabango iyon. Lalo na si Ziahna. Lagi iyong malinis sa katawan." Biglang nanlaki ang mata ni Mae sa sinabi nya.

"Kapatid mo yung kambal?" Tanong ni Mae having nakataas ang kilay.

Lumapit na ako sa kanila. "Oo kapatid ko sya. May problema?" Mayabang na tanong ko.

"Kaya pala parehas kayo ng attitude. Hindi marunong mag sorry." Sabi nya.

Ngumisi ako. "First time kong mag sorry sa iyo, first time ring mag sorry ng Kuya ko. Napaka swerte mo naman." Ani ko.

Nag salubong lalo ang kilay nya. "Dyan na nga kayo! Ang weweird nyong mag pamilya!" Inis na sabi nya at nag lakad paalis.

Humarap sa akin si Kuya. "I heard you called me, Kuya." Nakangiting sabi nya na para bang nanalo sa lotto.

Inosenteng tinignan ko sya. "Diba ikaw naman talaga ang Kuya ko?" Tanong ko. Natawa sya at niyakap ako ng mahigpit.

"Yes, I'm your one and only Kuya, Ziahna. Ako lang." Sabi nya at hinalikan ako sa noo.

Tss. Possessive Kuya.




MEMARD POINT OF VIEW

Ilang oras ng wala si Ziahna. Wala din sya sa upuan ng pamilya nya.

"Where's, Ziahna?" I asked Ryuiichi.

"Nasa tabi tabi lang yun, pinapanood ang kambal nya." Sagot nya.

Napansin kong kanina pa hawak hawak nung Mommy ni Ziahna ang guitara nya. Bumalik ba sya sa bahay nila para kunin lang yan?

She really love her daughter.

"Candidate No. 8 Akinaziah Oinoma!" Nagtayuan ang mga kaklase namin at nagpalakasan ng palakpakan.

Si Vincent naman ay nakangiting kinukuhanan ng picture ang girlfriend.






VINCENT POINT OF VIEW

Nakangiti akong pinapanood ang kanyang pagrampa. She really beautiful.

Bawat ngiti na binibigay nya mas lalo akong naiinlove sa kanya. She's so innocent that I just want to protect her.

"Please, forward Candidate No 8." Rinig kong tawag ng Mc. Nakangiti naman syang ginawa iyon. "This is the question for you 'Would you rather be kind or be right?"

Ngumiti ng malawak si Naziah. "I would rather be kind than right, because anyone in the world can be right but not everybody can be kind." Simpleng sagot nya ngunit makikita na ang kahulugan.

Ngumiti ako sa kanya para sabihing I'm so proud of her.

Tumingin sya sa gawi ko at ngumiti din.

"I love you." I murmured.

My Safe Place [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon