-Ziahna's POV-
Mahigit isang linggo na rin ng makabalik si Naziah sa Japan kasama sina Ligaya, Dad at yung dalawa ko pang kapatid. At isang linggo narin akong kinukulit ni Akirill ngunit ni isa ay hindi ko sinagot ang tawag nya.
Hindi naman sa galit ako o ano masyadong busy lang talaga ako. Inaalam ko kase yung mga kilos nung Mae at Lorenzo kung saan sila nakatira o saan sila pomoponta pag tapos ng klase. Hindi naman pwedeng susugod ako ng hindi ko sila nakikilala. Nalaman ko din na only child si Mae at nakikitira lang sa bahay ng lolo at lola nya kasama ang mga Tita at Tito nya.
Dumating ang pinaka aantay ko at nandito ako sa tapat ng bahay nila Tita Cassa. Dito ako makikitira dahil malayo ang condo ko sa school ni Naziah. Nakakapagod din ang pabalik balik doon kung sakaling patulot ang pag-aaral ko. Tinulungan ako ng mga kasambahay na buhatin ang mga gamit ko.
Pagpasok ko kumakain na ng hapunan silang lahat. Kararating lang rin pala ni Tito Salde galing spain dahil nandon ang business nila. Mabuti ng complete kami dito, masaya ito.
Huminga ako ng malalim saka buong lakas na nag panggap. "Tita!" Masayang bati ko saka tumakbo at niyakap ito.
Masiyahin si Naziah at kabaliktaran ako. Kailangan kong pag butihan ang pagpapanggap ko. Napangiwi pa ako habang nakangiti. Kahit pala kambal malalaman mo ang mga pinagkaiba kahit na magkamukhang magkamukha sila 'no?
Lahat sila nagulat sa ganda ko, umupo ako sa tabi ni Tita at nakangiting hinarap silang lahat. Kaharap ko ngayon si Jhermi na nakatingin ng diretso sa akin.
"N-naziah? akala ko nasa Japan ka?" Takang tanong ni Tita.
Ngumiti ako. "I'm magaling naman na po. Mabilis akong gumaling lalo na't nasa japan ako kaya pinayagan ako ni Mommy at Daddy na bumalik na dito upang ipag patuloy ang school ko." Sabi ko at nagsandok ng pagkain.
Tangina nagugutom na talaga ako bahala na sila isipin na mukhang patay gutom ako. Gutom na gutom na talaga ako feeling ko nga hindi kakasya ang ulam nila sa akin eh.
Umirap naman si Jhermi. "Obviously she's not Naziah." Inis na saad nya.
Isusubo ko na sana ang pagkain ko ng mapahinto ako sa sinabi nya. Dahan dahan kung ibinaba ang kutsara saka sumandal sa upuan at nakahalukipkip na tinignan si Jhermi.
"Hindi ko na pala kailangang magpanggap rito." Tango tangong saad ko.
Hindi ko alam kung obvious ba talaga na ako si Ziahna ngunit base sa nakikita ko na reaksyon nila si Jhermi lang naman ang mukhang nakakilala sa akin na ipinag tataka ko.
How did he know that it's me?
Kailanman hindi naman kami tumira sa iisang bubong sa pagkakaalam ko, oo nung bata pa kami nag kikita kami kapag reunion ngunit hindi naman nag tatagal ng ilang taon yon. Kaya papaano nya ako nakilala agad?
"Z-ziahna?" Mahinang tawag ni Tita.
Walang emosyon ko syang tinignan. Nagulat nalang ako nung bigla nya akong yakapin ng mahigpit.
Bakit ganto sya kung mag react? daig nya pa si Ligaya.
Tumingin ako kay Kuya Martin pero umiwas sya ng tingin na tila ba hindi ako gustong kasama ganun din si Tito Salde, tanging si Jhermi lang ang kayang makatingin sa akin ng diretso.
BINABASA MO ANG
My Safe Place [COMPLETED]
ActionSi Akinaziah Mae Oinoma ay naisipan na sa Pilipinas na mamuhay, for her sa Pilipinas nya nakikita ang magandang buhay at mapayapa, kaya naisipan nya na sa kanyang Tita Cassa muna sya manirahan upang ipagpatuloy ang pag aaral, ngayong pag pasok nya s...