Chapter 26

47 3 1
                                    

ZIAHNA POINT OF VIEW

Pagdating ko sa bahay nag bihis agad ako, nais ko sana na dito nalang mag pahinga ngunit mas pinili kong bumaba at humiga sa sala.

"Wala kang duty?" Tanong ko kay Akirill habang nakapikit ang mata.

Ramdam ko ang pagdating nya.

"Meron. Paponta pa lang ako kumuha lang ako ng extra clothes." Sagot nya.

Mukhang doon muna sya mag s-stay sa penthouse nya. Tss.

"Asan si Naziah? hindi kayo sabay umuwi?" Tanong nya at hindi ako nakasagot.

Bakit nga ba hindi ako makasagot?

Dahil ba sa pag-aaway namin kanina? Alam ko namang hindi nya ako maiintindihan 'non kaya't hindi na ako nag paliwanag pa. Ngunit isa lang naman ang rason ko kung bakit ganun ang naging kilos ko kanina.

Hindi makakabuti sa kanya ang babaeng iyon.

Naramdaman nya ata ang pag tahimik ko. "Okay I'll stay here. Hindi ako pwedeng umalis hangga't may alitan ang mga kapatid ko." Sabi nya na nag pabukas ng mga mata ko.

Ipinatong ko ang dalawang kamay ko sa ulo ko at ginawa itong unan. Nakatitig lang ako sa kisame habang inaalala ang naging away namin ni Naziah.

"Umalis kana. Kailangan ka sa ospital, Akirill." Pagtataboy ko sa kanya.

"Kailangan rin ako ng mga kapatid ko." Wika nya.

"Nandito na ako!" Rinig kong sabi ni Naziah. Ramdam kong lumapit si Akirill sa kanya at kinausap ito.

"Oh. Akirill, Naziah nandito na pala kayo " Rinig kong saad ni Ligaya. Kararating lang nila at sinundo si Akilex sa school.

Tss. Mukhang tinakas ata ni Akirill kanina si Akilex. Malalagot na naman ako nito pag nalaman nila Ligaya.

May pag kakalayo kase ang paaralan ni Akilex kaya hindi sya nag aaral sa maynila. Hindi ko alam kung papaano nakuha mo Akirill si Akilex sa school at ibinalik din dahil mukhang sinundo ni Ligaya ang anak nya.

Tumayo ako dahil nandito na si Ligaya, papasok nalang ako ng room ko at saktong pag tayo ko ay bigla akong nahilo at nawalan ng balanse. Tumama ang ulo ko sa babasagin na table na halos ikahilo ko pa lalo.

Tangina ang sakit.

Ramdam kong tumakbo silang lahat palapit sa alin. May mga sinasabi sila pero hindi ko marinig.

"Iniwan ka na ng pamilya mo."

"Look. Lahat sila nasa labas at ikaw ay nandito sa loob na maari ng mamatay ano mang oras "

"Kawawang bata. Mukhang hindi talaga minahal ng pamilya nya."

"Magalit ka sa pamilya mo. Patayin mo sila balang araw."

Yan ang paulit ulit na nag pa-play sa utak ko. Paulit ulit ngunit hindi ko kilala kung sino.

Napahawak ako sa tenga ko ng makarinig ako ng iyak ng bata. Napakalakas na iyak na para bang nag mamakaawa at nasasaktan.

"Ziahna! did you hear me?!" Sigaw ni Ligaya mula sa tenga ko kaya natauhan ako.

Yumakap ako kay Daddy at nagsimulang umiyak. Natatakot ako. Ano yon? sino yung mga taong yon?

"D-daddy natatakot ako." Iyak na sabi ko.

Niyakap nya ako pabalik. "Tell me what happened Ziahna. Did you remember about the incident 10 years ago?" Umiling ako.

"Noona." Usal ni Akilex kaya tumahan ako at tumingin sa kanya. Nakatingin sya sa akin ng walang kurap.

May awa akong nakikita sa mukha nya, nagulat ako nong itinaas nya ang dalawang kamay na para bang sasalubongin ako ng yakap. Ngumiti ako at niyakap sya. Alam na alam nya kung anong oras ko kailangan ang yakap nya

My Safe Place [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon