Chapter 14

45 1 0
                                    

-Naziah's POV-

"Im courting your daughter, Mrs Oinoma." Magalang na sabi ni Vincent at bahagyang yumuko.

Tumingin banda sa amin si Akilex na para bang prinoproseso ang kanyang narinig. Kumunot pa bahagya ang noo nito.

"Call me Tita ano ka ba!" Nakangiting sabi ni Mom at inaya si Vince papontang dining.

"Where's Dad, Mom?" Tanong ko.

"I'm here." Napatingin ako sa pintuan at nakita ko sa likod nya ang mga body guards namin na may dala dalang filipino food.

Napangiti ako. "Where's Kuya?"

"Busy again. Finding your twins." Nagkatinginan kami ni Vincent ng marinig iyon. Papaano ko ba sasabihin sa kanila na nasa pilipinas si Ate at kasama sina Tita?

"Tsk. Nagsasayang lang sya ng oras." Iling iling na sabi ni Mom. "Halina kayo. Akilex, meokja." Aya nya.

Trans: Let's eat.







-Ziahna's POV-

"You find him already hon. I'm happy, I'm happy for you. Forget about me and just treasure our memories together. I'll always by your side, watching you until you get married and happy with him. Dahil doon lang ako magiging panatag ang makitang ligtas at masaya ka ulit."

Napadilat ako matapos kong marinig ang mga salitang iyon. He visited me. He visited me in my dream.

But what does he mean? sinong nahanap ko?

Bigla akong naiyak nang maalala ko na para bang pinapakawalan na nya ako ngayon. Na para bang pinapalaya nya na ako. Please, no.

"N-no!" Sigaw ko at hinawakan ang ulo ko. "Wala ka na nga kaya hayaan mong alalahanin nalang kita." Umiiyak na sabi ko.

Bumukas ang pinto at pumasok si Tita Cassa nanlaki ang mata nya ng makitang umiiyak ako kaya agad nya akong niyakap at pinatahan.

"Why are you crying?" Mahinang tanong nya at hinimas ang buhok ko.

"H-he died. H-he left me and now i t-think he let me g-go." Nauutal kong sabi dahil sa sunod sunod na pag hikbi.

Tumingin ako sa kanya habang namamasa ang mga mata ko. "T-tita. I c-cant." Mahinang sabi ko.

"Shhh...Hindi mo kailangang mag move on kong ayaw pa ng puso mo." Hinawakan nya ako sa mukha at tinignan sa mata.

"Isang araw marerealize mo nalang na hindi mo'na sya naiisip, hindi kana masasaktan tuwing papasok sya sa isip mo. Makakangiti kana ng totoo at walang bahid ng kalungkutan sa nakaraan."

Hinalikan nya ang noo ko. "Hindi pa iyon sa ngayon dahil hindi kapa totally healed. Nasa process ka palang nang pagpanggap ng katotohanan na patay na nga sya."

Niyakap ko bigla si Tita Cassa naramdaman kong nabigla sya nong una pero niyakap nya rin ako ng mas mahigpit pa sa yakap ko. Narinig ko ang paghikbi nya, marahil nasasaktan din sya sa nakikita nya sa akin ngayon.

"Hindi kita kayang makitang ganito Ziahna." Mahinang sabi nya.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako ulit. Inilinga ko ang paningin ko at napahinto kay Jhermi na nakatalikod sa akin habang ginagawa nya ang assignments nya.

Binabantayan nya ako ngayon? himala at pumayag sya.

Hinawakan ko ang sugat ko at medyo makirot pa sya. Ilang araw na ba akong tulog.

"Hoy!" Pagtawag ko sa kanya. Nilingon nya ako at sinara ang notebook na hawak nya. "What?!" Inis na tanong nya.

Laging galit sa akin ito. Wala pa nga akong ginagawa nagagalit na.

My Safe Place [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon